Chapter Twenty Three: "Couple T-Shirts"

3.4K 96 5
                                    

Chapter Twenty Three-"Saying and admitting 'I'm sorry' is not really my cup of coffee but...I'm.. Sorry for being a jerk a while ago."







"ANO na namang pinag-awayan niyo this time?" Hindi ko alam kung maiinis sa reaksyon ni Snow. Mukhang masaya kasi siya dahil nag away na naman kami ng demonyo.

"Eh, ang KJ ng demonyo. Naghirap akong mamili ng couple t-shirts namin tapos hindi niya tatanggapin. O' sino'ng girlfriend ang hindi magagalit?!"

Naiinis na pinagsusuntok ko ang tadzmania pillow ko. I'm thinking na siya 'yon. Kainis talaga!

"He's outside." Nag angat ako ng tingin kay Snow.

It's Saturday at kakauwi ko lang galing mall. Well, nagpasama ako kay Lance para bumili ng mga gagamitin ko sa projects namin at hindi 'yon date. Nang makakita ako ng cute couple t-shirts, palihim ko 'yong binili thinking na matutuwa siya sa regalo ko.

"Wear this, Lance." Excited na binigay ko sa kanya ang t-shirt. Simple lang ang t-shirt at masyadong cliche pero wala akong pakialam. Gusto kong makiuso.

"What is this thing?" Parang ngayon lang siya nakakita ng ganoon nang makita ang tshirt.

Pinakita ko 'yong akin. "Tadaa! Couple t-shirt." Nabura ang ngiti ko nang may makitang couples na ganoon din ang disenyo. Anu ba yan! May kapareho agad kami.

Napatingin rin siya sa couple bago binalik sa akin ang binigay ko."I don't wear cheap shirts."

"A-ano?! C-cheap shirt ang turing mo sa regalo ko. Wow ha!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mainis. Expect the unexpected nga. Akala ko matutuwa siya pero ito? Ito 'yong nangyari. WTH!

"Yes. ALMIGHTY LZ don't wear CHEAP TSHIRTS." Abat! Inulit pa talaga ng walangya!

Tinapon ko sa kanya yung couple tshirts. "Huwag mo akong susundan. At huwag na huwag kang lalapit man lang o kausapin ako." I said bago siya iwan sa mall. Kainis na demonyo!

"Lumabas kana. Sabi mo nga, hindi magandang paghintayin ang demonyo." Tinulak ako ni Snow palabas ng kuwarto.

Naglakad ako palabas ng dormitory at nakita kong naroon ang CH though wala sina Keiron, Rhap at Ian. May hawak silang mga banner na nakasulat ang 'Kiance Fans Club'. What the H! Napangisi ako. Hindi bagay sa kanila ang may hawak na mga ganoon.

"Damn, LZ! After this, sisingilin talaga kita." Si Jake na may hawak na tarpauling mga litrato naming selfie ni Lance.

"Gumagawa-gawa ng kalokohan tapos idadamay pa ako. Nanahimik kami sa ibang academy, ginoong Chan!" Si Kiel na mukhang nangangawit na dahil sa hawak na banner rin. Katulong nito si JC na siyang anak ng director ng academy.

"Magkaayos na nga kayo! May date pa ako. Tss!" Si Kaezar naman na may hawak na dalawang placard. Nakasulat sa placard nito ang 'Kiance Forever!'.

Maraming estudyante na ang nagkukumpulan. Siyempre, sino ba namang di makikiusyoso kung nandoon ang CH members.

"Bastards! Hindi ko sinabing magsalita kayo!" Ang demonyo naman ay may hawak na isang hindi kalakihang red box. Nacurious naman ako kung anong laman ng box.

Lumapit ako sa kanya. "Anong kahayupan na naman 'to, Lance?" Nginuso ko yung mga kaibigan niya. Shet lang! Pigil na pigil ko ang kilig ko.

"Don't talk. Don't ruin everything." Seryosong saad niya bago inabot sa akin ang mga balloons na may ibat ibang kulay. "Can't you see? Member sila ng 'Kiance Fans Club'. They're supporting us."

"Ow yeah. Hindi naman kami mukhang napilitan noh?" Si Lester na isa ring outside member ng CH.

"One word again, Lester."

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon