Prologue

5 1 0
                                        

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---------------------------------------------------------

KIARA's POV

I closed my eyes as the cold wind of the night hugged me. Nandito ako ngayon sa labas ng orphanage... kung saan na ako nagkaroon ng isip at lumaki.

"Kiara." Napapitlag ako ng marinig si Sister Leticia mula sa likuran ko. I smiled at her when she stood in front of me. "Hatinggabi na, hindi ka pa ba papasok?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa po ako inaantok, Sister." Sagot ko sa kanya.

Napabuga siya ng hangin saka tumango sa akin. She even smiled a little.

"Hindi ka na naman ba pinapatulog?" Tanong niya.

Out of all the nuns here in the orphanage, siya lang ang nakakaalam ng nangyari sa akin. Kung bakit at kung paano ako napadpad at saka lumaki na rito.

"Ganoon na nga po." Tumawa ako. "Okay lang naman po ako. Wag po kayong mag-alala."

She stared at me, as if she is not believing what I said.

"Alam kong masiyahin kang tao, iha. At gusto mong nasa positibo lang lagi ang isip mo." She held on both of my hands. "Pero nandito lang ako. Alam kong kaya mo pa... pero hindi sa lahat ng oras ay matatago ng ngiti at halakhak mo ang dinadala mo sa puso mo."

Natahimik ako sa sinabi niya. Alam ko naman iyon. Aware ako roon. But for me, life is too short to be mad and sad all the time. You can be joyful and forget stress.

"Alam ko naman pong nandiyan ka." Nginitian ko siya. "Magsasabi naman po ako."

She nodded her head.

"Isara na ang gate!" Napalingon kami ng marinig si Tiyo Lucio.

Nagmano ako sa kanya at talak na naman ni Sister Leticia ang bumungad.

"Saan ka na naman galing?" Tanong sa kanya ng madre.

"Ate." Tumawa ang huli saka umakbay pa sa kapatid niya. "Ginabi lang ako ng uwi dahil may hinatid pa akong mga bata sa daan."

Sister Leticia and Tiyo Lucio are siblings. Dito na rin sila lumaki, kagaya ko. But we are not on the same age. Sister Leticia is like a mom to me, despite being a nun. And Tiyo Lucio became my father figure here. Silang dalawa ang nakakakilala sa akin.

"Ilock mo ang gate kung lalabas ka na naman mamaya." Tiyo Lucio said, making me jump out of my thoughts.

I chuckled and nodded my head. Ipinakita ko pa sa kanila ang duplicate ng susi ng padlock sa gate.

"Mahal na mahal mo talaga ang hatinggabi." Sister Leticia said. "Mag-iingat ka mamaya, Leslie."

Nginitian ko siya at saka tumango. Sinamahan ko na muna sila papasok sa orphanage at tumulong sa paghahanda ng mahihigaan namin mamaya. The kids here were already asleep. Kanina pang alas nwebe ang naging pagtulog nila. At bukas.... maghihintay ulit, nagba-baka sakali na mayroong... nanay at tatay... na kukupkop sa kanila. Kahit hindi nila kadugo.

I was once that kid. Hopeful to have a family... that would love and cherish me. But it didn't happen. I shook my head when my tears start to build up in my eyes again. No. This cannot be happening. Sa panaginip ko lang dapat makita ang nangyari noon... at hindi ngayong gising na gising ang diwa ko.

Midnight MadnessWhere stories live. Discover now