Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa loob ng bar at nag kakasayahan inaya kasi kami dito ni Angelique para naman daw makapag relax relax manlang kami dahil naging abala kami ng buong linggo sa mga School Works namin.
Sinama din ni Angelique ang mga kaklase niya dahil nakipag pustahan ito na kung sino ang unang malalasing ay siya ang mag babayad ng lahat lahat dito sa bar.
Mag kakasama kami ng mga kaibigan ko sa iisang table at inaantay lang si Angelique na lumapit saamin inaya aya niya kasi kami dito tapos hindi niya naman pala kami sasamahan dito sa table edi baliwala din na sumama pa kami.
" Tignan niyo si Angelique mukhang lasing na lasing na." Usal ni Llorar habang tinitignan si Angelique mula sa pole na nag papaikot-ikot at sumasayaw na dahil sa kalasingan.
Napairap nalang ako at napa buntong hininga dahil sa ginagawa niya ngayon. Nag palit pa siya kanina ng sexy red dress tsk!
" Hindi mag tatagal mababastos siya dahil sa ginagawa niya!" Inis na sabi ni Isaac kaya sandali ko siyang tinignan sabay nag buntong hininga.
" Tawagin niyo na nga ang babaeng yan at umuwi na lang tayo." Utos samin ni Kurt kaya tinignan ko ito hindi maganda ang awra ng mukha niya halatang hindi niya talaga nagugustuhan ang ginagawa ni Angelique.
" Hayaan niyo na siya.. kapag pinauwi natin yan hindi rin siya susunod sa atin kaya wag niyo na siyang intindihin." Sarkastikong tugon ko kay Kurt kaya napa singhal nalang ito.
" Chill guys! " Usal ni Isaac sabay itinaas ang isang bote ng alak na hawak hawak niya.
" Cheeersss." Sigaw nilang dalawa ni Llorar.
Nabaling ang atensyon ko kay Angelique wala na siya sa pole kaya agad akong napa tayo sa kinauupuan ko at tsaka nilibot ang paningin ko sa buong paligid.
" Nasaan na siya?" Kunot noong tanong ko sa isip ko.
" Bakit? Anong problema?" takang tanong nila Isaac sakin kaya sandali ko silang tinignan.
" Nawawala si Angelique." Kalmadong tugon ko.
" Andiyan lang yon." Kampanteng sabi ni Kurt kaya inirapan ko siya.
Hindi kona ito pinansin kaya hinanap ko nalang si Angelique sa buong paligid pero nandito lang pala siya sa gitna at nakikipag sayawan sa mga lalaki kaya napa buntong hininga ako.
" Nakakainis ang babaeng ito pinag-alala pa ako!" Inis kong bulong sa isip ko sabay tinalikuran siya pero bago pa man ako tumalikod nakita kong may katabi siyang lalaki habang sumasayaw kaya pinag masdan ko silang mabuti tsk mukhang manyakiss! bulong ko.
Habang pinag mamasdan ko silang dalawa napansin kong hinahawakan na nung lalaki si Angelique sa mga maseselang parte ng katawan nito kaya biglang nag dilim ang paningin ko pero sinubukan kong kumalma at inantay muna ang susunod na gagawin nito.
Hindi kona napigilan ang sarili ko ng makita kong hinalikan na nung lalaki si Angelique kaya agad ko itong nilapitan at binigyan na dalawang solid na suntok kaya tumalsik ito pabagsak sa sahig.
" Dapat lang sayo yan." Usal ko habang nakatayo sa harap nung lalaki.
Tinignan niya ako ng masama kaya ginantihan ko din ito.
" Don't tell me na gusto mo pang itayo kita diyan at kaladkadin palabas!" Usal ko sabay dinura yung Bubble Gum sa harapan niya.
Agad tumayo yung lalaki sa sahig sabay nilapitan ako kaya tinaasan ko ito ng kilay. Bigla niya akong binigyan ng isang malakas na suntok kaya mas lalong ng init ang ulo ko.
Humarap ako sa kaniya sabay bumawi rin ng isang malakas na suntok at tsaka ito hinawakan sa kwelyo at idinikit sa pader.
" Akala mo siguro walang kasama ang kaibigan ko kaya ang lakas ng loob mong bastusin sya no'h!" Inis kong sabi dito sabay ngisi.
"Akala mo kung sino ka? kababae mong tao ang tapang tapang mo!" Sabi nito sabay inalis ang kamay ko sa kwelyo niya at tsaka nag lakad paalis kaya pinatid ko siya dahilan ng pag kagalit nito lalo sakin kaya dinambahan ako nito ng suntok ng biglang saluhin ni Kurt ang kamao niya.
" Wag mong subukan na pangalawahan pa ang bangas sa mukha ng babaeng yan kundi mag kakagulo tayo dito." Banta ni Kurt pero hindi ito nag pasindak sa kaniya.
Sinuntok din siya nito kaya naman nag simula ng mag kagulo dito sa loob ng bar nakisali nadin si Isaac at Llorar. Biglang may dumating na grupo ng kalalakihan na sa tingin ko ay kaibigan nung lalaki na ng bastos kay Angelique.
Habang nag kakagulo ang lahat natuon ang atensyon namin sa mga armadong lalaki na bigla bigla nalang pumasok sa bar kaya naman nag sipag tigilan kaming lahat nakatakip ang mga mukha nito ng itim na mask kaya hindi namin makita ang mga mukha nila.
Bigla nalang umusok ng pagkakapal kapal kaya napa-ubo ako at nag umpisa ng sumikip ang dibdib ko.
Nilibot ko muna ang paningin ko para hanapin ang mga kaibigan ko pero hindi kona maaninag kung nasaan ba sila dahil sa kapal ng usok. Unti-unti ng sumikip ang pag hinga ko kaya bumagsak na ako sa sahig at unti-unti ng nawalan ng malay.
Are you ready to fight for your life?
Do not make a decision without thinking.
You should not trust the people around you.
Fight for your life not for others.
Characters:
Kurt Shandrei Rodriguez
Isaac Atencio
Blaire Cassidy Sandoval
Llorar Marie Vasquez
Angelique Llustre
Clark Laurent Zapanta
Lyzander Louise Franco
Alyanna Raine Duncan
Maddison Duncan
Shaunne Lucas Anderson
Christopher Tuazon
Yoshiko Yue
Blake Sandoval
Jasper Dizon
* Welcome to Underground University *
The school where you have to fight for your life, if you want to live fight and don't lose.
YOU ARE READING
Save Me From Hell
ActionSchool located on the ground floor where different types of human deaths are taught if you want to learn and recover from death you enter this school but do not blame, form a strong group to defend yourself against the enemy. Fight for your lives.
