Chapter 1 - Announcement

17.8K 554 70
                                    


Hadreus Matte's POV

NAGISING ako sa isang panaginip, panaginip na nangyari sa akin at panaginip na mag tatatlong taon na pero di ko pa rin makalimutan. Pala-isipan pa rin sa akin kung sino ang lalaking iyon. Naalala ko lang na may binulong sya pero yung binulong nya ay di ko malala. Pagkagising ko ay nasa kwarto na agad ako matapos ang nangyaring iyon. Di ko alam kung paano akong nakapunta sa aking silid pero alam ko na ang lalaking iyon ang nagdala sa akin pero papaanong nya nalaman ang bahay namin eh hindi ko namn sya kilala?

'kringggggg!', 'kringggggg!'

Napabalingkwas ako nang mag-ring ang alarm clock ko. Huminto na ako sa pagmumuni -munibat pinatay iyon. Ngayong araw din pala ang unang araw ng pasukan so it's mean first day of school.

Bumaba na ako para kumain para naman may laman yung tyan ko bago pumasok diba? kaya nga sabi nila 'when your stomach is full, your brain is also full too' joke lang, gawa-gawa ko lang yan.

Matapos na akong kumain ay hinugasan ko muna yung pinagkainan ko bago pumunta sa banyo para maligo. Kumakanta pa ako nang kanta ni Ariana Grande na 'one last time' at kulang na lang pumalakpak ang mga sabon dahil sa pagkanta ko.

Natapos na din ako sa wakas at sinuot ko na ang navy blue na slacks at blazer pero nagsuot muna ako ng polong puti na may kulay gintong burda na ' B.Pearl ' Ibinigay ito ng academy, may kasama na rin na school ID at bag na may school supplies.

Hindi ko alam kung bakit ako binigyan nang scholarship sa isang prestisyosong paaralan na ito pero okay na rin, tinanggap ko na lang kaysa naman masayang. Ika nga nila 'grab the opportunity' at para na rin hindi madagdagan ang gastos namin ni mama dito sa bahay, para na rin mailaan na lang ang perang kikitain ko sa gamot ni mama.

Lumabas na ako nang kwarto at pupuntahan naman ang kwarto ni mama. Pero bago yun pumunta muna ako sa kusina at pinainit ko muna yung pagkaing di na galaw kagabi.

Nagtataka ba kayo kung bakit di ko nababanggit ang tatay ko? Sabi kase sa akin ni mama, matagal na daw kaming iniwan nang tatay ko nang di manlang nagpapaalam. Kaya naman kaming dalawa na lang ni mama ang nagtulungan para mabuhay.

Pagkatapos ko na painitin yung pagkain ay pumunta na ako sa kwarto ni mama,nagdala na din ako ng gamot at tubig para di na sya mahirapan na maglakad papuntang kusina.

Pagpasok ko sa aking silid ay nakita ko syang natutulog sa kanyang higaan at agad ko syang pinuntahan. Nilagay ko muna ang pagkain nya sa isang maliit na lamesa katabi nang kanyang higaan at ginising ko na sya.

" Mama ko? Kakain na po" panggigising ko sa kanya.Unti unti naman nyang idinilat ang kanyang mata. Ngumiti sya matapos nyang dumilat. Ang ganda talaga ng mama ko!

" Magandang umaga anak" bati nya at sinuklian ko ito nang isang ngiti. Sana gumaling na talaga si mama para makapagbonding na kami kung saan-saan.

" Ma, kain ka na po, saglit lang at iuupo ko kayo" Sabi ko sa kanya.Inalalayan ko sya hanggang makaupo para makakain sya ng maayos.

" Salamat anak ha at lagi kang andyan para alagaan ako" medyo maiiyak-iyak na saad ng aking ina. Ang drama talaga ni mama.

" Ma, wala yun ang mahalaga kasama kita" ani ko sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok.

" O sya kain ka na ma, ang aga-aga nagdadrama tayo. Smile ka na ma " 

Matapos kumain ni mama ay kinuha ko yung pagkainan nya at nilagay sa lababo.

" Ma, aalis na ako, wag maglilikot " paalam ko sa kanya at hinalikan ang noo.

Umalis na ako sa bahay namin at pinuntahan si Aling Berta para ibilin si Mama.Naghihintay ako ng masasakyan nang may humintong tricycle kaya naman laking tuwa ko nang malaman ko kung kaninong iyon.

Sweet But Psycho| BL (COMPLETED)Where stories live. Discover now