Poem #5

4 0 0
                                    

Mahal, saan ako nagkulang

Naisip niyo rin ba
Kung sa atin ano ang kulang
Kung bakit tayo ipinagpapalit sa iba
At kung bakit iniwan tayo bigla

Naisip ko nga minsan
Kung saan ba ako nagkulang
Ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit hindi parin ito sapat

Maayos naman ang aking pag-aaruga
Inaalagaan naman kita nang tama
Pero bakit siya parin
Siya parin ang iyong pinili

Ang sakit lang sa pakiramdam
Yung pinaramdam mong sa aking wala nang hihigit pa
Pero kalaunan saki'y may mas hihigit pa pala
Ang sakit mahal

Maayos pa tayong nag-uusap noong isang araw
Pero atensyon mo'y biglang naligaw
Mundo mo'y sa kanya na gumagalaw
At parang sa kanya'y ayaw mo nang bumitaw

Nagulat nalang ako noong makita ko ang comment mo
Sa isang post sa facebook ng best friend mo
Na nagsasabing "I Love You"
Sumagot ka naman ng "I Love You Too"

Akala ko biro lang
Pero ito pala'y totohanan
Paano naging ganoon, mahal?
Noong isang araw ako pa, pero ngayon siya na?

Di ko akalaing libre na pala ang "I Love You mo"
At sinasabi mo ito sa kaibigan mo
Ay mali, di pala libre
Dahil mahal mo naman talaga siya eh

Mahal, ginawa ko naman lahat na makakaya ko
Para di ako magkulang sa'yo
Pero bakit ganito
Ako'y iniwan mo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random PoemsWhere stories live. Discover now