"Nay Gina ayos na po ako magaling na din ang mga sugat ko." Nakangiting sambit ng batang lalaki habang nakaupo sa kahoy na papag.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa din maalala kung bakit ka nasa gubat?" Tanong ng matandang lalaki na kinatahimik ng bata dahilan para hampasin siya ng mahina nang asawa.

"Hindi po ligtas kung mananatili pa po ako dito kaya kailangan ko na po umalis." Ani ng batang lalaki na kinatinginan ng mag-asawa.

"Sabi ng mang-gagamot hindi ka pa pwede mag para galaw dahil sa mga bali mo."

"Oo nga bata dito ka muna, mamaya pupunta ulit kami ng bayan susubukan ulit namin kontakin ang pamilya mo." Sabat ng dalagita na naghahain sa lamesa.

"Anong problema?"

"May mga tao." Ani ng binata bago kinuha ang baril na nasa likod ng pantalon at tumingin sa paligid.

"Tao? Wala naman---."

Naputol ang sasabihin ng babae ng makarinig sila ng kaluskos.

"Sigurado ka bang nandito sa lugar na ito ang bata?" Ani ng dalaga habang tumitingin sa paligid.

"Malinaw ang sinabi ng informant natin may nangyaring insidente dito at may kumuha sa bata na mag-asawa kaya malakas ang kutob ko na nandito lang din ang tirahan ng dalawang matanda na yun." Ani ng lalaki hanggang sa makarinig sila ulit ng kaluskos.

"Aaah! Bakit tayo tumatakbo?!" Tili ng babae ng hilahin siya ng lalaki papunta kung saan.

"Wag kang maingay." Ani ng binata matapos tumingin sa kabilang bahagi dinadaanan nilang mga puno.

Nanlaki ang mata ng dalaga ng makakita siya ng mga taong nakasuot ng hood at may hawak na katana.

"Yung mga taong sinasabi ni Mr.Acosta, teka bakit tayo tumatakbo! Binigyan---."

"Hahanap tayo ng tiyempo kung hindi kita hinila kanina siguradong nahati na tayo sa dalawa." Ani ng lalaki bago huminto at nagtago sa malaking puno.

"Azrael anong gagawin natin?" Bulong ng babae habang nakayakap sa bewang niya ang binata.

"Kung sino man nandiyan! Miyembro kami ng 2nd sector at nandito kami para sa isang misyon." Ani ng binata habang nakatago sa likod ng puno.

"Kaya mo naman sila diba?" Bulong ng babae.

"Oo pero ang dami nila." Ani ng binata.

"Azrael!" Sigaw ng babae ng itulak siya ng binata nang may katana na tumutok sa leeg ng binata.

"Teka, galing kayo sa mga Zoldic diba? Yung bata ang binabantayan niyo." Casual na sambit ng lalaki habang iniiwas ang leeg sa katana.

"Lumapit samin si Cross Acosta gusto niya maibalik sakanya yung dalawang bata ... wala kaming gagawin sakanya." Ani ng lalaki.

Hindi umimik ang lalaking nagtutok sakanya ang katana pero inangat nito ang isang kamay na may hawak na patalim at ibinaba ang kwelyo ng binata.

"Pinuno isa sa angkan ng mga Vancouver nang 2nd sector." Ani ng lalaki bago binaba ang katana at umisang hakbang palayo.

"Fuck." Mura ng binata matapos lumayo ang lalaki at makahinga siya ng maluwang.

"Andito kami para sa batang Acosta." Ani ng lalaki bago tingnan ang mga lalaking nakasuot ng itim na hood.

"Diretsuhin niyo lang ang daan na yan." Ani ng boses babae bago tinuro ang kabilang bahagi ng kinatatayuan nila.

"Pag may hindi kayo magandang ginawa sa bata wag na kayong umasa na makakabalik kayo sa agency niyo ng buo." Ani ng babae bago isa isang umalis at naglaho.

"Ang creepy." Bulong ng dalaga habang hinahaplos ang dalawang braso.

"Saang sector sila kabilang?" Tanong ng dalaga.

"Ang alam ko kabilang sa Lethals ang angkan ng mga Zoldic pero ang antas nila sa Underground nasa 3rd Sector." Ani ng binata habang inaayos ang sarili at tumingin sa paligid.

"Tara na." Ani ng binata bago hinila ang babae sa daang tinuro ng grupo kanina.

His POV;
Parang nabunutan ako ng tinik ng makarating kami sa ospiyal kung saan nakaconfine si Cross.

Pagkababa ko ng kotse umikot ako at kinatok ang salamin sa sasakyan ni Carter.

"Hindi ka papasok sa loob?" Tanong ko pagkababa ng salamin.

"Mag-aano naman ako sa loob?" Tanong ni Carter bago sinuot ang sunglasses nito at magsindi ng sigarilyo.

"May kailangan pa akong puntahan at tapusin." Ani ni Carter na kinaisa kong hakbang paatras ng inistart na yun ni Carter.

"Wag mong sabihin na babalikan mo si Allen?" Ani ko.

"Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa mga kapatid ko." Ani ni Carter bago nagdidilim ang anyong pinaharurot ang kotse paalis.

"Carter!" Sigaw ko ng tangkain kong habulin ang kotse.

"Fuck it papakamatay ba siya?" Hindi makapaniwalang sambit ko habang nakatingin sa papalayong kotse.

'Si Arkhon!'

Napalingon ako at nanlaki ang mata ng tumatakbong lumapit sakin ang mga reporter.

Dahil dun dali-dali akong umikot at tumakbo papasok sa hospital habang tinatakpan ang mukha ko.

'Kailangan ko makita si Cross.' Ani ko sa sarili hanggang sa makasalubong ko si Tobi na may benda sa braso at ilang pasa.

"Tobi anong nangyari sayo?" Ani ko na kinalaki ng mata ni Tobi bago dali-daling lumapit sakin.

"Ligtas ka." Ani ni Tobi matapos ako hawakan sa braso.

"Si Allen ba may gawa nan?" Ani ko na kinatahimik ng manager ko.

"Para pigilan si Tobi sa pag-apila ng kaso hawak yung mga papeles na binigay mo para ipakulong ang daddy mo at hindi ka maipadala sa states ... sinabutahe nila ang sinasakyan ni Tobi at nahulog sa dagat." Ani ni Lucas na kinayukom ng kamao ko.

"Don't worry ayos na ako kung hindi agad dumating si Lucas siguro nasa morgu---."

"Manahimik ka nga masama kang damo hindi ka agad mamatay." Singhal ko sa manager ko na kinatawa lang ng gago bago ako inakbayan kahit ilang pulgada ang tangkad ko sakanya.

"Tara na siguradong matutuwa sina tita pag nakita ka." Ani ni Tobi.

"Si Cross nasaan siya?" Ani ko na kinatahimik ni Tobi ng ilang minuto.

"Hindi maganda, hanggang ngayon kasi hindi pa din nakakagawa ng gamot ang mga doctor sa lason."

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now