"Anyway, this girl you're into... What is she like?" napabalik sa kasalukuyan ang isip ni Jake nang marinig ang boses ng ina.

"She's... something special, Ma." dahil doon ay natawa ang ginang.

"Every girl's special, honey."

"Yeah. But she's different..." tumingin ang binata sa relo at tumayo na. "It's almost five. I should be going, Mom. She might be going home by now."

"At tagasundo ka na rin ngayon ha?" pang-aasar pa ng ina. "Well, whoever she is. I want to meet her one of these days..."

"Of course, Ma. Bye." humalik muna sya pisngi ng ina saka lumabas sa opisina nito at dumiretso sa may elevator.

Bumukas ang elevator sa 17th floor at pumasok ang tatlong babaeng familiar sa kanya. Pero sa isang tao lang nakatutok ang tingin nya. Napatitig din sa kanya si Jasmine nang makita sya nito. Ngumiti sya dito pero hindi gumanti ng ngiti ang dalaga. Okay lang sa kanya dahil inaasahan na nya ang ganung reaksyon dito. Umusog sya ng kaunti sa gilid ng elevator para makasiksik si Jasmine. Doon nya naramdaman ang mga braso nilang nagkadikit. Nagsimula nang bumaba ang elevator nang mapansin nyang hindi ito pumindot sa buttons.

"2nd floor?" Tanong nya na ang tinutukoy ay ang karaniwang floor na binababaan palagi ng dalaga matapos ang trabaho.

"No. Ground..." Matipid na sagot nito.

"What happened to the car?"

"Coding..."

Lihim na napangiti si Jake sa nakuhang sagot. Tahimik nya lang itong pinagmamasdan mula sa salamin na nasa pinto ng elevator. Her friends were talking happily. Paminsan minsan ay nakikisali din si Jasmine pero mas madalas, nakikinig at nakikitawa lang. Maya-maya ay bumukas na ang elevator sa ground floor. Isa-isa nang naglabasan ang mga sakay noon.

"O paano, Jas, mauna na ako sayo. Kailangan kong makarating sa restaurant before 7pm. Baka maipit ako sa traffic at mainip ang loko." Sabi ng isang babaeng kasama ni Jasmine.

"It's okay, Kim. Ingat sa pagda-drive." Nagbeso ang dalawa at sa isa pa nilang kasama.

"Bye, Mamang Pogi." Hindi inaasahang babatiin sya ng babae. Pero sinuklian nya rin ito ng ngiti at kaway.

"Ingat." Sagot nya bago ito umalis.

"Mauna na rin ako sayo, girl. Si mudrabels kasi inaapura akong sunduin na sya sa spa dahil may pinuntahan si Popsie."

"Sige lang. Ingat kayo ni Tita. See you tomorrow."

"Thank you, ikaw din." Tapos tumingin ito sa kanya. "Ikaw na ang bahala sa kaibigan namin a. Bye!"

Hindi na nito hinintay na sumagot sya dahil lumabas na agad sa building ang babae. Naiwan silang dalawa doon. Mukhang kilala na sya ng mga ito. Baka naikukwento sya ni Jasmine sa mga kaibigan. Lihim na ikinatuwa iyon ng binata.

"Nagmamadali ka rin ba? Can we have a cup of coffee?"

"Only if you let me pay for my order." She answered.

"Am I allowed to say 'no'?" He answered amused.

"Nope..."

Natawa sya saka nilapitan ito.

"Let's go then..."

***

"Have you thought about it already?" Napaangat ang tingin ng dalaga sa kanya.

"Are you really serious about it?" Pinanood nya ito nang uminom ng karaniwang tsaa na inoorder nito.

Jasmine is pretty. Well, not the usual beauty na makikita sa tv or commercials. Hindi rin pangmodel ang ganda. Her beauty is simple. Yung tipong mas gumaganda habang tinititigan ng matagal. Dark brown eyes, long lashes, small pointed nose and small sensual lips. Bumagay ito sa maliit nyang mukha.

Perfectly ImperfectOn viuen les histories. Descobreix ara