Dear Clash Of Clans

285 3 2
                                    

NOTE:
Hindi ko po ito point of view,okay? Gawa lang po ito ng aking magulong isip xD

Dear Clash of Clans,
           Una sa lahat,maraming salamat TALAGA sa mga ginawa mo sa buhay ng mga tao. Ang dami mong nagawang mabuti sa buhay ng mga tao. PROMISE!

           Dati,lagi kaming magkakasama ng mga kaklase ko. Masayang nagkwekwentuhan about sa studies o di kaya sa mga crush-crush. Dati,wala sa'min ang itinuring naming outcast. Dati, wala talaga kaming iwanan.Dati, walang requirements para mapasali ka sa grupo namin. Mapanerd ka man o hindi,pwede ka sumali sa grupo namin.

           Pero DATI na 'yon.

           Ngayon,hindi na nila ako sinasama pag nagkakasama sila sa recess o sa lunch.Ngayon,about sa kung paano magupgrade sa Clash of Clans o di kaya tungkol sa event ng CoC na war-war dyan.Ngayon,feeling ko,nagiging outcast na ko sa grupo namin.Ngayon,iniiwanan na nila ako.Ngayon,dapat level 30 ka na sa CoC para mapabilang ka sa grupo nila. Kung Level 29 ka or below,hindi ka pwede sumali sa grupo nila.

           Yan NGAYON.

           Alam ko na kasali pa rin ako sa grupo nila pero minsan nakakainis yung mga tipong kakausapin mo sa FB tapos biglang "W8 lang,aatake lang ako sa CoC.HaHaHa" o kaya,"Mamaya na tayo usap,mag C-CoC pa ko eh. Hihi." Diba nakakaturnoff? Feeling ko kasi di na ko nabebelong sa grupo nila eh. Yung parang ayaw na nila akong maging kaibigan kasi di ako marunong mag CoC.

           Kaya sana,ginawa na lang na educational game yung CoC.At least,nakatulong pa sa pagimprove ng knowledge nila,diba? Eh kaso dahil sa CoC,may nasisira ang pamilya,may hindi makapokus sa pag-aaral o kaya nadidisgrasya dahil sa CoC.

           Minsan,iniisip ko:"Ano bang nakakaadik sa Clash of Clans na yan?" Di ko nga magets kung ano ba yung nakakaadik sa Clash of Clans eh.

           Sa groupchat naman,CoC pa din ang topic. Sabi ko,"OP nanaman ako :(". Ang sagot nila,"MagCoC ka na din kase para di ka ma OP" So sinasabi nila na mag CoC ako para hindi ako ma Out-of-Place sa usapan nila? Dapat kung yun yung uso sa kanila,dapat makikiuso din ako sa kanila?

           Sa school naman,CoC pa din ang topic. Yung iba kong kaklase,hindi na nakikipag-usap sa 'kin kasi wala naman daw akong alam sa CoC.

           Tapos,next week. Field trip na namin. Sabi nila,"Dala kayo ng pocket wifi sa Field trip". Dahilan nila? "Para makapagCoC tayo." Hay.

           Kaya isang araw,tinanong ko sila.

           "Ano bang mabuting naidudulot ng CoC sa buhay natin?"

           Sagot nila?

           "Para pag bored ka,makapaglibang ka."

           Parang sinasabi na rin nila na tanging CoC lang talaga ang makakalibang sayo oag nabored ka,di ba? Pwede ka namang magbasa ng libro o di kaya makipaglaro sa kapatid mo.

           Kaya araw-araw,winiwish ko na sana ma-ban na lang sa playstore yung Clash of Clans. Nakakasira kasi ng pagkakaibigan eh. Parang para sa kanila, mas importante pa yung Clash of Clans kaysa sa pakikipagkaibigan nila sa 'kin. Parang mas pinili pa nilang ivalue yung gems sa CoC nila kaysa ivalue yung friendship namin.

           Alam ko,pag nabasa nila 'to,atakihin nila ko sa school o kaya sa FB. Baka magbulung-bulungan sila sa school na "Huy may anti-fan dito ng CoC". Ok lang,wala namang masama sa paghahayag ng saloobin diba?

           Hanggang dito na lang.

                               Maxwell

Dear Clash of ClansWhere stories live. Discover now