"Pero...Kuya Michael matanong ko lang...bakit hindi ka yata nag punta sa kwarto ni Kuya Allen kagabi?" tanong ni Kate na saglit na nag pahinto kay Michael.


"Ah...hehe, hindi naman kailangan araw-araw ay pumunta ako dun" palusot ni Michael, naniningkit naman ang mata ni Kate habang naka tingin sa kanya. Tila ba hindi ito naniniwala sa sinabi niya.


"I don't believe you..." kinabahan naman si Michael , sigurado siyang mag tatanong pa ulit ito. "Well anyway I'm going back to my room. I'm still sleepy" nakahinga naman ng maluwag si Michael dahil dito. Pinanood niya si Kate habang pa alis sa garden.




NASA kusina na ngayon si Michael at tinutulungan si Mira sa pag hahanda ng pag kain. Kita niyang nag lalagay na ng pagkain si Mira sa tray na dadalhin kay Allen. Nang matapos ang dalaga ay akmang iaabot na ni Mira kay Michael ang tray.

"Ah! Mira pwede bang ikaw na lang mag dala niyan kay Sir Allen?" tanong ni Michael. Nag tataka naman si Mira sa sinambit ng binata. Nasanay ito na si Michael ang nag dadala pero ngayon ay tumatanggi ito.

"Bakit? May problema ba kayo?" tanong ni Mira. Napa iwas naman ng tingin si Michael at marahang umiling.


"Wala naman..." Sambit niya. Kahit naguguluhan ay napatango na lamang si Mira at dinala na ang tray palabas sa kusina. Napahinga ng maluwag si Michael.

Kaya ko 'to!!







"Kuya Michael katok ka na" sambit ni Kate at mahinang tinutulak si Michael. Nandito sila ngayon sa tapat ng kwarto ni Allen para mag pa alam na sasama si Kate.

Huminga muna ng malalim si Michael at kumatok ng tatlong beses sa kwarto. Hindi niya alam kung anong dapat gawin kapag nakaharap niya na uli si Allen. Maya-maya ay nag bukas na ang pinto at bumungad sa kanila ang seryosong mukha ni Allen. Napa lunok naman si Michael saka tumingin kay Kate.


"A-ano...kung pwede daw sumama si Kate mamaya?"nakayukong sambit ni Michael na iniiwasan mag eye contact kay Allen.

"Please Kuya??"Si Kate naman ang nag salita.


"No" malamig na sambit ni Allen. Napatingin naman si Michael sa ekspresyon ng mukha nito ngunit walang mababakas kahit ano.

"Pag bigyan mo na, sir" sambit uli ni Michael. Nang tingnan niya si Kate ay kita niya ang lungkot sa muka ng bata.



"That party isn't for kids." sambit ni Allen at tumingin kay Kate. "And if you insist more I won't let you go with me too" na kay Michael na ang tingin nito ngayon. Mag sasalita pa sana si Michael nang isarado na ni Allen ang pinto.

Agad na yumuko si Michael sa tapat ni Kate nang marinig niya ang mahinang pag hikbi nito. Ayaw naman ni Michael na marinig ni Allen ang pag iyak ni Kate kaya dinala niya ito sa garden.


"Kuya Allen have changed" Kate said and sobs. Tinapik tapik naman ni Michael ang likod ng bata upang tumahan.


"Sa tingin ko ay ganun naman talaga siya." Sambit ni Michael pero umiling si Kate.

"No...I noticed it when you two stop talking with each other, so that I want to go with you on the party because maybe I can fix your quarrel." napatigil naman si Michael sa sinabi ni Kate. Hanga siya sa bata dahil ang dami nitong napapansin. Na touch din siya dahil gusto sila pag ayusin ni Kate.

"Why are you guys ignoring each other?" tanong pa ni Kate. Ngumiti ng malungkot si Michael.

"Kasi para yun sa ikabubuti naming dalawa" sambit ni Michael.


"Even though you're both hurting?" tanong namin ni Kate.

"Yep. Temporary lang naman 'to"

Sana...



"I think its not. Bakit kailangan niyo pigilan ang sarili niyo kung gusto niyo naman ang isat-isa?" nagulat naman si Michael sa sunod na sinabi ni Kate. Agad niyang inilibot ang paningin sa garden dahil baka may makarinig.


"Shh. Paano mo nasabi yan?" tanong ni Michael.


"I just noticed it."sambit ni Kate. Si Michael naman ay hindi maka paniwala sa sinabi ng bata. 10 years old pa lamang ito pero napaka dami ng alam sa mga ganitong bagay.


"Ayos sana kung gusto niya din ako eh pero hindi. Ganun lang siya sakin dahil nakikita niyang nag ca-care ako sa kanya." Michael opened up.


"Hmm? Who said? Siya ba mismo ang nag sabi sayo?" natigilan siya sa sinabi ni Kate at mabagal na umiling.
"That's it! You distance your self without his explanation." Naiiling na pa ng bata.

"Eh kasi...kahit na ganun ay bawal din talaga 'tong nararamdaman ko" sabi ni Michael.


"I understand you Kuya but you should also asked my brother" sambit ni Kate.


Nang matapos ang usapan nila ay naiwan si Michael sa garden. Ngayon ay naguguluhan na naman ang isip niya.

Bakit ba ang lakas ng epekto sakin ng mga salita ng mag kakapatid na 'to?




AGAD na inilibot ni Michael ang kanyang mga mata sa bahay nina Keith pag kababa nila sa kotse. May maingay na sound na nag mumula sa loob. Siguro ay nag simula na ang party. 6 pm na kasi sila dumating.

Nang makitang papasok na si Allen ay agad namang sumunod si Michael. Sigurado siyang maraming tao sa loob at ayaw niyang maalis ang tingin kay Allen. Baka kung ano pa ang mangyari kaya mahirap na. Nang makapasok silang tuluyan sa loob ay kita ni Michael ang maraming ilaw at may mga nag sasayaw sa isang gilid ay naroon ang buffet at may mga waiter na nag iikot para mamigay ng drinks. Eto ang unang beses ni Michael na makapunta sa isang party dito sa syudad.


"Uy! Akala ko hindi na kayo dadating" biglang sumulpot si Keith sa harapan nilang dalawa. May hawak itong baso na may wine.

"Sorry we're late. Happy birthday" rinig niyang sabi ni Allen at bumati na rin si Michael. Inabot naman ng dalawa ang mga regalo nila.

"Thank you.Hala nag abala pa kayo. Teka kain muna kayo tapos andun table" sambit ni Keith. Tumayo naman si Michael at ibinaling ang tingin kay Allen. Nang makitang papunta ito sa buffet.

Nang makakuha ng pag kain ay agad na pumunta ang dalawa sa table kung saan naroon sina Clark at Axcel na kasalukuyan ding kumakain. Hindi naman nila nakita si Afro kaya baka hindi pa ito dumadating.

"Buti nakarating kayo." Sambit ni Clark.

"Oo nga. Buti hindi pa nag sisimula ang tunay na party." Naguluhan naman si Michael sa sinabi ni Axcel.

"Ano ibig mo sabihin?" Tanong naman ni Michael.

"You'll see." napaisip na lamang si Michael at ipinag patuloy ang pag kain.

Ano bang ibig sabihin niya?

*****

Rewriting this part done. Don't forget to leave a vote. 💓

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora