Alam din ni Michael na hindi lang ganitong sakit ang mararamdaman niya pag mas tumagal ang nararamdaman niya para kay Allen. Na alala pa niya ang sinabi ng tatay ni Allen nung unang araw niya.

"But, don't fall for my son"

Doon pa lamang ay dapat nilimitahan niya na ang sarili niya dahil una pa lamang ay alam niya na hindi malabong mag kagusto siya kay Allen kahit na pareho pa silang lalaki.

"By the way ,Michael" bumangga si Michael sa likod ni Allen nang bigla itong huminto.

"Ano yun?"  tanong ni Michael nang makalayo.

"Since you're not paying attention to us earlier, I just want to inform you that Saturday is Keith's birthday so he is inviting us to come to his house." Sambit ni Allen at mahihimigan ang lamig sa boses niya. Napa iwas ng tingin si Michael at tumango.

So ayun pala siguro ang tinutukoy ni Keith kanina.

At ito rin ang dahilan kung bakit nag pa hinto si Allen sa mall para bumili ng regalo. Total na rito na rin naman siya sa mall , ibibili na rin niya ng regalo si Keith.

Dumeretso silang dalawa sa penshoppe. Sigurado si Michael na medyo may kamahalan ang mga tinda rito. At iniisip niya na bumili na lamang ng mura sigurado naman siyang kahit anong ibigay niya rito ay mag papasalamat ito.

Sa huli ay isang black printed shirt ang napili niya. 300 lamang ito at sakto sa budget niya. Samantalang si Allen naman ay isang polo ang binili. Wala pa rin silang imikan hanggang sa makarating sa mansion.

"Michael" papasok na sana si Michael sa loob nang tawagin siya ni Kuya Vicente.

"Bakit Kuya?" tanong niya.

"Kayo ba ni Allen ay nag aaway o tampuhan?" tanong nito. Marahil ay napansin niyang walang imikan ang dalawa sa kotse hindi gaya dati.

"Ah , hindi naman ho" sambit niya. Its a lie.

"Ah ganoon ba, mabuti naman nakakapanibago lamang at katahimik niyo sa kotse" sambit ni Kuya Vicente. Tumango na lamang siya at pumasok na sa loob.

Pag ka-dating sa kwarto ay agad siyang nag palit ng damit. Kinuha niya na ang uniform niya at ibang maruming damit upang dalhin sa labahan.

Naka tulala lamang si Michael habang nakatingin sa umiikot na damit sa loob ng washing machine.

"Michael"

"Anak ng---"  hindi niya na naituloy ang sasabihin nang tumambad sa kanya ang seryosong mukha ng kanyang tita.

"Tiya, kayo pala..." napakamot sa ulo si Michael.

"Sabi ni Sir Allen ay huwag mo na daw muna siyang dalhan ng pag kain at sasabay na lamang siya kina Ma'am" natigilan si Michael sa sinabi ng kanyang Tiya. Ngayon ay sigurado na siya na galit sa kanya si Allen marahil ay dahil sa nangyari sa Mall kanina.

"Sige ho..." mahinang sambit ni Michael at inilipat na ang damit sa dryer nang tumigil na ito sa pag ikot.

"Kung kayo at may tampuhan ay ayusin niyo na agad" sambit ng kanyang tita at umalis na doon. Mukhang hindi na mahihirapan si Michael na lumayo dahil parang si Allen ay kusa na ring lumalayo.

Nasasaktan si Michael ngunit iniisip niya na para ito sa ikabubuti niya at ni Allen na din. He is selfish and he knows that.

Pag katapos niyang mag laba ay dumertso na siya sa garden para walisin ang mga laglag na tuyong dahon. Tahimik lamang si Michael na nag wawalis sa garden. Medyo lumalakas ang hangin kaya nahihirapan siya mag walis.

"May pa dating kasing bagyo kaya lumalakas ang hangin" sambit ng isang pamilyar na boses sa likod niya.

"Oo nga---" napahinto si Michael nang maisip kung kaninong boses iyon. "Mira!" agad siyang lumapit sa dalaga at niyakap ito.

"Grabe ha! Hindi naman halatang na miss mo ako" sambit na biro ni Mira.

"Na miss talaga kita no" sambit ni Michael at nag bitaw na nang yakap.




MEANWHILE naka kuyom ang mga kamaong naka tingin si Allen sa ibaba kung saan yakap-yakap ni Michael si Mira. Hindi niya maipaliwanag ngunit tila ba nais niyang mag wala habang pinagmamasdan ang dalawa. Nasasaktan siyang makita si Michael na may kayakap na iba..

Kaya ba dumidistansiya siya? Kaya ba ayaw na niya sa akin? O baka naman simula palang ay ayaw na talaga? Mga katanungan na nag lalaro sa kanyang isipan.

"I told you brother. He is not into you. He is just showing affection or concern to you because Mom asked him to." napalingon si Allen nang mag salita sa likod niya si Kurt.

"What are you doing here?" malamig na tanong sa kanya ni Allen.

"Nothing, so now that you see that. Aren't you going to believe me now?" sambit ni Kurt na saglit pang sumulyap sa ibaba. Lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ni Allen dahil sa mga salitang sinambit ni Kurt.

"So if I were you brother. I'll stop that feeling because in the end you're the only who will be hurting. I already warned you. Napaka dali mo lang talagang mahulog sa taong nag papakita ng care sayo" sambit pa ni Kurt at tumalikod na palabas. Nang marinig ni Allen ang pag sarado ng pinto ay napa upo na lamang siya sa kama at niyakap ang mga tuhod niya kasabay ng pag labas ng mga luha niya.

Did he really just show his care for me because its his job and not because he likes me? I'm so stupid to believe in him. Damn why am I hurting this much?

*****

Re writing this part done. Don't forget to leave a vote 💓


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon