11

384 20 16
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

"ANG SARAP NG TAPSILOG!" masaya kong saad habang ginagawa ang happy tummy dance na natutunan namin sa ampunan noon. Naiiling na natatawa sa akin si David na tila aliw na aliw sa akin. Parang hindi nya to ginagawa noon. Sus! Mapagpanggap!

"Baliw." anya sa akin na ikinairap ko.

"Luh ka Mayor! Kala mo di mo nagawa ito noon. Mas magaling ka pa nga sa akin sumayaw nun e! Kasi alog tyan!" buska ko rito na naikinatawa nito...

"Tara na?" yaya nito sa akin na ikinagulat ko pa.

"Saan?"

"Sa simbahan. Pakasal na tayo. Baka umiyak ka pa bigla dito dahil hindi ka crush na crush mo."  hinampas ko siya dahil sa inis. Inaasar kasi nya ako dahil kinwento ko yung nangyari nitong nakakaraan sa pagitan namin ng alaga ko. Itong kaibigan kong Mayor na abogado din katulad ng alaga ko at ni Tine ay biglang tinamaan ng kamangmangan... Ipilit bang crush ko daw ang alaga kong pinaglihi sa megaphone at sama ng loob?! Luh siya! At ang nakakainis pa sa lalaking ito ay sinabi pa nya ma kinrush back naman daw ako ng 'crush ko' dahil selos daw sa kanyang kagwapuhan yun. Nakakaloka!

"AW-Sorry na... I'm just kidding... C'mon, Clarity... Stop-aw... Hitting me. Madalas pa man din akong mafall sa mga babaeng mapanakit." anito na ikinangiwi kong lalo. David talaga! Maloko pa rin pala hangang ngayon kahit Mayor na.

Napatigil ako ng maramdaman kong may parang nanonood sa akin. Ang weird lang. Hindi ko na lamang pinansin pa.

"Kainis ka naman kasi e! Tigil tigilan mo na yang crush crush na yan David... Alam mo naman na wala akong panahon sa ganyang bagay...tsaka di ba nga sabi ko sayo kung gusto mo akong gawing first lady ng bayan nyo ay pwede naman... Basta magpaalam ka ng maayos. " biro ko rito na ikinatawa nito.

"Oh... Clarity... You should be true to your words... Let's go... Manonood pa tayo ng Dancing fountain. Come... For sure, they are waiting for your Mayor." malokong saad nito sa akin tsaka pa ako kinindatan. Kung hindi ko lang kilala ito baka nahulog na panty at bra ko... Sorry po, Mother Superior!

" Ayieh... Willing magpaangkin sa akin. Nako. Mayor ha? Amin amin din na patay na patay ka sa akin! " tukso ko sa kanya na ikinangisi naman nito.

"Baka seryosohin ko yan, Clarity. Mapasubo ka." ganti nito na ikinatawa ko na lang. Inalalayan ako nito sa pagtayo at paglalakad palabas ng tapsilogan na halatang suki siya dahil kabiruan nya yung mga nagseserve. Marami ring kumakain doon at kadalasan lumalapit upang batiin ang kaibigan ko. May mga nagbibiro pa na ako daw ba ang first lady nya... At ang mabiro kong kaibigan ay sagot lang ay kung papayag daw ba ako bakit hindi? Oh see... Di ba kaloka?

Paglabas namin sa tapsilogan ay naramdaman ko na naman yung tila may nagmamasid sa akin. Hindi ko alam pero parang sinusundan ako... Kami? Ano ba yan? Clarity Amelia... PaOA ka ng pa OA.

Pagsakay namin sa sasakyan ay agad na may nagconvoy sa aming mga security details nito. Syemprs high profile si Mayor. Tapos napansin ko rin na nakasunod ang isang pamilyar na sasakyan sa di kalayuan. Pilit kong inaalala kung san ko ba nakikita yun?

"You okay?" alalang tanong ni David. Ngumit naman ako sa kanya at tumango.

"Kilala mo ba yung sasakyan na yun... Yung nasa likod ng isa mong security team?" saad ko. Napatingin siya sa sinasabi ko at kitang kita ko kung gaano naglaro ang isang pilyong ngisi sa mga labi nito na ikinabahala ko.

"Oh... That's your security detail I guess." biro nito na binuntunan pa nya ng tawa na ikinagulo ko lalo.

Luh... Buang na!

"Mayor, nakadrugs ka ba? Susumbong kita kay Mother Superior! Apaka mo!" namimilog ang mga mata kong saad dito na ikinahalakhak nitong lalo.

"Adik talaga ako Clarity Amelia..." seryosong saad nito sa akin na ikinabigla at lungkot ko. Hala siya... Ang dami na sigurong nagresing na guardian angel nya dahil masama iyong drugs. Sobrang sama dahil maraming nasirang buhay iyon... "Adik sayo, Clarity Amelia" at sinundan ng malutong na tawa. Hindi ko napigilan tuloy ang sarili kong pinaghahampas ko siya sa balikat.

Stavros 8: Let You GoWhere stories live. Discover now