24

62.5K 1.3K 294
                                    

Dahil na kay Rave pa ang camera ko, inayos muna namin ang background. Plain white background lang naman, lightings lang ang kailangan ayusin.




"Dito ka nga" pinalapit ko siya sa 'kin, naglakad naman siya kaagad palapit. Inayos ko ang kwelyo niya at sinikipan ng kaunti ang necktie niya. He look so hot with his attire.




Nung tiningala ko siya, nagtama ang mga mata namin. Mukhang may gusto siya sabihin na hindi niya masabi. My heart started to beat so fast again when he held my cheeks using both of his hands. Sa mga hawak niya lang ako nakakaramdam ng ganito. I can't explain what I'm feeling right now.




Without a word escaping from our mouth, we leaned closer to each other. The tip of our noses touched as I look directly into his eyes. His dark brown, pretty eyes are looking at my eyes intently then he glanced at my lips. He wet his lips sexily and angled himself. He leaned closer to kiss my lips but before he could brush his lips on mine, my phone rang. I looked away because of the silence surrounding us. Awkward.




Lumayo ako sakanya at pumunta sa mesa kung saan nakalagay ang phone ko. Si Rave ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad. Nakalimutan kong pupunta pala si Rave dito shit!




[Napakatagal mo talagang kumilos. Kanina pa 'ko nasa labas ng building] reklamo niya.




"Eto na, bababa na po boss" kailangan kong maging mabait sakanya dahil may utang na loob ako. Humanda 'to mamaya, napaka istorbo




"Sandali lang, kukunin ko lang ang camera" Pagpapaalam ko bago nagmadaling lumabas. Galit na galit na nyan sa 'kin si Rave




"Instant sun bathing" sarkastikong sabi sa 'kin ni Rave. Napanguso tuloy ako. Hindi niya ba ako na miss? Ang sama ng trato sa 'kin!




"I miss you too" Sagot ko sakanya at binigyan ng mapang asar na ngiti. Sus, miss lang ako nito kaya ganito e




"Alis na 'ko, nasisira araw ko sa 'yo" Inirapan niya ako at pinagkrus ang kamay niya. Aba! may sinira nga siyang moment kanina tapos siya pa ang may ganang sabihin yan sa 'kin?




"May sample ka ba ng mga photoshoots para sa billboard? Wala akong matinong masearch e" First time kong magpicture for billboards, gusto ko lang kumuha ng idea sakanya.




"Oo pero pwede bang sa loob ka nalang magtingin? Maarte ka pa naman sa pagpili. Ang init sa labas e, kanina pa 'ko dito" masama niya akong tinignan. Ang sama ng loob ah? Parang hindi niya ako pinapaghintay kapag may lakad kami




Hinila ko siya papasok sa photo studio, nang buksan ko ang pinto bigla siyang tumigil sa paglalakad.




"Bakit 'di kapa pumasok?" pinagtaasan ko siya ng kilay




"Sa labas na lang pala ako, lalamigin ako dyan" pagtanggi niya at maglalakad na sana pero hinila ko ang kamay niya papasok. Ang arte niya, kanina ayaw niya sa mainit, ngayon ayaw niya sa malamig.




Lumapit ako kay Ian at umupo sa tabi niya. May tinitignan siyang folder habang nagkakape, nakatuon lang sa folder ang atensyon niya




"Rave dito ka!" tinuro ko ang upuan sa harapan ko.




"Hindi sige, ayos lang ako dito" ngumiti siya ng alanganin sa 'kin




"Just sit already" kalmadong sabi ni Ian pero nagkumukhang masungit.



Umupo siya sa harapan ko, hinaharap ko sakanya ang phone kapag hinihingan ko siya ng opinyon.




Married To My Bestfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now