"Lucy," magiliw na tawag ng sakay nito.


Napasalubong na lamang siya ng kilay nang makita kung sino iyon. "Andrew, what.are.you.doing here?" Naroon na ang bahagyang pagpuna niya sa galaw ng lalake dahil na rin sa mga nabatid ng anak.


"Vance just transferred here," ngiting-ngiting turan nito.


"Really now." Hindi niya napigilan ang mapataas ng isang kilay nang tila unti-unti ng mahita ang ginagawa ng lalake.


"Yeah, c'mon I'll give you a ride home," magiliw nitong saad sabay bukas ng pinto para sa kanya.


Tiningnan muna ni Lucy ang kanynag relo at nang makitang mayroon pa siyang sapat na oras ay doon na siya nagpasyang sumabay rito. Nais niya rin makausap ang lalake dahil sa ilang mga bagay na tila nakakaligtaan na nito.


"Have you talk to your kids?" Panimula niya nang simulan na nitong paandarin ang sasakyan.


"Which one?" Ngising sagot nito na nananatili lang ang tingin sa daan.


Napabuga na lamang siya ng hangin sabay punas sa mukha. "Your elder one's, who else," tuwid at matalim niyang sambit.


Isang tila nangingiwing ngiti ang namutawi kay Andrew nang marinig iyon. "I'm getting there," pilit tawa na lang nito.


"I bet you are." Walang gana niyang saad.


Hindi niya napigilan ang mapabusangot sabay rolyo ng mata bago tumagilid upang umiwas ng tingin sa lalake. Natameme na lang si Andrew bigla nang mabatid ang inis at galit sa boses ni Lucy kaya naman nabalot ng katahimikan ang buong biyahe nila.


"Just drop me here, I need to pick up something," tudyo niya na lang sa lalake.


Wala naman itong naging reklamo bagkos ay ipinarada pa nito malapit sa kanyang babaan ang naturang sasakyan.


"I'll come with you," magiliw nitong saad nang makahinto na sila, naroon pa ang pagmamadali nito na magtanggal ng seatbelt.


"No need," walang gana niyang sagot.


"I have plenty of time naman para naman makapag-usap tayo ng kaunti," mabilis kaagad nitong pakiusap.


Napagitgit na lang siya ng ngipin habang pinandidilatan ito. "No.need.Andrew, you have much more better things to do or have you forgotten," madiin niyang sambit.


Mabilis itong natigil habang ngangang napatulala sa kanya ng ilang sandali. "Like what naman?" kunot noo nitong sambit.


Napatagilid na lang siya ng ulo pakatitig dito. "Talk to our kids, you said you'd do it last time, yet you've been delaying it for far too long," sermon niya.


"I'm just, polishing some stuff first, you know, to make things go smoother between me and kids," lambing nitong saad.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now