Chapter 9: Painting

27 0 0
                                    

Lara's P.O.V.

Eto nanaman, isang boring na araw nanaman to. Si Trisha kasi. Ayun, natutulog pa. May hang over nanaman.

Kung maka tambay sa bar wagas. Yun daw kasi ang way nya sa paglilibang. At ang totoo nyan, 1 beses palang sya nagkakaboyfriend. Yun lang ang sineryoso nya. Tapos lahat nung ngayon na kaharutan nya. Fling lang nya yun.


Well, ano ba pwedeng gawin? Hmm.

Aha!

Kinuha ko yung canvas, paint brush at yung stand ko. Magpe-painting nalang ako.

Poster paint lang ang gamit ko sa pagpe-paint. Wala kasi ako nung katulad sa mga pro eh.


Nagpalit din ako nang white t-shirt at tinali ang buhok ko. Yung pang messy bun ang style. Tapos naka short shorts ako.


Bakit ako naka white t-shirt? Gusto ko kasi nakikita yung mga dumi pagkatapos ko magpaint sa damit ko eh. Natutuwa ako, syaka nagkaka-design din.

Sinimulan ko na mag-paint. Nakakamiss din to, yung ie-express mo yung feelings mo thru painting.


Hindi ko namalayan na naka dalawang oras na pala ako at halos pa-tapos na ko sa pagpe-paint.


*tok* *tok*

"Sandali lang."

Tumayo ako at nagpunas muna nang kamay syaka lumapit sa may pintuan.


"Sino yan?"

"Ako."

Ako? Sino naman kaya to? Pero parang alam ko yung boses.

Binuksan ko bahagya ang pintuan.

Eecckk


Seriously? Ang walang modong lalaki na to. Ano naman kaya ginagawa nya dito?

Medyo nilakihan ko na yung pagbukas sa pinto.

"Bakit po Mr. Rude boy? Anong kailangan mo?"

"Pwedeng pumasok? " tanong nya.


"At bakit naman ho aber?" Nandito pa din kasi ako sa loob. Hindi ako lumabas o ano. Naka bukas lang pero nakaharang ako.

Tumingin muna sya sakin syaka nagbuntong hininga.


"Makikinuod sana."

Eeehhh?

"Nuod? Hahaha. Wala kang t.v. sa unit mo? Aish."


"Meron. Okay? Ayaw gumana nung antenna ko. May papanuorin lang ako."

"Ano muna genre nyan?"

"Genre?"


"Oo. Mamaya, mamaya kung ano pala--"

"Hindi yun porn no. Tss. Mga iniisip mo."


"Fine. Fine."

Ayun, at pumasok na sya sa loob.nauna ako at nilagay ang remote sa may center table.

"Eto yung remote ah, wag kang maingay."

..


Lumingon ako sa may likod ko at napansin na nakatayo pa din sya at nakatingin sa, painting ko?


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.


"Nagpe-painting ka pala?"


"Yes.. why?"


"Aah, wala." Sabi nya syaka naglakad na papunta sa may sofa at umupo syaka binuksan ang t.v.

Habang nililipat lipat nya yung channel. Bigla syang nag-salita.


"May namimiss ka ba?"

Napatingin naman ako sa kanya nung nagtanong sya. inaayos ko na ang gamit ko.

"Bakit mo natanong?"

Tumingin sya sakin. "Wala lang. Yung painting mo kasi. Halatang may namimiss ka."


Napatingin naman ako sa painting ko. Marunong kaya sya makaramdam o nagpe-paint din sya?

Yung painting ko kasi is, simple lang sya. Mapuno at maaliwas tignan. Tapos may upuan sa ilalim nang puno. Yun lang.


At oo, may namimiss ako.

"Aah, wala. Naisip ko lang yan."


"Hmm. Sige."


Pumunta muna ko sa may kusina, naiilang ako na ewan.


Bakit ko ba pinatuloy tuloy yan dito? Ni hindi ko pa nga pala alam pangalan nya? Aish. Hirap talaga sobrang mabait eh.


Bumalik ako sa may kusina at kunyari umubo ubo.

"Ehem. Ehem. Excuse me."


Tumingin lang sya sakin. Bakit parang ang cold cold talaga nya?

"Ano kasi, hindi ko nga pala alam pangalan mo."

"Adrian, you?"

Wow kala mo unit nya to kung makasalita.


"Lara. Okay, thanks!"

Sabi ko syaka bumalik na sa kusina.

Bakit kakaiba? May something na ewan? Parang ang mysterious naman nya masyado? Mukhang mabait at okay naman pero parang hindi din nagagaw nang tama at mabuti?


Bumalik ako sa may sala, parang tumahimik kasi bigla eh.


Oh, nasan na yun? Bigla bigla nalang aalis hindi man lang magte-thank you?


Aish. Wala talagang modo.


Adrian's P.O.V.

Lumabas agad ako nung bumalik sya nang kusina.


Ang totoo nyan okay naman yung t.v. ko dito. May kakaiba lang talaga na pumipilit na pumunta ako dun. Ewan ko ba kung bakit.


Syaka isa pa, yung porma nya kanina. Nakakainis. Bakit ganun? Ganun din ang suot lagi ni Liza tuwing nagpe-paint sya eh. Tapos sya nagpe-paint din pala.


Bakit ganto? Bakit parang may tumutulak sakin na maging malapit sa kanya? At sa kanya pa na salaula? Tss.

/AN: Hello guys, sorry ngayon lang yung update. Sana suportahin nyo parin ito. And, sana magustuhan nyo to. Yun lang. Thank youuuuu.

SuddenlyWhere stories live. Discover now