Chapter 1: a memory

80 2 0
                                        

Cassie P.O.V

Linggo nanaman

Yan ang naibulalas ko pagkagising ko. Ito kasi ang araw na kitatamaran kong dumating. Halos lahat ng tao nakapahinga at kasama ang pamilya

Pero ako? Sino ang kasama ko? ang tita ko lang naman na super bait pwede na nga siyang madre sa kabaitan.

Siya nga pala  si tita Grace ang nag aruga sa akin magmula ng madawit sa isang aksidente ang aking mga magulang na ikina sawi nila.

Bata pa ako noon at hindi pa alam ang pakiramdam ng mawalan ng magulang, sabihin na natin  na musmos pa ako.

Tinaguyod akong mag isa ni tita Grace na kapatid ni Mama kasama ang pinsan kong si Marcus na itinuturing ko ng kuya.

Teka bago magkalimutan di nyo man lang ba tatanungin ang pangalan ko? Siguro marami sa inyo ay hindi interesado pero kahit na magpapakilala ako para alam niyo kung sino itong babaeng salaysay ng salaysay ng kwento.

Ako si Cassie Santillan, 17 taong gulang, nasa unang taon ng kolehiyo at nag aaral sa isa Unibersidad. Kumukuha ako ng BS interior design para mapamahalaan ko ang pagawaan namin ng kasangkapan sa bahay na naipundar ng aking gma namayapang magulang. 

Tunog mayaman diba? pero sa totoo lang, may kaya pero di naman mayaman, pero nag-aaral ako sa mataas na kalibre na paaralan. Paano? Iskolar ako sa Unibersidad na pinapasukan ko.

Kahit na may pera ako na pwede ko ng gamiti na galing sa mga magulang ko, napag desisyunan ko nalang na huwag iyong gamitin. Eh sa mayaman naman ako sa kaalaman kaya naman bakit p[a a ko gagastos kung sagot naman ng paaralan ang aking pag aaral.

Balik tayo sa usapan kanina. Bakit ayaw ko ang linggo? yun kasi ang araw na umalis aking nag iisang kaibigan ng biglaan at di man lang ko sinabihan. Masakit sa loob ko yung bigla niyang pag alis pero matagal na yon kaya parang nawala na yung galit ko sa kanya. Inisip ko nalang na may maganda siyang dahilan para umalis.

Cassie iha bumaba kana at mag sisimba tayo ngayon

Yan ang sigaw ng tita ko mula sa baba kaya nagmadali nako.

Tita andyan napo maliligo lang saglit para tuloy tuloy na po tayo mamaya

Naligo nako at nagsuot ng white na jeans converse sneaks at ang paborito kong nike shirt.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

Ang ganda ko!!

Pampa goodvibes lang haha pwera biro maganda ako. Di ba author?

(oo nalang ako thick face ka eh)-author's reply

Ewan ko sayo basta maganda ako.

(tsss. Magkwento ka nalang)-author

Nakarating kami ng simbahan at nakikinig ng misa. Nasa part na kami ng homily ni father at taimtim kaming nakikinig.

Cassie iha

Tawag ni tita Grace saakin. Tinignan ko siya sa mata pero di ko makuha ang ibig niyang sabihin tinanong ko siya kung bakit pero umiling lang siya.

Basta Cassie pagbutihan mo ang pag aaral mo ha? Wala na abg mga magulang mo kaya naman sana wag mong sayangin ang mga pinaghirapan nila para sayo.

Di ko expect ang mga sinabi ni tita Grace.

May something ba akong dapat iwasan or matuklasan? alam ko medyo malawak ang pag iisip ko pero ng magawi ang paningin ko sa harap, parang pamilyar yung tao na nakaupo malapit sa may aisle ng simbahan.

I PromiseWhere stories live. Discover now