Couple things

0 0 0
                                    

Ika-labing siyam na bahagi

Paulo's POV...

Nagising ako sa goodmorning call ni V di kasi ako nagigising sa tunog ng alarm kaya full palagi ang notification volume ng phone ko para di ako malate halos dalawang taon na namin ginagawa to at effective naman lalo na sakin kasi di nako nali-late

Naligo na agad ako kasi tinawagan na ko ng department coordinator kasi tatapusin namin ang float na sasakyan nina Migs sa susunod na araw, pagkatapos kong maligo ay tumungo na agad ako sa University

Pagdating ko aligaga ang mga tao sa kahit sa Uni-gate palang may mga taong nag aayos ng tarpaulin, may mga nagpipinta at ang iba naman ay labas pasok na may dala dalang mga kahon walang pasok sina V ngayon kasi rest day nila after ilang weeks na marching practice para sa graduation pati sa pagnila ay sa wakas nagkaroon din sila ng time magpahinga

Nag aayos na kami ngayon ng float dito sa dome at ang iba naman ay tumutulong na nagpipinta ng upuan

*Phone rings

Sinagot ko kaagad ito

"Nasan ka Bep?"

"Ved nasa university na bakit?"

"Nag breakfast kaba? halos 30 minutes palang nong ginising kita ah?"

"Hindi na Ved tinawagan kasi ako ni DC na dapat daw matapos na ang float kasi may checking mamaya sila dean"

"Ah okay nasa dome kayo?"

"Opo nasa dome po"

"Sige bye"

"Ah..ba.."

Ang hinayupak nayun binabaan na naman ako ng telepono, siguro sa 2 years naming magkasama yun palagi ang cause ng misunderstanding namin minsan binababaan niya ako ng hindi pa tapos magsalita minsan ako naman ang gumagawa

Nagpatuloy na ulit ako sa pag aayos ng float

Ilang sandali pa...

"Bep!"

Napatingin ako sa entrance door ng dome nakita ko agad si V na may dalang kape at dalawang paper bags sinalubong ko siya at niyakap, napuno na naman ng hiyawan at pang aasar ang paligid

"Ahm...Bep patulong muna ako ang bigat na kasi"

Sabi nito habang yakap yakap ko pa, sasalubongin ko talaga siya para kunin ang mga dala niya di ko lang alam bakit napayakap ako sa kanya

"Ay oo nga pala, ano ba ang mga ito? at tsaka wala kayong practice ngayon diba di kaba nainform ng mga classmate mo kagabi?"

"Nainform"

"Eh bakit ka..."

"Dinalhan kita ng breakfast tapos naisipan ko ring bilhan ka ng kape, yung isang paper bag naman sapatos, mga hoodie at damit yan na pasalubong ni kuya sayo"

"Weh talaga?"

Sabi ko habang binuksan agad ang paper bag

"Wow"

Na aamaze kong sabi

Lumapit naman ito sa akin at binulongan ako sa tenga

"Bep all of the things na makikita mo diyan pareho tayo"

"Pareho?"

Kunot noo kong sabi

"Oo inaasar talaga ako ni kuya parehas tayo ng sapatos, design ng hoodies lahat pareho"

Wish you never left (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu