"Trust me, kung sa isipan mo walang pag-asa na magustuhan ka ni Jandred, nagkakamali ka, baka nga pinagpapantasyahan ka na niya!" bulong niya sa akin, pinanliitan ko siya ng aking mga mata, dahil sa kaniyang sinabi ay nagi-init ang aking pisngi.

"Ano? Sa panaginip niya ay isa akong poste?" Bahagya siyang natawa, habang ako ay simpleng napa-irap na lamang.

The next day I was walking in the campus pathway bound to the COED building when Paul suddenly bumped beside me. Halos mapatalon pa tuloy ako, kaya naman mahina ko siyang nahampas.

"Napakahilig mo manggulat." Tumawa siya, may nakasalubong naman kaming dalawang babae na napatitig sa amin.

"Girlfriend ba iyon ni Salonga?" rinig ko pa na tanong ng isa sa kaniyang kasama bago sila tuluyang makalampas sa amin, naging dahilan iyon upang maglagay pa ako ng distansiya sa pagitan namin ni Paul.

"Mayaman ka naman, dapat ay nagtra-tribike ka na lang," maya-maya ay mahinang sabi ko sa kaniya.

"Madalas naman talaga nagtra-tribike ako, ang kaso nakita kita kaya naglakad na rin ako." Nilingon ko siya, kasabay ng kaniyang pagkindat. Napailing na lamang tuloy ako.

"Nitong mga nakaraan na linggo napapansin ko na mas lumalapit ka sa akin kaysa kay Chelsea. Aminin mo mga sa akin, magpapalakad ka ba sa kaibigan ko?" Napatitig siya sa akin kalaunan ay tumawa.

"Bawasan mo ang mga pinapanood at binabasa mo."

"Bakit naman?" Bahagyang naningkit ang aking mga mata.

"Maniniwala ka ba, kung sasabihin ko na engaged na ako?" Kaagad akong napalingon muli sa kaniya.

"Totoo? Kanino naman?" Tipid ang naging kaniyang pag-ngiti. Napansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"It's a secret." Tumawa siya, napangiwi naman ako, ngunit hindi kalaunan ay napa-ngiti na din.

"I didn't expect that it was still possible for someone like me to be close to a man like you."

"Bakit naman? You're approachable Juliana, siguro sa unang tingin ay parang suplada ka, pero kapag naumpisahan na kausapin ay mabait naman pala."

"Hindi lang naman iyon, alam mo na introvert ako, most of boys kasi ayaw sa ganito, hindi ba?" Isinuksok niya sa isang bulsa ng pants niya ang kaniyang kaliwang kamay.

"That's the point, most of the boys, not all."

"You're like a unique book for me Juliana, an old history book, kahit luma na ay magiging interesado pa din akong buklatin at basahin." Napatitig ako sa kaniya, napa-ngiti ako sa kaniyang sinabi, na hindi ko namalayan na halos katapat na pala kami ng aming classroom.

"Oh, na-fall na ba si Paul?" I pursed my lips, kaagad kong pinutol ang tinginan namin ni Paul ng marinig ang boses na iyon ni Eileen.

"Nagkasabay kayo?" si Chelsea, tumango naman ako, napansin ko na katabi niya sa kaniyang gilid si Jranillo, his jaw clenched when our eyes met.

"I saw Juliana, so I decided not to ride in a tri-bike, naisip ko nga na hintayin ko nalang siya lagi sa harap ng campus para sabay na lang kami maglakad papunta dito sa building." Sumulyap siya sa akin.

"Tsk!" Napalingon akong muli kay Jranillo ng marinig ko ang pag-asik niya. This time his expression hardened, humiwalay na ako kay Paul at tumabi kay Chelsea.

Nakatitig lamang ako ngayon sa kisame ng aking kwarto. It was already nine-forty-five in the evening when my phone suddenly rang, napatitig ako doon ng makitang si Jranillo ang tumatawag.

"Hello?" bungad ko, bahagya ko naman nailayo sa aking tenga ang cellphone ng may marinig akong ilang ingay galing sa boses ng mga lalaki.

"Bagal mo pre!" rinig kong sabi ng isa.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now