Chapter 10: Thank You

39 1 0
                                    

Adrian's P.O.V.

"Insan insan, nandyan ka ba sa kwarto mo? Tara inom tayo."


Sigaw mula sa labas nang kwarto ko, nakamukmok lang ako dito. Wala akong gana gumalaw o ano. Tamad na tamad ako.

"Hoy, insan nandyan ka ba?"

"Mag-isa ka nalang. Wala ako sa mood." Sagot ko sa kanya


"Corny mo naman eh. Tara na."

"Ayaw ko."


"Tss. Oo na. Aalis nalang ako."


Hindi na ko sumagot. Automatic na yun.


"Peram ako nang kotche mo ah."


Sabi nya ulit. Kung ano ang akin, sa kanya na din. Narinig ko nalang na bumukas yung pinto at sumara.

Ganto nalang ako lagi, tulala o kaya nakatitig sa kisame.

Pero yung kanina, hindi ko din maintindihan sarili ko nun eh. Kung bakit ko naramdaman yun o naisip. Ewan! Ang gulo ko kanina. Wala ako sa ulirat. Bored lang siguro ako.

Pag-naaalala ko yun napapakamot nalang ako sa ulo ko. Nakakatawa kasi eh. Hahaha. Literal na natatawa talaga ako. Tawa na may halong inis.


Tumayo ako at pumunta sa may kusina. Ano nanaman kaya kakainin ko?  Delata o kakain sa labas?

Totoo nyan ay sanay at masarap ako mag-luto. Isa yun sa passion ko eh, ang pagluluto. Pamilya ko palang at si Liza ang napagluluto ko. Pero nung nawala si Liza. Nawalan na ako nang gana. Kaya ayun. Pati sarili kong hilig, nawalan din ako nang oras.


Pero sa totoo lang, namimiss ko na mag-luto. Naaalala ko lang kasi sya kaya ayaw ko.

Dahil tinatamad ako at gabi na, 8 na din pala nang gabi. Kakain nalang ako sa labas.


Kinuha ko ang jacket at sumbrero ko. Maglalakad nalang ako.


Paglabas ko nang pinto..

*sobs* *sobs*


Teka.. diba, eto si..

"Lara?" Agad agad naman syang tumingala "Right?"

Pinunasan nya agad yung luha nya at tumayo.


"Ikaw pala.."

"Are you okay?" Tanong ko.


"Yeah." Sabi nya at naglakad na agad pabalik nang unit nya.


Lara's P.O.V.

Nakakahiya, nakita nya akong umiiyak. Akala ko kasi walang tao.

Pabalik na sana ako matapos nya kong tanungin kung okay lang ako. Pero bigla nyang hinawakan ang braso ko para pigilan.


"Are you sure? Tara pumasok ka sa loob." Sabi nya sabay hila sakin.


SuddenlyWhere stories live. Discover now