GAH!!! This is so confusing! Mas lalo akong nalilito!

Ipinihit nya ang doorknob pero hindi pa din nya binuksan ang pinto. 

"Those gadgets will stay and you will use the cellphone that I bought you. " 

Hindi na ako nakapagsalita. HIndi ko alam kung anong ginawa nya sa akin at parang na-hypnotize na lang ako at tumatango na lang ako! 

Ngumiti sya bago nya binuksan ang pinto.

"I told you, I make you feel uncomfortable." 

Lumabas na sya at sinarado na nya ang pinto. Napaupo ako sa sahig at parang nawalan ako ng lakas. 

THAT MAN!!!! Anong ginagawa nya sa 'kin at napapasunod na lang nya ako ng ganon!

***

Spencer

Para akong tanga na nakangiti habang pinapaikot ko ang swivel chair ko sa opisina. What can I say, I feel so good! Pagkalabas ko kanina sa kwarto ni Sab ay nagpaalam lang ako kay Clyde at sinabi sa kanya na hindi na nya kailangang isaoli lahat ng binigay ko. He can keep everything and he was so happy about it. Dumeretso ako dito sa opisina dahil maaga pa at ayaw ko pang umuwi. I thought I can do some work but all I did was reminisce the things that happened earlier.

"Deny it all you want Sab. But action speaks louder than words." 

Aldrin doesn't stand a chance. Mas lalo akong napangiti sa bagay na yon na dumaan sa isip ko. 

"Sorry Bro,she still loves me."

Bigla na lang bumukas  ang pinto at pumasok na lang kahit walang pahintulot ang kapatid kong magaling. 

"You look happy. I'm guessing that there's some progress in the "Sab" department?" 

"With or without regaining her memory... she'll be mine."

"Your confidence is overwhelming. But cheers to you." 

May kumatok sa pinto at sumilip ang sekretarya ko. 

"Sir Spencer, May sulat pong dumatin. It might be important." Pumasok sya at inilagay yung envelop sa lamesa ko. I suddenly felt nervous when I saw the return address. Ito na siguro ang matagal ko nang iniitay!

HIndi pa umalis ang sekretarya ko at parang may iniitay pa sya. Usually naman kapag may iniabot sya sa kin, lumalabas na sya kaagad. What's with her today? 

"You can go now." 

Para syang natauhan at namula ng husto. " I'm sorry sir, akala ko kasi may iuutos pa kayo." 

"I'm offically not in this office. Naka-leave pa din ako, so wala muna akong ipapagawa sa 'yo. Lock the door please, we don't want to be disturbed."

"Ok sir." 

Inantay kong maisara ang pinto bago ko kunin ang envelop, but I was a second too late. Naunahan akong kunin ito ni Shaun!

Kung minsan talaga hindi ko alam kung saan nakuha nito ang manners nya. Nagdadalawang isip din ako kung tama talaga ang assessment ng mga teachers nya dati na genius sya!

"Soooo... Ito na ba ang iniintay nating resulta?" 

"Yes, so can you please hand it over?"

"Hmmmm.... I want to see it first." Bubuksan na sana nya yung envelop pero mabilis ko itong nakuha sa kanya. 

"Don't you dare!" 

Nagtatatawa lang sya na parang baliw. 

"I really love it when you lose your temper. Para kang dragon." 

"Do you want to get kicked out." 

"I like to see you try." 

Parang si Shaun ang gusto kong ipa-DNA test. Kung minsan kasi nagdadalawang isip ako kung kapatid ko nga sya talaga. Mas pwede pa talagang pumasa si Aldrin na totoong kapatid ko, kesa dito sa baliw na 'to.

Tinignan tignan ko muna ang envelop, parang ayoko pa itong buksan. O hindi ko na lang kaya buksan, I'll just rely on my instict. Kahit naman hindi ko makita ang resulta na ito, alam na alam ko na anak ko si Clyde. Pero , ito ang ipapakita kong katibayan kay Sab ng totoong relasyon ko sa bata. I can rightfully claim them with this little peice of information.

Bigla na lang nawala sa kamay ko ang sobre at ngingisi-ngisi si Shaun na biglang binuksan yung envelop!

"DAMN IT SHAUN!" 

Mabilis akong lumapit sa kanya para kunin ang papel pero tinalikuran nya ako at hindi ko ito kaagad nakuha. 

"What?! But this can't be." 

I snached the paper out of his hand. 

"Give me that!" 

Umupo si Shaun at nakatingin sa wala na parang biglang may iniisip sya ng malalim. 

"I was so sure... " Sabi pa nito. 

Binasa ko ng mabilis ang result at para bang nanlamig ang buong katawan ko sa nabasa ko. Napaupo na lang ako dahil pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng lakas ng katawan ko. 

"He's not mine....." 

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now