"STOP IT! I DON'T WANT TO HERE THAT WORD AGAIN!! I NEVER THOUGHT YOU HOW TO LOVE AND YOU SHOULD NEVER EVER FEEL THAT.! DO YOU UNDERSTAND?!" bulyaw nito sa batang babae. Napahagulhol ulit ang batang babae. Napagtanto niya sa mga sandaling ito na iba talaga ang trato ng ina niya sa kanya mula pa noon.

Tinrato siya nitong parang isang gamit lang na minamanipula dahil wala itong pakialam kung nasasaktan man siya sa mga plano at desisyon nito para sa buhay niya.

Ayaw nitong makita niya ang buhay sa labas ng mansyon nila. Ayaw din nitong makipag-usap siya sa iba. Ayaw nitong nagkakamali siya dahil bilin nitong maging perpekto siya. Ayaw din nitong maattach siya sa isang bagay at lalong-lalo na ang makaramdam ng pakialam sa iba.

Ayaw niya itong makaramdam ng pagmamahal.

Ngunit taliwas sa bilin nito ang naramdaman ng batang babae sa kanyang ina dahil kahit ayaw man nito ang salitang pagmamahal— naramdaman pa rin ng batang babae ito para sa kanyang ina kahit malupit man ito sa kanya.

"Mom I love—

"I SAID STOP IT!!" sigaw ng ina sa labas at rinig niya ang padabog na paglisan nito mula sa labas ng madilim na silid. Iniwan siya nitong lumuluha habang kinakapa ang madilim na parte ng silid.

Ilang beses na ba siyang kinulong nito dahil sa hindi niya pagsunod sa mga utos nito.?

Tuwing nagkakamali kasi siya ay ito ang nagiging parusa niya. Ang makulong sa madilim na silid.

Naglakad siya papunta sa maliit na bintana at pinwersa niya itong buksan upang kahit sinag man lang ng buwan ay maiilawan ang madilim niyang paligid.

"Buti ka pa lagi akong sinamahan sa dilim." mahinang sambit ng batang babae habang tumatangis sa ilalim ng liwanag ng buwan.

——————————


"Mom what did you do to Yaya?" natatarantang tanong ng batang babae habang minamasdan ang babaeng kasambahay na ngayon ay naliligo na sa sarili nitong dugo.

"I KILLED HER HAHAHAHAHA!!!" parang baliw na sabi ng kanyang ina habang hawak pa nito ang kutsilyong ginamit nito upang kitilin ang buhay ng kasambahay.

Nangingilid ang luha ng batang babae habang dahan-dahan nitong nilalapitan ang kasambahay na kauna-unahang taong napapalapit sa kanya.

"W-why Mom? Huhu.. why did you kill Yaya?"

"I told you already First. Lumayo ka sa iba but you disobey me again. Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang yaya mo dahil matigas ang ulo mo." nanlilisik ang mata nitong sambit sa kanya. Napayakap na lang siya sa wala ng buhay niyang yaya at pilit nitong niyugyog ang ulo upang magising pa ito.

"No! No! Yaya wake up please.. Don't leave me please.. Huhu ... *sob* .. I — I'm so sorry Yaya.. I'm sorry!" lumuluha niya itong pinakiusapang magising. Nagsisisi siya kung bakit nangyari ito sa yaya niya. Hindi niya lubos maisip na kaya pala talagang pumatay ng ina niya.

Napangiti naman ang ina ng makita niya ang pagsisisi ng kanyang anak sa nangyari dahil ito ang gusto niya, — ang sisihin ng batang babae ang sarili nito.

Napabaling ang tingin ng batang babae sa kanyang ina nang bigla itong lumapit sa kanya at hinahagod pa ang buhok niya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon