"Primo will be very proud, Joaquin. In fact, I'm sure he is right now. You did it and you didn't quit," sabi ko ulit habang hinahaplos ang kanyang buhok. Dahilan iyon ng paghigpit pa lalo ng kanyang yakap sa'kin.






Nang makabitaw ay saka ko na pinakita sa kanya ang hawak kong paperbag. "Reward mo," biro ko nang inabot ko na sa kanya. "What's this for?" tanong niya nang kunin din niya ito. Inalog-alog niya pa iyon at pinakinggan, sinubukang hulaan kung ano ang laman.





"Bomba 'yan. Pasasabugin na kasi kita."




"Salamat ng marami. Ang thoughtful mo."




Natawa ako at mahina na lang siyang binatukan. "Malinis ang konsensya ko. Regalo ko 'yan kasi wala lang... Uhm, buksan mo na. Once in a blue moon lang ako maging sweet."





Malapad siyang ngumiti sa'kin saka binuksan na ang maliit na box na laman ng paperbag. "Whoa... Thank you, Keira... This... This is too much, but still, thank you. Pero bakit relo?"






"Well, you're always right on time and I hope you'll never be late. So you won't miss anything wonderful." I smiled.




He is... He always show right in time whenever I need him, whether in my lowest or happiness. He's always been there...


WARNING: EXPLICIT SCENES AHEAD (R18+) 

If you're not comfortable or especially when you're under the age of 18, you can skip this part and scroll to the next chapter. 



Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha at mga hita. Pagtingin ko sa aking gilid ay mahimbing pa ring natutulog si Joaquin. The pillow between us is still there, too. Sinamantala ko ang pagtulog niya para maghanda ng almusal.






Pagbaba ko ng kusina ay naroon na ang mga maids na mukhang magsisimula na ring magluto. Agad akong nakiusap sa kanila kung pwede na ako na lang ang maghahain. They looked puzzled after I spoke to them for the first time. Nakalimutan kong hindi nga pala sila nakakaintindi ng tagalog.






"Me, cook." Umakto ako na kunyaring may hinahalo pagkatapos ituro ang sarili. "You guys, rest." Saka ko itinuro ang sala. Inulit ko muli ang aking sinabi ngunit hindi pa rin nila iyon naintindihan. Hanggang sa may marinig na lamang ako na boses mula sa aking likuran. "Keira dijo que cocinará para hoy y quiere que descanses."




Tumama pa ako sa kanyang dibdib nang sinubukan ko siyang lingunin. "Pero nosotros somos las criadas. Es nuestro deber cocinar para ustedes dos," sabi naman ng isang maid na naka-bun. Tumango at ngumiti lamang si Joaquin sa kanila.




"Está bien. Mi novia insiste. No te preocupes, ella no quemará la cocina. Estaré pendiente de ella. Ve y descansa un poco," sagot muli ni Joaquin habang natatawa ng kaunti. Nagkatinginan pa ang tatlong maids at mukhang nag-aalangan ngunit sa bandang huli ay pinili na rin nilang magpahinga.






"Binabackstab niyo na siguro ako," sabi ko nang dalawa na lang kami ang naiwan sa kusina. Tinawan niya ako ulit. "Oo. Kaya 'wag mo na alamin ang pinagusapan namin." Sabay kurot nito sa aking pisngi saka ako nilagpasan para magtimpla ng kape niya.





"Ah, gano'n ba?"




Tumango siya bilang sagot habang abala sa pagtitimpla. Ngumiti na lamang ako saka lumapit sa kanya. "Karmahin ka sana. Kahit 'wag na ang mga maids mo." Sabay sabunot ko sa kanya. Binitawan ko rin naman agad siya saka ako nagsimulang magtingin-tingin ng pwedeng lutuin sa fridge.






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now