"Are you okay, now?" tanong ni Craig sa akin habang tumabi ito ng upo sa akin. Napatingin pa ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. Madalas siguro talaga itong nawawala. Ang hilig humawak ng kamay eh.

Nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Bigla na naman akong nahiya. Hindi ko alam kung dahil na naman ba ito sa hitsura ko ngayon o dahil nakatingin si Clover sa amin.

Napatango na lang ako sa kanya at bahagya kong binalingan ang nakatayong si Clover sa harap namin, dahil kasi sa kanya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Ngunit pansin ko na naman ang naka-ekis na kilay nito habang nakatingin sa kamay namin ni Craig. Abnormal talaga itong si Clover. Ang bilis magbago ng mood eh.

"Gutom na siya." sabi nito at pansin kong malamig ang pagkakatitig niya kay Craig.

"Uhh. You should eat. Nagluto ako para sayo First." malumanay na sambit ni Craig kaya napangiti ako sa kanya.

"Marami akong inorder na pagkain para sayo First." singit ni Clover na hindi ko na maintindihan ang hitsura ng kilay nito. Galit ba siya?

Inalalayan ako ni Craig tumayo hanggang sa makarating kami ng kusina habang nakasunod lang si Clover sa amin. At katulad nga ng sinabi nila— ang dami ngang pagkain na nakalagay sa lamesa.

Gusto tuloy ulit tumunog ang tiyan ko.

Nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan at gustong-gusto na nilang lumamon kaya pinagbigyan ko na. Umupo na ako sa upuan at walang seremonyang nilantakan ang bawat pagkaing nakahain sa harap ko.

Ayokong magutom. Malungkot na nga ang buhay ko at ayokong pati mga alaga ko sa tiyan ay magdusa dahil sa problema ko.

Hindi ko na pinansin ang dalawa kong kasama at patuloy lang akong kumain. Patay-gutom na siguro ang inaakala nila sa akin pero depress ako ngayon at natural na sa akin na pagkain ang pagbalingan ko.

Natigil lang ako sa pagnguya ng mapansin ko ang kamay na nagpunas ng mukha ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"You're still crying kahit kumakain ka." malungkot na saad ni Craig kaya doon ko lang napansing kahit sa pagkain pala ay umiiyak pa rin ako.

I just can't forget my dream. Para kasing totoo ang nangyari doon at natatakot ako kung talagang totoo iyon.

"I —- I'm fine." lumunok muna ako bago magsalita ulit at ako na mismo ang nagpunas ng luha ko. "Tears of joy. Haha.. —naiyak lang ako dahil ang daming pagkain." suminghot pa ako bago ulit tumawa kahit wala namang nakakatawa. Putspa! Nakakaawa ka self.

"Tsk! Dapat pala kinuntian na lang namin ang pagkain mo." sambit naman ng impakto kaya napasimangot ako sa kanya. Edi mas lalo akong naiyak kapag ganun. Tsk! Impakto ka talaga Clover. Nagsabi ka pang I will make you happy kanina tapos magsusungit ka ngayon.

Napaismid na lang ako sa kanya at binalingan ulit ang pagkain baka totohanin pa niya ang banta nyang kuntian itong pagkain ko.

Matapos naming kumain— ayy mali.

Matapos ko pa lang kumain napagdesisyonan kong maligo. Nanghiram pa ako ng gamit kay Clover dahil tinatamad akong pumunta sa unit ko. Pero ang totoo takot akong pumasok ulit sa bahay ko dahil maiisip ko na naman ang dahilan ng kalungkutan ko ngayon.

"Clover makikitira muna ako sa unit mo." sabi ko sa kanya habang inaabot niya ang damit niya sa akin.

"Tsk! -okay." tipid niyang sagot. Akala ko aayaw siya sa 'tsk' niya eh. Papayag din pala.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now