"Tsk. Relax okay.— angal ni Craige sa kabilang linya dahil sa sigaw ko pero wala akong pakialam kung nabinge man siya sa sigaw ko.

"How is First asshole!" singhal kong muli sa kanya.

"Bakit ka ba sumisigaw. Fuck.. —


——I hate you!" — natigil na lang ako sa narinig ko.

It was First.

At bakit naman siya nagagalit sa akin? May ginawa ba akong mali? Nag-alala lang naman ako sa kanya.

"Tsk! Nakasama mo lang ang lalakeng yun hate mo na kaagad ako?" inis kong sambit habang naiinis na nakatingin pa rin sa phone ko.


Miracle pov:

Tahimik lang ako sa gilid habang nag-uusap sina Daddy at Mommy tungkol kay First.

"Bakit mo pa ba siya hinahanap honey kung hindi mo naman pala siya anak?"

"Hon, please. First is still my daughter kahit hindi ko siya kadugo. Wala na siyang ibang mapupuntahan kung pababayaan ko na lang siya." Paliwanag ni Dad. Ako man ay ayaw din sa gusto ni Mom. Wala nang ibang mapupuntahan si First kung paalisin pa siya ni Mom.

"Tsk! Sa tigas ng ulo ng babaeng iyon, hindi na niya kailangan ang awa mo kung wala na siyang mapupuntahan pa." pagmamatigas pa rin ni Mom.

Hindi ko din naman kasi masisi si Mom kung bakit galit na galit pa rin siya kay First. May malalim kasi na dahilan si Mommy kung bakit niya kay First binuhos ang galit niya na dapat ay sa ina ni First nito naramdaman.

Noong nakilala ko si Mommy bilang totoo kong ina, doon niya sinabi ang lahat sa akin.

I was her daughter.

Pero hindi ako nag-iisa dahil may kakambal ako.

Pinaliwanag niya ang lahat sa akin kung bakit noon pa siya galit na galit kay First dahil ang ina nito ang may kasalanan kung bakit namatay ang kakambal ko.

Dumanas ng depression si Mommy dahil sa ginawa ng ina ni First sa pamilya namin kaya napilitan siyang ipaalaga ako kay Lola habang nagpapagaling siya.

Noon nag-umpisang mag-iba ang pakikitungo ko kay First. Kahit mali mang maramdamang magalit din sa kanya pero kakambal ko ang pinag-uusapan dito at ang hirap na dinanas ni Mommy dahil sa ina niya.

Kelan ko lang din nalaman ang ibang katotohanan sa buhay ko.

I was really Daddy Anton's daughter.

A real daughter of Anton Villera and Anastasya Zubiri Villera.

Mahal na mahal ni Dad si Mom na kahit kasal na ito sa ina ni First, ito pa rin ang pinipili niyang kasama kaya nabuo ako, nabuo kami ng kakambal ko pero dahil nalaman ito ng ina ni First binalak niyang patayin kami ng kakambal ko at sinuwerte lang daw ako at hindi ako nito nakuha. Pero taliwas ang naging buhay ng kakambal ko dahil namatay daw ito sabi ng ina ni First kay Mommy.

"Hon— nahihirapang sambit ni Dad.

"Ah basta! I can't let her stay from this family Anton.!" matigas ng wika ni Mom.

"Anastasya— awat ni Dad pero saktong pumasok si First habang masama ang tinging pinupukol kay Mom. Narinig niya siguro ang pinag-uusapan nila Daddy.

"Tsk! He's my dad, witch.!" singhal nito kay Mom kaya napabuntong hininga na lang si Dad.

"First." mahina kong tawag sa kanya pero inirapan niya lang ako.

Malungkot naman akong napatingin kay Craige habang hawak niya ang kamay ni First at nag-aalala itong nakatingin sa kanya.

Nakakaramdam ako ng inggit kay First dahil kahit masama ang ugali niya, may mga tao pa ring totoong nag-aalala sa kanya. Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung may mag-aalala pa rin ba sa akin kung magiging masama ako.

"What are you doing here?" matalim na tanong ni Mom kay First pero hindi man lang siya nito pinansin.

Naglakad palapit si First kay Daddy at tahimik lang niya itong tinignan, pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya at alam kong pansin din iyon ni Dad.

"Are you okay?" mahina nitong tanong kay Dad.

Pansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Dad bago tumango.

Nanatili lang na nakatingin si First sa kanya at ilang minuto din kaming natahimik. Hindi na din nagsalita si Mom at umupo na lang sa upuan habang kami ni Craige ay nakatingin lang sa mag-ama.

Walang imikan, walang tanong. Nanatili ang kaunting distansya ng mag-ama at naputol lang ito ng maglakad na si First palabas ng kwarto ni Dad.

Napabuntong hininga si Dad at nagbalak pang magsalita ngunit nagtikom din ng bibig nang wala din siyang masabi.

Tumango lang si Craige sa akin bago niya sinundan si First at kahit gusto ko din siyang sundan, pinili ko na lang ang manatili sa kinauupuan ko dahil alam kong ngayon siya higit na kailangan ni First. Kahit kasi wala siyang sinasabi, alam kong nasasaktan si First sa nalaman niya kay Daddy kagabi at nakikita ko iyon sa mga mata niya.

She's still the First like before.

I can still see what she really feels that reflected in her eyes.

I could see the sadness and longing in her eyes.

And I hate myself kung bakit ko siya pinabayaan noon. —

Noong humihingi siya ng tulong sa akin.

I abandoned her too. I hate her like what my Mom did.

"Miracle help me!"

I still remember how she pleaded.

"Miracle, I'm drowning! Please help me. I can't swim.."

But instead of helping her. I turned my back and left her.

"Miracle....."

"Please, don't forgive me First!" huling sambit ko sa kanya bago ko siya iwanang nalulunod sa gitna ng malalim na pool.

Muntik na siyang mamatay dahil sa insidenteng iyon. Buti na lang ang nakita siya ng katulong namin kaya siya naligtas.

After that incident, dinala ni Daddy si First at pinaalis ng La Carlota. Dad thought she let herself drown dahil na din sa sinabi ni Mom.

Doon ko din nalamang may arrangement kami ni Craige.

I secretly like Craige kaya lihim akong natuwa dahil sa desisyon ng mga magulang namin. But I know Craige love First more than a friend kaya hindi ko sinabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit umalis si First noon. I want to get the opportunity para maging malapit pa kami sa isa't isa pero kahit dumaan man ang ilang taong magkasama kami, hindi ko pa rin maramdamang minahal niya ako higit pa sa kaibigan.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें