Nang nasa Grab na ako ay nagtext ako kay Art para ipaalam sa kanya na on the way na ako. Magpapasundo ako sa kanya sa labas dahil wala naman akong kakilala roon sa party niya.


Habang bumabyahe ay nakahawak ako sa aking dibdib. Kaya ako pupunta sa party dahil gusto kong mapalagay na ang loob ko. Gusto kong harapin ang takot at kaba. Kung mawawala iyon sa puso ko, mas maganda.


Nang bumaba ako sa Grab car ay naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko itinext si Art na nandito na ako sa labas ng mansiyon nila. Ang tagal kong napatitig muna sa malaking bahay na nasa harapan ko. I couldn't help myself from admiring the place. Napakalaki niyon, kulay puti at modern style. Bukas ang mga ilaw sa loob at bahagyang may ingay na maririnig mula sa loob. Naghahalo ang tunog ng piano at ilang boses ng mga tao.


Hindi ako makapaniwala sa lakas ng loob kong magbalik dito. Sariwa pa sa alaala ko iyong huling beses na nakatungtong ako rito noon. Nothing had changed much. Halatang inalagaan kahit pa noong nasa US silang lahat.


Lumayo lang ako nang kaunti sa gate. Walang katao-tao sa labas maliban sa akin dahil malamang na nasa loob na ang mga bisita at ang mga kotse nila ay nasa malaking parking space sa loob.


Bumukas ang gate at mula roon ay isang matangkad at napakaguwapong lalaki na naka-white button down long sleeve polo and faded fitted jeans ang nakita ko. May hawak siyang iPhone at tila may hinihintay.


"Artemi Wolfgang!" tawag ko.


Napaangat ang mukha niya mula sa tinitingnang cellphone. Namilog ang abo niyang mga mata sa akin. "Ate Sussie?"


Napakaguwapo ni Art. Naghahalo ang Filipino and foreigner blood sa itsura niya. Binatang-binata siya, ang ganda ng built ng katawan. Mas guwapo pa siya sa mga pictures niya sa Facebook and Instagram.


"Happy birthday, birthday boy!"


It was his 22nd birthday. 


OA na pinanlakihan niya ako ng mga mata habang tinitingnan ang kabuuhan ko. "Whoa! Wait, where are your fats?! Where did you take them?!"


I rolled my eyes at him. "Nawala na dahil sa stress!"


"I like you better before!" maktol niya.


"E di uwi na ako!" kunwari akong tumalikod.


"Hey, I'm just kidding, Ate Sussie!" Hinila niya ako sa braso pabalik saka niyakap. "Actually, you're prettier now."


Marahan ko siyang itinulak sa matigas niyang dibdib. "May gift ako sa 'yo."


"Wow! Ano?" Genuine ang excitement na nasa mukha niya.


Nakakatuwa lang na excited siya sa gift ko samantalang nasa kanya na yata ang lahat ng mamahaling gamit sa mundo. Saka for sure, maraming magreregalo ng mga expensive things ngayon sa kanya dahil puro mayayaman ang mga bisita niya.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Where stories live. Discover now