"Hey, hey, you okay? May problema ka ba?" napatingin siya kay Brianna na nag-aalalang nakatingin sa kanya. "May nararamdaman ka ba ulit na sumusunod sayo?" dugtong niya kaya naman nakarinig sila ng pagbagsak ng baso.

"What's your problem?" singhal ni Bri kay Gray na nakakunot na ang mga kilay habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Anong sinabi mong may sumusunod sayo? B-bakit hindi ko alam yan?" Tumingin siya kay Bri. "Bakit hindi mo sinabi sa akin yan?"

Bri just rolled her eyes because of his boyfriend's attitude.

"I am a bestfriend also!"

Napabuntung-hininga ako. Kaya nga ayaw kong sabihin sa kanya dahil alam kong magiging ganito ang reaksyon niya.

"Sorry." I whisper but I know he heard me. "Ayoko lang naman na makaistorbo sa inyo."

"Istorbo? You are not, Euphoria! Did Tito and Tita knows about it?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"So hindi? Even your brother has no idea what's happening to you? I will tell them."

Bigla kaming nataranta ni Bri kaya naman niyakap namin ang magkabilang braso niya. "Wala na namang sumusunod sa akin. I-ilang linggo na din kaya huwag ka ng mag-alala." Sabi ko dito kaya naman tumango-tango si Bri.

"Euphoria, you're too innocent in everything. I just want to protect you, bot of you. I am also your bestfriend hindi lang si Bri. Masyado kayong mahalaga sa buhay ko kaya gusto kong mangako kayo na huwag na huwag na kayong maglilihim sa akin."

Tumango na lang kaming dalawa ni Bri sabay yakap sa kanya at hindi sinasadyang mapatingin ako sa may kulay asul na mga mata na nakatingin na din sa akin. Ako na ang unang umiwas dahil para talaga akong hinihigop ng mga mata niya.

GRADE 10. Magkakaroon sila ng hiking para sa fieldtrip. Malapit na kasi silang magtapos at hanggang ngayon hindi na din naramdaman ang mga matang nakasunod sa dalaga.

Noong una nanibago siya, nalungkot sa hindi niya alam na dahilan pero ipinaintindi niya sa isip na maging masaya dapat siya, kaya ayun nasanay naman siya sa huli.

"Sweetheart mag-iingat ka sa pupuntahan mo, huwag kang hihiwalay kay Bri o Gray. Kung may maramdaman kang hindi tama sabihin mo na sa instructor mo okay?" napangiti naman siya sa mga magulang niya na nasa harapan ng sasakyan dahil hinatid nila ito sa school.

Naging maganda na din ang takbo ng negosyo nila kaya naman mas guminhawa na lalo ang buhay namin. Mas naging mahigpit na din sila sa kanya dahil nagkakaroon na sila ng kalaban sa negosyo.

"Noted!" sigaw niya para maputol na ang kung anuman ang sasabihin nila.

Humalik muna ang dalaga sa magulang niya sabay yakap bago siya bumaba sa sasakyan.

Pagkababa niya ay sinalubong siya ng mga kaklase niya. Lahat sila kasi parang kapatid na ang turingan sa isa't-isa.

Ilang sandali lang nakukunpleto na sila at dumating na din ang dalawa na kanina pa niya hinihintay.

"Buhay pa pala kayo?" naiinis na tanong nito kaya naman sabay siyang niyakap ng dalawa.

"Hindi patay na na kami, patay na patay sa isa't-isa!" sigaw ni Gray kaya naman napangiwi ang dalawang dalaga sabay layo sa tumatawa pang si Gray.

Naging maayos naman ang pags-stay ng lahat. Maganda ang paligid, napakapresko dahil sa mga halamang nakapaligid at masaya dahil sa mga activities na hinanda ng school para sa kanila.

Tatlong araw at dalawang gabi sila sa lugar. Nagzip-line, hiking, pumunta sa falls at nagboodle fight. Nagkaroon din ng mga games with prices.

"Next time punta ulit tayo dito. Medyo bitin kasi. Marami pa tayong hindi napupuntahan." sabi ni Bri kaya naman nag-agree siya.

Nag-aayos na sila ng kanilang mga gamit dahil nga pauwi na sila. Silang dalawa ni Brianna ang magkasama sa kwarto. Hiwalay ang lalaki sa babae kaya naman nalungkot si Gray dahil sanay siyang kasama ang kasintahan at kaibigan.

Pagkatapos, lumabas na sila para pumunta sa meet-up place na pinag-usapan.

"May problema ba?" tanong ni Brianna sa kaibigan dahil napahinto ito bigla.

"Naiwan ko yung phone ko sa kwarto." sabi lang ni Euphoria habang hinahanap sa loob bulsa at bag niya pero hindi niya makita.

Hinila siya ni Bri. "Let's go na. Balikan na natin at baka mawala pa yon."

Umiling si Euphoria sabay alis ng kamay ni Brianna sa braso niya. "Ako na lang ang babalik at ikaw naman ay pumunta na doon para sabihin na babalikan ko lang ang phone ko."

Nagdadalawang isip man ang kanyang kaibigan ngunit nginitian na lang siya ni Euphoria kaya naman pumayag na din ito sa sinabi niya.

"Bilisan mo!" sigaw niya habang masama ang tingin sa dalaga. She just salute then run.

Mabilis na nakarating ang dalaga sa kwarto tinuluyan nila at nakita ang cellphone na nakapatong sa kama.

Masaya niya itong pinuntahan sabay kuha dito. Nagmadali na din siya ngunit hindi pa man siya nakakalabas sa pintuan nakaramdam siya ng hilo at sakit sa ulo niya. Mabilis niyang hinawakan ang bahagi ng masakit, may naramdaman siya basa at nang tingnan niya ito laking gulat niya kulay pula, kulay ng dugo.

Ilang segundo lang din ang lumipas ay unti-unti nang bumabagsak ang katawan niya at sa huling sandali, nakita niya ang isang masamang ngising nakaguhit sa lalaking sumalo sa kanya bago pa siya makarating sa sahig.

|PrinsesaIkay👑|

Note: Continuation next chapter. Magiging active na din ako sa watty at gagawin ang lahat para matapos ito bago matapos ang January so wish me luck!

Lusting Over You ✔Där berättelser lever. Upptäck nu