Damn it! Masyado na ba akong obsess sa kanya? Ang hirap namang mainlove.



Nakatulugan ko na ang ganung pag-iisip at nagising na lang ako ng may humahaplos sa kilay ko.

Teka! Bakit kilay ang hinahaplos sa akin? Tsk!

"Ang gwapo mong impakto Clover. Hihi." nagkunwari akong natutulog pa kahit pa tumitibok na naman ng malakas ang puso ko. Ang aga-aga kasi ganito ang ginagawa niya.

"Tsk! Kahit tulog ka naka-ekis pa rin 'yang kilay mo." kahit hindi ko siya tinitignan alam kong nakanguso na naman siya ngayon.

Naramdaman ko pang inaayos niya ang kilay ko. Ang lakas talaga ng trip ng babaeng 'to pero MAHAL ko naman kaya okay lang. "Yan.. pero— Hihi.. ekis mo na nga lang ulit, mas gwapo ka kasi kapag masungit ka." mahina pa siyang bumungisngis sa pinag-gagawa niya kaya di ko na mapigilang hindi magmulat ng mata. Gustong-gusto ko siyang nakikitang nakatawa at masaya.

"Goodmorning love." malambing na bati ko sa kanya at huli na para mabawi ko pa yun.

Biglang natigil ang daliri niyang humahaplos pa rin sa kilay ko. Napanganga pa siya at maya-maya ay bahagyang namula. Ang cute niya. Potcha..

Napangiti ako sa kanya at siya naman ay nag-iwas ng tingin. Nahihiya ba siya? Sana naman kinilig na lang siya.

"A—anong sabi mo?" nauutal niyang tanong habang hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Tsk. Anong ginagawa mo dito sa tabi ko? Pinagnanasaan mo ba ako First? Ang aga-aga pa oh. Dapat sinabi mong may pagnanasa ka pala sa akin para nagtabi na lang tayo kagabi."

"A—ano bang pinagsasabi mo?" mas lalo siyang namula.

"Tsk! Nagmamaang-maangan ka pa. Kita naman ang ebidensya." sambit ko at napaayos na lang siya ng tayo. Ang lapit na kasi namin sa isa't isa at kunting himas na lang sa kilay ko mahahalikan ko na siya.

"A-anong—- hoy impakto ka talaga, wala akong ginawa sayo huh! Hindi kita pinagnanasaan. — Putspa magdamit ka nga.. nasisilaw ako sa abs mo ang aga-aga Clover.. Mygad!!!"

"Hahahahaha." bumalanghit ako ng tawa sa reaksyon niya. Niloloko ko lang naman siya. Sanay na talaga akong matulog ng walang damit kaya dapat talagang masanay na siya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Magdamit ka na!!" naiinis pa niyang sigaw.

Tinitignan ko lang siya habang malakas pa rin ang tawa ko. Lalo pa siyang namula at alam kong dahil na sa inis yon. Nakalimutan kong asar talo din pala ang isang to.

Tatalikod na sana siya sa akin ng hablutin ko ang kamay niya at malakas ko siyang hinila papunta sa akin.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya di niya inaasahang matumba siya at bumagsak sa katawan ko.

Pareho kaming nanlaki at mata at ilang minutong hindi nakaimik. Hawak ko siya sa bewang niya habang sa dibdib ko naman ang dalawang kamay niya. Nasa ibabaw ko siya.

Nakakailang ang posisyon namin pero bakit nagustuhan ko?

Tumikhim siya at dahan-dahang gumalaw pero di ko siya hinayaang makaalis sa tabi ko. Gusto ko pa siyang nahahawakan ng ganito. Gusto ko siyang titigan ng malapitan.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now