Prologue

4 0 0
                                    

2 years have passed since I ran away from all my problems in the Philippines. Now I'm coming back. One thing I'm scared about is that, Is he still there waiting for me? or is he already happy with someone else?

--------------------------------------------------------

Naglalakad ako sa may Airport inaantay si Mang Rey na sunduin ako para makapunta sa Astonia. Meron kaming bahay roon na pinapagawa kaya gusto ko na rin bisitahin. Nagantay ako ng mga 30 minutes at may tumawag na nga saakin sa may kalayuan

"Maam Noelle! Maam Noelle!"

Ngumiti ako ng makita ko na nga si Mang Rey na kumakaway sakin sa may waiting area ng mga taga sundo.

"Maam Noelle, kamusta naman po kayo anlaki na po ng pinagbago niyo ah"

Nakangiti ako habang tinitignan ko siya. Isa si Mang Rey sa mga gumabay sakin at hindi ako pinabayaan sa Astonia. Nagpapasalamat ako sakanya dahil don.

"Hala Kuya Rey hindi po nagbago lang po yung istilo ko ng pananamit pero ako parin po to" sabay kaming tumawa habang nagkukwento siya sa kung ano na nga ba ang ganap sa Astonia

Nagulat ako ng biglang banggitin ni kuya Roelle ang pangalan na Raven.

"Maam Si Sir Raven na po ang bagong Engineer ng pinapatayo na bahay niyo."

"Talaga po? Mabuti naman po at naabot niya mga pangarap niya."

I'm really glad na narating niya ang pangarap niya at hindi na ako naging hadlang para makamit niya yon. Sana hindi ako mahirapan sa trabaho ngayon lalo na at nandoon siya.

I am really proud of him. I really can't say na naka move on na ko sakanya. Kahit sa dalawang taon na lumayo ako dahil sa mga magulang naming dalawa na nagsasabing di kami para sa isa't isa. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit nga ba ganon na lang ang nasabi nila at pinaglayo kaming dalawa.

Pagkatapos ng 4 na oras na byahe ay nakarating na kami sa bahay namin sa Astonia. Napaka dami kong ala ala na nabuo dito. Sinabihan ko muna si Mang Rey na magpahinga na muna bago namin ountahan ang pinapagawang bahay.

Pagkatapos namin magpahinga ng mga ilang oras, agad akong bumangon para makapaglibot sa Astonia.

Nakita ko nanaman yung puno ng mangga kung saan kami tumatambay lagi noon ng mga kaibigan ko kasama sila Raven. Nagulat ako at patuloy paring masigla yung puno kahit na wala na kami roon para alagaan ito. Napaisip nalang ako baka may nagaalaga na ngang iba kasi sayang malaki na yung puno na yun.

Habang nakatitig sa punong iyon natandaan ko lahat ng masasayang ala ala na binigay niya sakin noon. Doon niya sinabi ang matamis na tula na nagsasabing mahal niya ako. Doon niya sinabi kung pwede ba siya manligaw. At doon ko din sinabi ang matamis na oo. Ang dahilan upang masira ang buhay naming dalawa.

Lalapitan ko na sana yung puno kaso nakita ko na agad yung hugis ng katawan niya at yung kinang ng mga mata niya habang nakatayo at naka tingin sa paglubog ng araw. Nagkatinginan kami pero agad agad naman akong umiwas.

Tinawag niya pangalan ko. Naestatwa ako, di ko na alam ang gagawin ko

"Nowi?" napakalamig ng pagkasabi niya sa pangalan ko nakakapanibago. pero ganun talaga siguro. Nasaktan ko siya eh.

Hindi na ko nakatuloy sa paglalakad at humarap nalang muli sakanya at ngumiti sabay
sabi ng "Hi Rave, kamusta ka?" habang nakangiti at pinipigilan ang luha na tumulo sa aking mga mata.



...................................................

Hi updates every kung kelan ko bet mag upd HSAHASHSAHHSA
follow me on my socials!:
fb: Rhaiza Alexis Asuncion
twt:
- main: rhaizaasuncionx
- watty acc: astherielle_4
ig: rhaizaasuncionxx

dm me anytime!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paglubog ng ArawWhere stories live. Discover now