"Wag mo nga silang pinapakialaman. Hayaan mong magconfess si Hansol ng kusa." Biglang sabi nung katabi nya, nino pa ba?

Hindi sya nilingon ni Taeyong. He just made a face.

"Wag mo din akong pinapakialaman." He mumbles.

"Ano?"

"Wala."

Mabilis lang umikot ang baso sa kanila maya-maya pa na kay Johnny na. Madami silang drinks na nabili. Dapat kasi lalabas sila ngayon, kaya lang tinamad na dahil umuulan kaya jan nalang sila sa harap ng Uni bumili.

"Wag ka na kayang uminom?" Jaehyun nudge him kaya napilitan syang tingnan ni Taeyong.

"Ayoko naman talaga. Pinilit lang naman ako dito." Taeyong rolled his eyes then binigay na ni Johnny yung baso sa kanya.

"Give me that. Wag ka na magshot."

"Hindi. Kaya ko na."

"No you can't." Pagpigil ni Jaehyun.

Taeyong gave him a confused look. Bakit ba nangingialam to?

"Bakit ba? Kaya ko nga." Reklamo nya dito.

"Trust me Jaehyun kaya nya yan, gabi-gabi yan naglalasing that time." Sabi naman ni Doyoung. Walang ibang ginagawa si Taeyong kundi ang bigyan sila ng masasamang tingin.

Iingay eh.

Hindi na sumagot si Taeyong saka muling nagshot. Hindi sya sanay uminom noon kasi may nagbabawal pa sa kanya eh. Ngayon na wala na, malaya na nyang nagagawa yung gusto nya. Right, after their break up walang ibang ginawa si Taeyong gabi-gabi kundi hilahin si Doyoung or si Yuta para samahan syang uminom.

Maya-maya pa, may kumatok mula sa pinto nila. Si Taeyong na ang tumayo para magbukas. Buti naman at hindi sya pinigilan ni Johnny.

"Hendery ikaw pala." Taeyong said.

"Balita ko may nomo dito." He chuckles kaya pinisil sya ni Taeyong sa pisngi.

"Sali ka?"

"Mm." The younger nodded kaya pinapasok na sya ni Taeyong. "Dun ka sa tabi ni Jaehyun." Tinuro ni Taeyong ang dati nyang pwesto at mabilis na umupo doon si Hendery.

"Hoy madaya!" Sigaw ni Ten.

Taeyong just rolled his eyes saka naupo sa tabi ni Doyoung at sinandal ang ulo sa balikat nito.

"Bat ka umalis dun?"

"Ikaw gusto kong katabi. Bakit ba?"

"Sus."

"Oh Taeyong ikaw na." Inabot naman ni Taeil yung baso sa kanya."

"Hah? Agad? Parang kakatapos lang ni Jaehyun magshot ah!" Reklamo naman nya.

"Ayieee, bat alam mo? Tinitingnan mo si Jaehyun no?" Asar ni Jungwoo sa kanya.

Tamo to oh nakikisali na din. Hindi nalang intindihin yung jowa nyang kanina pa syang pinipisil sa hita.

Ano ba yan, naiirita talaga sya pagnakakakita ng may magjowa.

"Potek."

"Muling ibalik!" Sigaw naman ni Lucas.

"Lucas isa pa ibabato ko na talaga sayo tong baso." Banta nya dito.

"Tingnan mo ang cute ni Taeyong hyung magalit." Tawa pa ni Lucas. Parang hindi nasindak sa kanya.

Cute kasi ni Taeyong maasar kaya hindi mapigilan ng mga kaibigan na asarin sya. Isa pa, naniniwala pa din ang mga kaibigan nya na hindi pa huli ang lahat sa kanila ni Jaehyun.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Där berättelser lever. Upptäck nu