Chapter 1: Strings
"Bro! Papasok ka pa mamaya?" Tanong ni Bryce na nagliligpit ngayon ng gamit dahil katatapos lang ng morning classes.
"I don't know. Kayo ba?" Balik tanong ko rito.
"Tinatamad na ako. Debate lang naman mamaya diba? Let's go drink!" Aya nito.
Umiling na lamang ako habang nagliligpit ng gamit. Mabilis kong niligpit ang mga notebook kong nakakalat sa desk at tinapon ang mga balat ng pagkain na patago kong kinakain habang may klase. Minsan tinatanong ko yung sarili ko kung bag pa ba 'to or basurahan na.
"DJ! Tatakasan mo na naman kami!" Napalingon ako kay Sean at kumaway pa ito.
Seriously?
"I'm going to attend." Seryoso kong sabi sa kanila.
"Dumbass! Running for president si DJ." Ralph said sabay batok kay Sean na nakaupo sa desk.
And again... they were about to fight each other. I wonder if they are the human version of Tom and Jerry, they fight but they can still be friends.
"Suportahan na lang natin si DJ, bro. Ganito, hiram kayong uniform pang babae tapos gawa tayong banner-"
"Stop it! That's embarrassing!" Sigaw ko sa kanila.
Napapikit na lamang ako habang sila naman ay gumagawa ng katarantaduhang gagawin sa program mamaya. Well, hindi naman ako ang mapapagalitan kung gagawin nila 'yon. Isipin ko na lang pampawalang kaba rin 'yong gagawin nila.
"Uuwi na muna kami. Babalik kami kaagad. Good luck, bro." Kinilabutan ako sa pagpapagaang-loob na sinabi ni Bryce.
"'Di bagay sa'yo." Simpleng sinabi ko sa kaniya.
"Grabe! Pinapagaan ko lang loob mo. Sean!" Tawag niya kay Sean na nasa labas na ng classroom. "Hanapan mo ngang jowa 'to mamaya para hindi na parating may PMS!"
Napasapo na lamang ako sa aking noo habang nakita kong pagtinginan sila ng mga iba naming batchmates. What a great day to deal with stress.
Nang makaalis na sila ay agad akong nagpunta sa cafeteria kung saan ang meeting place namin ng mga kasama ko. Nakakahiya dahil ang daming matang nakatingin sa akin kaya payuko akong naglakad. Ano bang meron? Naka-uniform lang din naman ako katulad nila.
Mabilis kong tinapos ang lunch dahil gutom na gutom ako. Nakalimutan kong kumain ng breakfast dahil sobrang dami ang dapat asikasuhin para sa school election na ito.
I don't know where I got the confidence to run as the president of student council. Nakakakilabot ding isipin pero dahil ako ang inaasahan sa batch namin, napilitan ako. Hindi naman dahil ayaw ko, marami pa kasi akong aasikasuhin bukod dito.
YOU ARE READING
Truth Doesn't Change The Way You Lie
Teen Fiction"I thought you love me... but why can't you look at me in the eyes?" Nagmamakaawang sabi niya habang patuloy na dumadaloy ang ulan sa kaniyang mukha pati na rin ang luhang umaagos sa kaniyang mata. "I thought you trust me too." I said in the calmest...
