"Simple lang ito, ah? Wag kang mag-expect masyado." Inilabas ko ang maliit na box mula sa bitbit kong shoulder bag. "Saka mo na buksan. Hiya ako e."


Tinanggap niya naman iyon. "Naks, may pa-gift kahit kuripot!"


Maliit na snow globe lamp iyong gift ko. Walang espesyal doon maliban sa bukod sa snow globe ay lamp na rin ito. Makapal iyong glass, hindi basta-basta. Saka may nakatayong "A.W." na letters sa loob. Pinasadya ko. Nasa three-thousand pesos yata in total ang nagastos ko hindi pa kasama ang shipping fee. So far, iyon na ang pinaka-mahal na gastos ko ngayong taon.


Sinipat ni Art ang box na nakabalot ng gift wrapper. "Kahit ano pa ito, I am thankful, Ate Sussie."


Natouched naman ako dahil na-appreciate niya ang bigay ko sa kanya.


"'Lika na sa loob. Nasa sala sina Mom. They know that you're coming tonight."


Kinakabahan ako habang nakasunod kay Art papasok sa mansiyon. Pumasok kami sa main door patungo sa malawak na sala. Tanda ko pa ang bawat detalye dahil minimalist naman ang disenyo rito.


Sa malawak na sala ay naroon nakatayo si Ma'am Ingrid. Napansin ko agad siya kahit pa may ilang tao sa sala. Fitted off shoulder burgundy mermaid dress ang kanyang suot. Nakabun ang kanyang buhok kaya lalo siyang nagmukhang elegante.


"Mom's there!" turo ni Art sa mommy niya. Hindi niya alam na nauna ko pa itong nakita sa kanya.


Si Ma'am Ingrid ay may kausap na magandang babae na tila higit na mas bata sa kanya. Silver lace na irregular swing dress ang suot nito. Nakalugay ang naka-curl na buhok. Pareho silang maganda at sosyal ang mga itsura.


"Mom!" tawag ni Art. "Ate Sussie is here!"


Nang lumingon ang magandang ginang na kausap ni Ma'am Ingrid ay napanganga ako sa paghanga. Napakaganda pala talaga ng babae, tila siya isang mannequin. Ang amo ng kanyang mukha at mga ngiti. Kung huhulaan ko ang kanyang edad ay siguradong magkakamali ako sa paghula.


"Happy birthday, Art-Art!" malambing na bati ng mukhang mannequin na babae kay Art.


Nilapitan siya ni Art at ibineso. "Thank you for coming, Ninang Fran. You're so lovely tonight."


Nang nasa harapan na ako nila ay magalang akong yumukod at bumati. "Good evening po."


Magaang ngumiti sa akin si Ma'am Ingrid. "Sussie, 'glad you made it tonight."


Mukha namang bukal sa loob niya ang sinabi. Parang gusto kong maluha dahil hindi nangyari ang inaasahan ko ngayon na magiging malamig ang trato niya sa akin.


Wala rin akong nakikitang kahit anong bakas ng pait ngayon sa kanya. Maging ang singkit niyang mga mata na noon ay puro sakit ang makikita, ngayo'y maliwanag na.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن