"Zander, hindi mo ba i-checheck ang information ng first target?" tanong ni Daisy habang naglalakad ako papuntang kusina.

"Mamaya nalang. Gutom na ako eh." maikling sabi ko.

Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko ang ilang maids. Pamilyar ang mga mukha nila. Isa sila sa mga katulong na nagpapahirap kay Amy nuon. Pero wala akong ganang makipag-away ngayon kaya palalampasin ko muna ang mga ginawa nila.

Umalis ang dalawa at isang maid nalang ang natira.

"I want pancakes with strawberry syrup. Bilis." Utos ko sa kanila.

"Hah. Narinig mo yun. Sino ka para utusan ako?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Shella, oo tama nga. Umiinom siya ng kape. Siya palagi ang namumuno sa pag-bubully kay Amethyst kung wala si Lucia, Chanel or ang head maid.

Napakunot naman ang aking nuo dahil sa sinabi niya. "Sino ako? Ako si Amethyst." With smile na sabi ko.

Ugh. You just ruined my appetite. Okay lang naman sigurong awayin kita.

"Maglinis kang punyeta ka. Hindi pa nga nakakain si mistress at si young lady. Tapos may pa-pancake pancake kapa. Ano ka? Sosyal? Sardinas lang ang kakainin mo letse ka."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Oi, Zander. Ano naman ba ang balak mo. Hoy!" Hindi ako nakinig kay Daisy.

"Ano? Anong tingitingin mo diyan? Umalis ka na, bruha. Maglinis ka."

Tahimik lang ako pero ngumiti ako ng matamis. Nakakainis to ah. Pwedeng hampasin siya ng keyboard hanggang sa matanggal lahat ng ngipin niya? "Shella, you're just a lowly maid. Why not act like one?"

Natigilan si Shella sa sinabi ko. Malamang, first time niyang marinig si Amethyst na bobita at isip bata since birth na mag-salita ng english fluently.

Kinuha ko ang mug ng kape mula sa kamay niya at ibinuhos sa kanya ang laman. Napasigaw siya. "Aaaah! Punyeta! Ang init! Putangina! Lagot ka sa akin!" Hahampasin na sana niya ako pero agad ko iyong nailagan.

"As far as I know, trabaho ng mga katulong ang magsilbi ng maayos sa amo nila. Kasama ba duon ang pagbubully nila sa mga amo nila? I wonder." Sabi ko habang nakahawak sa baba ko, kunwari nagiisip ako.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Shella at agad naman siyang napatingin sa kamay ko. Pulang-pula ang mukha ni Shella. Alam ko namang hindi na masyadong mainit ang kape kaya okay lang na ibuhos sa kanya dahil hindi naman siya masusugatan.

"Listen here, Shella. AKO ang anak ni Don Amalio. AKO ang may-ari ng mansion na ito. AKO ang mayaman at higit sa lahat, AKO ang amo mo. Anyways, you're fired." Malamig at madiin na sabi ko.

"Hindi mo maaring gawin to! H-hindi ikaw ang amo ko!" Nauutal na wika niya.

Ngumisi ako. "Shella, ako ang bida sa storyang to. Extra ka lang kaya wag kang epal. Wag na wag ka nang magpakita dito dahil kung oo, mapipilitan akong kaladkarin ka gamit ang buhok mo." Malamig na sabi ko.

I gave her a deadly stare. Amethyst's is tall, probably a few inches shorter than my original body. So I easily towered over Sheila who's probably at 4'11.

Natulala siya. Nag-inat ako ng katawan sa harap niya. "Hay. Wala na akong gana. Maka-alis na nga."

Umalis na ako sa kusina at sumunod si Daisy na kumakain ng popcorn. Wow. Feel na feel niya talaga na nasa sinehan siya habang nanonood sa akin at kay Shella.

"Pengeng popcorn." Paghingi ko kay Daisy pero inirapan lang niya ako.

"Sabi mo wala kang gana. Bili ka ng sa iyo."
Sabi niya.

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now