Poem #2

12 3 0
                                    

Bakit nga ba?

Bakit nga ba?
Bakit nga ba sa dinami-rami ikaw pa?
Ikaw pa ang dumating sa buhay ko?
Ikaw pa na isang manloloko

Bakit nga ba?
Bakit nga ba sa dinami-rami ako pa?
Ako pa na walang ginawa kundi ang ibigin ka
Ako pa na laging tapat sa'yo sinta

Bakit nga ba?
Bakit nga ba pinaramdam mo sakin ang saya?
Ang sayang laging ikaw ang kasama
Na sa bawat sulok lagi kong maaalala

Bakit nga ba?
Bakit nga ba pinaramdam mo sakin ang kakaibayong pagmamahal?
Ang pagmamahal na sa'yo ko lang naramdaman
Mga ngiting ikaw lang ang dahilan

Bakit nga ba?
Bakit nga ba dumating ka sa buhay ko?
Buhay kong tahimik na ginambala mo
Ano nga ba talaga ang sadya mo?

Bakit nga ba?
Bakit nga ba ako pa?
Ako pa ang napili mong saktan
Ako pa na walang kamalay-malay

Bakit nga ba?
Bakit nga ba iniwan mo kong mag-isa?
Matapos ang lahat-lahat
Na halos sa akin wala nang matira

Bakit nga ba?
Bakit nga ba mas pinili mo siya?
Siya na bago mo palang nakilala
Siya na isang mang-aagaw

Bakit nga ba?
Bakit nga ba ako umaasa?
Umaasa na babalikan mo ako
Ako na nagmamahal sa'yo

Lahat ng katanungang iyan
Laging bumabagabag saking isipan
Na hindi man lang nabigyan nang kasagutan
Dahila wala ka na at nasa piling niya

Sa bawat araw, oras, minuto, segundo
Palaging nasasaktan ang puso ko
Ngunit ano pa nga bang magagawa ko
Kung nasa kanya na ang puso mo

Bakit nga ba iniwanan mo ako ng mga alaala?
Mga alaala at pangakong hindi mo mapanindigan
Ngunit sa kabila ng lahat
Ako'y lubos na nagpapasalamat

Salamat dahil dumating ka sa buhay ko
Salamat dahil natutunan kong magmahal ng isang katulad mo
Sa isang tulad mong iiwan ako
Matapos ang lahat ng sakripisyong ginawa ko

Salamat dahil natuto akong maging masaya
Salamat dahil pinaramdam mo sakin na ako'y mahalaga
Na kahit ganito ako ay maiintindihan mo
Kahit pagpapanggap lang ang lahat ay tanggap ko

Salamat dahil sa'yo may natutunan ako
Natutunan ko na pag nagmahal ka
Huwag mong ibuhos lahat sa kanya
Dahil baka sa huli iwanan ka at wala nang matira pa

Salamat sa lahat-lahat
Asahan mong ipagdarasal kita
Ipagdarasal ko ang kaligayahan mo sa kanya
Salamat, mahal. Paalam

Random PoemsWhere stories live. Discover now