Chapter 7

1 2 0
                                    


Doreen's POV

Nandito ako sa garden nagmumuni-muni. Maaga akong pumasok dahil dalawang oras lang akong makatulog dahil sa ginawa ko kahapon. As expected di ako naligo kasi it's bad for our health. Ang tapang ko na ba nito? Syempre maghahalf-bath ako mamaya para naman fresh.

Around 6 am akong pumunta dito at yung start naman ng klase namin ay 9 am. Oh diba ang aga?

Gusto ko pa sanang matulog kaso di talaga ako makatulog. Di naman ako nagsisisi sa mga sinabi ko, prangka lang talaga ako at ayaw ko sa plastic.

Kung nasabi ko naman sa kanya yun aba'y totoo naman. Or should I say kilala ko na siya noon pa? Pero di ko talaga matandaan eh. May mga ala-ala ako na di ko matandaan. At isa pa si Yra lang ang natatandaan kong matagal ko nang kaibigan.

"Ree?" Napatingin naman ako sa likod ko. Nakaupo ako ngayon sa may bench sa garden.

"Uy, ang aga mo rin ah." Ani ko naman kay Ziel. He is not wearing his uniform. Nakawhite-t-shirt lang siya tapos naka polo na kulay black ang pangbaba naman niya ay pantalon na kulang black. Ewan ko ba, may burol ata.

"Doing some stuffs." Pageexplain niya at tumango naman ako. "What about you?" Tanong niya at tumabi sakin.

"Di ako makatulog, ang dami ko pang iniisip." Tumango-tango naman siya.

"So di ka naligo?" Tumango naman ako at napatingin sa kanya. Di niya ba ako lalaitin?

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong ko naman sa kanya.

"Are you expecting something?"

"Haler, di ako naligo. Di mo ba ako lalaitin?" Seryosong tanong ko naman.

"So what? It's better na di ka maliligo kesya madeds ka." Di ko alam kung nagbibiro ba to o hindi. Pero may point siya. He's really something.

"Can you introduce yourself to me, Ziel. 'Coz I feel like I know you." Napatingin naman siya sakin and he smiled.

"Just wait after this week, Ree." Ani niya naman sabay ngiti.

"Okay," Napatingin naman kami sa likod ng may narinig kaming tunog.

"It's a Cat." Ani naman ni Ziel. Napatingin naman ako sa orasan ko. 7:30 pa ang aga-aga pa.

"What if ililibre nalang kita? Wag mo nalang isipin yung oras, basta masaya ka." Seryosong sambit naman niya.

"I need to graduate, Ziel. Para makapag-aral nako sa medical school." Ani ko naman sa kanya.

"Ako rin naman eh! Pero we need to spend our time baka sa huli magsisisi ka."

"Pfft, Let's go baka magkakautang ako sayo." Patawa ko namang sambit. Pumunta naman kami kung nasaan yung sasakyan niya.

Pumasok ka agad ako sa shotgun seat at nag seat belt.

"Don't worry, pera ko naman ang gagastusin ko. I don't like spending money that isn't mine." Ani niya naman sa akin.

"Okay, if you say so." He's the type na childish pero may utak. Minsan nga lang nawawala yung utak niya.

"Ako lang ba ang babaeng nakasakay dito?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Hindi! Malamang, si Yra at Ria nakasakay na dito." Napatingin naman ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Ria.

"It's not what you think. Nagpabili lang kaya siya ng cotton candy! Masama ba yon?!"

"Wala naman akong sinabing masama. focus on driving, Ziel." Seryosong sambit ko naman.

The Garden Of Wounds(Teen Series #1)Where stories live. Discover now