Napangiti ako nang mapait, gusto ko pa namang umasa na hindi niya ako nakilala.Hindi pa masasabing payat na payat pero malaki na ang nagbago sa akin. Ang balat ko ay mas pumuti dahil sa bihira na lang itong masinagan ng araw, nagmature na rin ang itsura ko katulad ng pagma-mature ko sa buhay.

Inipit ko sa aking tainga ang mga buhok na tumatabing sa gilid ng pisngi ko bago siya casual na harapin. Dahil wala akong planong makipag-usap sa kanya, simpleng tinanguan ko na lang ang tanong niya.

Ang kulay aboy niyang mga mata ay bahagyang sumulyap sa suot kong wireless earphones na lumitaw dahil sa pag-ipit ko ng buhok ko sa aking tainga.

Nang maalalang kausap ko nga pala si Hugo kanina ay agad akong napahawak sa earphones. Nakalimutan ko nang may kausap ako kanina, hindi ko na rin napansin na naputol na pala ang linya.

Nang ibalik ko ang paningin ko kay Arkanghel ay natagpuan ko siyang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Wala rin siyang kahit anong emosyon sa mukha maliban sa pagiging kalmante.

Tinanguan ko siya bago ako tumalikod. Wala naman kasing dahilan para mag-stay ako. Wala naman kaming pag-uusapan. Hindi rin para makipag-usap ako sa kanya.

Ang mga hakbang ko na hindi ko sigurado pero sinisikap kong gawin lang na casual. Ramdam ko na kahit naglalakad na ako palayo ay nakatingin pa rin siya sa akin, at iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makahinga nang maayos sa mga oras na ito. Gusto ko tuloy siyang lingunin para sigawan at awayin.

Kusang bumilis ang mga binti ko sa paghakbang. Gusto ko nang makalayo agad. Kung hindi lang nakakahiyang manakbo ay baka nanakbo na ako.

But, wait! Bakit ganito kabilis ang paligid? Bakit iyong mga nakakasalubong ko ay tila hinahabol ako ng tingin?


Bumaba ang mga mata ko sa aking mga binti. Oh, shit! Windang ako nang marealized na hindi ako naglalakad kundi nananakbo ako nang mabilis.

Isang pustoryosang may edad na babae ang napatili nang mabangga ko. Muntik pa siyang mapahiga sa sahig kung hindi ko lang siya nahablot sa braso.

Hindi maipinta ang mukha niya nang umayos siya sa pagkakatayo. "Oh my freaking goodness, hija! Why the hell are you running in a mall?!"

"I'm so sorry, Ma'am!" hiyang-hiyang todo paumanhin ko.

Nakasimangot ang ginang nang umatras palayo sa akin. Pinagpag niya ang damit na bahagyang nagusot. "May humahabol ba sa 'yo? Are you a shoplifter or something?!"

"Ma'am, no..." Hiyang-hiya na talaga ako dahil napapatingin sa amin ang ibang dumaraan. "Sorry po... Nagmamadali lang po talaga..."

Hiyang-hiya ako dahil naka-istorbo pa ako ng ibang tao dahil sa kagagahan ko. Sigurado rin ako na nakita ni Arkanghel ang nangyari.

Kung pwede lang sana lunukin na ako ng lupa ngayon. Ang kaso, hindi naman lupa ang sahig dito sa mall.

Nang lingunin ko si Arkanghel ay hindi nga ako nagkamali. He was still there, so handsome and so sexy, looking at me with raised eyebrow.

"Hija, just be careful next time," iritableng boses ng ginang na nabangga ko.

Nagbalik ang atensyon ko sa kanya. "Opo. Pasensiya na po ulit, Ma'am..."

"All right," tango niya at lumakad na palampas sa akin.

Hindi ko na hinintay na mawala ang ginang. Lumakad na rin ako paalis. Nag-iinit ang buong mukha ko kaya pinili kong yumuko hanggang sa tuluyang makalayo.

My phone rang. Sinagot ko iyon habang pababa ng escalator.

"Hello, Sussie? Sorry, na-dead bat ako kanina." It was Hugo again.

Inayos ko ang pagkakaplug ng wireless blutooth earphones sa tainga ko. "It's okay."

"So ano? Chill tayo?"

"Inuman na lang," sabi ko habang alerto ang mga mata sa paghahanap sa exit ng mall. Magpapatay muna ako ng oras. Maglilibang sandali para mamaya ay antok na talaga ako pag-uwi.

"Ayoko nga, lasingin mo pa ako!"

"As if nalalasing ka. High school pa lang, tunggero ka na. Immune ka na sa alak..."

Napaungol siya. "Napaka-judgemental nitong babaeng ito!"

Sa wakas natanaw ko na ang exit. "Ano bang makakain diyan sa condo mo kung pupunta ako?" 

"Aba'y marami!"

"Sige na, anong address ba ng condo mo?" Nagpasya ako na puntahan si Hugo. Hindi pa ako nakakapunta sa condo ni Hugo, ngayon pa lang ang unang beses. Hindi naman ako nag-aalala o naiilang dahil tiwala naman ako sa kanya.


Sa tagal naming magkaibigan ay palagay na ako kahit pa magkasolo kaming dalawa sa iisang lugar. Wala na iyong malisya. Pakiramdam ko nga ay ate niya ako at siya naman ay bunso kong kapatid, kahit pa ang totoo ay mas matanda siya sa akin. Naiinis lang ako minsan kapag pasimple siyang dumidiga. Nalilito ako kapag ang inaakto niya.


"Pupunta na ako ngayon. Siguraduhin mo lang na may makakain diyan dahil gutom na gutom na ako!"

"Yes, Ma'am!"

Siguro iniisip ni Hugo na nagbibiro lang ako tungkol sa pag-inom. Alam naman kasi niya na never pa akong nakatikim ng alak. Pero okay na rin na hindi niya sineryoso kasi nabigla lang rin naman ako sa pagyayaya.

"Saan ka na ba? Sunduin na lang kaya kita?"

"Hindi na. Hintayin mo na lang ako."

"Okay. Liligo lang ako para pagdating mo, mabango ko."

"Sorry, wala akong balak amuyin ka."

Humalakhak siya. "Wag magsalita ng tapos!"

Nang wala na si Hugo ay pinatay ko na ang phone. Mabilis pa rin ang mga lakad ko hanggang sa marating ko ang exit. Kinalimutan ko ang pagiging matipid at sumakay ako ng taxi pagkalabas. Sinabi ko sa driver ang address. Nang umandar ang taxi ay tahimik kong tinanaw ang iniwan kong mall.

Arkanghel... I knew that we were going to meet again. I just didn't expect that it would be this early...


Na ganito kabilis. Na ganito kasakit...

Mapakla akong tumawa nang maramdamang basa ang mga mata ko. Nakakairita kasi bakit masakit? Bakit kailangang may pait?

Hindi na siya iyong taong nangako na kahit anong mangyari, sa akin pa rin babalik at uuwi.

He had said before that I am his home. But now those words meant nothing anymore...

JF

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Where stories live. Discover now