" Ahhhh, " hawak ko sa tiyan ko habang pinipigilan mo na ang mga sanggol ko sa paglabas. Napaka demanding talaga ng mga ito at gusto nang lumabas. Mukhang mana sa papa nila.

" Jen, just calm at malapit na tayo. " sabi ni sir Fierce habang nasa tabi ko rin.

      Ang bweset kong asawa nagpapanic na naman. Sisipain ko talaga ito. Hirap na hirap na akong kontrolin ito. " Ayoko na talagang magpabuntis. Masyadong mahirap. " padinig kong reklamo sa kaniya habang ramdam kong lalabas na talaga sila. Anak nang pating Jen, hindi talaga sila marunong maghintay.

   Bigla nalang huminto ang ambulansiya. Mukhang nasa tapat na kami ng hospital. Ibinaba na ako ni Carllex habang nakahiga sa patient bed. Oh goshhhh, hindi ko ata kaya ito. Jusko, tulungan niyo sana ako. Gusto kong makuha nila ng ligtas ang mga baby ko.

" Kaya mo yan Jen andito lang ako. " hawak hawak niya ng kamay ko at hinagkan ako sa noo.

    Napansin ko ang mga mata niyang puno ng pag alala. Arghhh, ilalabas ko na talaga ito. Ba't kasi wala pa yong doktor. " Lalabas na sila....." sigaw ko habang natataranta siya.

     Huhuhu, kanina pa ako nakatunganga dito. Bweset, nasaan na iyong doktor. Manganganak na ako. " Carllex, lalabas na sila. " paghahampas ko sa kaniya na nakadagdag pa sa pagpanic niya. Bweset, sapakin ko talaga iyong doktor na iyon. Ba't ang tagal niya?

" Ihiga na yan! " utos nong boses na paparating. Hala, si papa Fierce. Damned, nakakahiya parang ayoko nang manganak.

" Pa, kayo na bahala dito sa asawa ko. Daig pa niya ang manganak. " sabi niya sa akin. Sige lang Carllex, ako dapat kampihan mo. Kainis ka, hindi talaga kita papansinin mamaya.

" Oh Jen, patutulugin ka muna para hindi mo maramdaman ang sakit. " sabi ni papa Fierce. Hala, tuturukan pa ko ng pampatulog. Hayyst, sana naman hindi masakit kasi takot ako sa injection.

" Doc, may phobia ako diyan. " sabi ko kay Doc. Fierce. Mukhang hihimatayin ata ako kaysa nito. Ayan na Jen, bigla nalang nandilim paningin ko ng iturok sa akin ang injection.

Sa labas ng emergency room.
    Naroon ang papa ni Jen, ang señora Mia, si ma'am Jerimy, at si Carllex na hindi maipinta ang mukha sa sobrang excitement.

" Takot siya sa injection kaya malamang hinimatay na naman iyon. " sambit ni Mang Jeno habang nakasilip sa salamin ng emergency room.

" Kinakabahan talaga ako, " sambit naman ni Carllex na hindi mapakali sa kinatatayuan niya at pasilip silip ito.

" Apo, andoon naman ang papa mo kaya umupo ka muna diyan. " sabi naman ng señorita Mia na noo'y napalapit sa apo niya.

His Pov's
    Hay, kinabahan ako lalo. Ano ka ba Carllex just calm at magiging daddy kana. Arghh, basta excited na akong makarga ang mga baby namin.

    Teka, wala pa palang name ang mga iyon. Si Jen kasi napaka sungit at gusto niya siya talaga ang magpapangalan sa mga sanggol. Ayoko namang sumingit baka magalit.

     Hay, si papa talaga eh. Pinigilan niya akong magpa anak sa asawa ko. Baka daw kasi mahimatay ako pag ako ang gumawa ng operasyon. Kaya ayon, si papa nalang daw ang gagawa para sa akin.

After 30 minutes...
Napatayo na lamang kami ng marinig ang mga iyak ng sanggol.

" Daddy na ako. " pagmamalaki kong sambit ng marinig ang mga iyak nila sa loob ng emergency room.

" Hi Carllex, kamusta ang apo ko? " usisa ng ginang na kararating pa lamang. Ang lola pala ni Jen si señora Rygoza.

" Mr. De la Vega. " tawag ng doktor este si papa pala. Mukhang tapos na ata ang pagtahi sa tiyan ni Jen.

" Kamusta ang apo ko? How about ang mga baby niya? " usisa ng señora at halatang kumaripas pa siya para pumunta rito at tingnan ang kalagayan ni Jen.

" Well, malusog ang mga baby. Dalawang lalaki at isang babae. " balita pa ni papa este ng doktor habang naghuhubad bg gloves niya.

" Yes, thank you talaga papa at tinulungan niyo ako. " yakap ko kay papa. Basta ang saya saya ko ngayon.

     Nagkumaripas kami ng pag uunahan para masilip ang mga baby namin sa babies room. Naluha na lamang ako na masilayan sila. Wow, ang popogi nila at ang cu - cute. May tumapik na lamang sa balikat ko. Si papa pala at hindi pa rin siya bihis.

    Napangiti siya ng bahagya na tila masayang masaya na maabutan ang apo niya sa nag iisa niyang anak. " Lolo na pala ako, oo nga pala kailangan nilang makakuha ng first milk mula sa mama nila. Ang kaso ay wala pang malay si Jen. " payo ni papa na ikinalapit ng señora Rygoza.

    Napasambit na lamang ang señora habang nakasilip rito.

" Makakabawi na ako sa apo ko. Hayaan niyo mga apo ko sa tuhod at maglalaan ako ng oras sa inyong tatlo. " sambit niya ng ganun.

" Talagang talaga dahil mumultuhin ka ni Jena kapag ginawa mo ulit ang ginawa mo sa amin noon. " sabat naman ni papa Jeno.

"Kung alam niyo lang ang boung katotohanan. Hindi sana ganito ang buhay ni Jen. She deserve better at hindi sana siya naghihirap ngayon. " tugon pa ng señora.

    Napatitig na lamang ako sa mga baby namin ni Jen. They remind all of us na dapat nang kalimutan ang nakaraan at magsimula kaming muli.

" Excuse me, sir Carllex kailangan na ho ang mga name nila. " sabi nong nurse na kumukuha ng mga pangalan ng mga baby.

" Ahm, ang asawa ko kasi hindi pa gising kaya hintayin nalang natin. " tugon ko sa kaniya.

     Wala silang nagawa kundi hintayin ang paggising ni Jen. Ako naman ay nagpaalam na umuwi muna dahil kukunin ko pa ang gamit ni Jen. Sabi kasi niya kunin ko daw sa bahay ang mga gamit ng baby namin pag nanganak siya.

    Heto, andito na ako sa labas ng hospital. Ayon pa pala ang kotse. Pinagdrive pala ng bodyguards namin. Pumasok na ako kotse at naglagay ng setbelt.

   Papalayo na ang sasakyan ni sir Carllex, nang walang ano ano'y hindi pa ito nakakalayo ay bigla nalang sumabog at nabundol sa poste.

   Nasigawan na lamang ang mga tao na nakasaksi ng pagsabog. Kaagad namang nakarating kay sir Fierce ang balita na noo'y nasa babies room. Napasuntok na lamang ito sa wall ng hospital habang nagtitimpi sa galit.

     Samantala sa room ni Jen. Nagkakamalay na ito sa pag opera sa kaniyang panganganak.

" Carllex, " sambit niya habang maririnig ang paghikbi sa kaniyang mga labi.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Where stories live. Discover now