Chapter 40

2.2K 43 1
                                    


  
        Pagkatapos nilang kumain ay sama samang nagligpit ng kinainan. Napatitig na lamang si Jen sa bago niyang pamilya na halos hindi pa rin siya makapaniwala na nakapasok siya sa pamilyang lubos na ginagalang ng lahat.

" Jen, ayos ka lang mukha kasing kanina pa nakatitig sa amin? " usisa ng señorita Maria Carllotta sa kaniya.
Napangiti na lamang si Jen ng bahagya sa kanila.

" Nakakahanga kasi kayo pagmasdan. " sabi niya rito habang nakaupo sa silya. Hindi niya kasi halos maigalaw ng maayos ang tiyan niya dahil malapit na siyang manganak.

" Masanay kana Jen saka paparating na si Carllex. " tugon sa kaniya na ikinalingon niya.

" Oh, bakit andito ka pa? H’wag mong sabihin na tutulong ka sa kanila? " usisa ni Carllex sa kaniya na siyang ikinahampas niya sa balikat ng asawa.

     Matatawa na lamang si Carllex. " Mga tita dadalhin ko muna itong asawa ko sa sala. Halika, pangit at baka mapano ka pa dito. " saad niyang inis kay Jen.

" Ang OA mo! " hampas niya uli sa asawa niya na lalong pang nang asar sa kaniya.

     Patawa tawa si Carllex habang inalalayan niya si Jen patungo ng sala. Samantalang naroon ang señora. " Lola, iniinis na naman ho ako ng apo niyo. " sumbong ni Jen rito.

" Sus, walang sumbungan. " sabat ni Carllex sa kaniya at mas lalo pa siyang kinurot sa pisngi.

" Aray! H’wag mo ngang kurutin ang mukha ko kasi pangit na yan. " saway sa kaniya nito at gumanti ng kurot tagiliran niya.

    Napa aray na parang bakla si Carllex sa ginawa ni Jen sa kaniya. Umaasta na naman siya na parang ewan. " Parang kang bakla eh. Doon ka na nga, " palayas sa kaniya ni Jen. Susunod naman ito habang sumisinghot singhot.

Jen Pov's
      Aba, ang baklang Carllex ayon oh! Parang umiiyak ata! Daig pa ang artista kung umasta. May pasinghot singhot pang nalalaman parang adik sa  kanto. Yay, siya ata ang pinaka pogi na adik kung nagkataon.

" Ma, pinapalayas na daw ako ng pangit kong asawa. " balita niya kay ma'am Jerimy at tumitig sa pwesto ko.
  

  Hala, maka mama nga siya. Parang bata kung magsumbong eh. Tatayo na lamang ako ng biglang, " Ahhh, " sambit ko na lamang ng maramdaman ang kirot sa sinapupunan ko.

" Carllex, si Jen. " sabi ng señora ng mapansin niya ako.

" Ahhh, manganganak na ata ako. " sabi ko ng ganun habang hawak hawak ang tiyan ko. Ay grabi, mukhang lalabas na.

    Huhuhu, tatlo pala sila at mukhang cesarian ang labas nito. Ayan si Carllex, daig pa ako sa pagpapanic. " Pa, manganganak na si Jen! Kailangan ko ng ambulance! " sigaw niya na umalingawngaw sa loob ng mansiyon.

   Nagsilabasan na lamang sila nang marinig ko ang tunog ng ambulance. Hala, mukhang nakahanda na agad ang ambulance. Huhuhu, lalabas na ang triplets ko.

   Masakit na masakit na. Lalabas na talaga sila. Huhuhu, ang sakit parang ayoko nang manganak. " Jen, pigilan mo muna wala pa tayo sa hospital. " sabi niya habang naglalakad akong paika ika at nakaalalay sila sa akin. Huhuhu, ang sakit na.

    Nahampas ko na lamang si Carllex na wala sa oras.

" Lalabas na talaga. " sabi ko sa kaniya habang kawawa siya sa kurot ng mga kuko. Ayoko na talagang magbuntis uli. Lagi akong kawawa eh. Ayoko talagang maging babae.

" Jen, pigilan mo muna. Manong pakibilisan naman diyan. Pupugutan talaga kita ng ulo kapag hindi umabot sa hospital ito. " pagbuntong niyang galit sa driver.

    Grabi siya, pinagalitan pa niya yong driver. Huhuhu, masakit na masakit na talaga at pumutok na ang panubigan ko. Teka, paano lalabas ang mga ito? Eh tatlo sila, basta hindi ko na kaya.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Where stories live. Discover now