He looked at his side. Nakita kong bumaling ang dalawang lalaking malaki ang pangangatawan sa 'min.

It's the bouncer.

Before he come into us, hinawakan ko si Caplan sa kamay.

Mabilis n'ya akong nilingunan at pinagbabaan ng tingin. His jaw clenched as he looked into my eyes, crying.

"Please, baby, don't do this to me. Ano bang nangyayari sa 'yo? Caplan, you're hurting me... you're killing me, you know?" my voice cracked.

Hindi ko na mapigilan ang paghikbi lalo na nang pilit nitong alisin ang kamay mula sa pagkakakapit ko.

Mayamaya pa ay dumating na ang dalawang bouncer. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso.

"Let me go!" sigaw ko sa dalawa habang pilit na kumakalas sa hawak ng mga ito. "Ano ba? Damn you! Bitiwan n'yo sabi ako, eh!"

"Get her out of here," I heard him gave an order to the two bouncers.

Nakatagilid na ito sa 'kin ngayon at kita ko ang paggalaw ng panga nito.

Napahikbi ako habang nakatingin sa kan'ya. I really want to hug him...

"We're done, so... don't try to show up in front of me ever again," pagkasabi n'ya noon ay tuluyan na itong tumalikod.

Nahugot ko ang hininga at ramdam ko ang pagbigat noon.

Napailing-iling ako at hindi makapaniwalang pinanood ang paglayo n'ya.

"Caplan!" I cried while the bouncers gently pulling me out of the door. "Caplan, please... don't do this to me, please!"

Hanggang sa isinarado na ng mga ito ang pinto at hindi na talaga lumingon pang muli si Caplan.

Gusto kong manlaban sa mga bouncers na nagbitbit sa 'kin sa labas pero hindi ko magawa.

Nauubos ang lakas ko kakaiyak, at sa sakit ng sinabi n'ya.

"'Wag na lang po kayong makulit, Miss," the bouncer said as I tried to enter again inside.

Hinampas ko sila lalo na ang kamay nitong pilit tumataboy sa 'kin.

"Ano ba? Nasa loob 'yung boyfriend ko! Let me talk to him! Parang awa n'yo naman na... please," I groaned, halos makalmot ko na sila kakatulak paalis ng pinto.

Mayamaya pa, napatigil ako sa pagsigaw nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Fenella, oh God!"

Doon ko rin naramdaman ang paghawak n'ya sa braso ko.

Hinawakan ko s'ya sa magkabilang braso habang patuloy ang pag-iyak.

"Cess, please, tell them I need to talk to Caplan!" pagmamakaawa ko.

She bit her lips and tightened her grip.

"Tsk! Fenella naman, eh! Naiwan ka lang saglit, tumakas ka na agad! Let's just go home!" sigaw n'ya sa 'kin.

Agad naman akong umiling.

"No, Cess, no! Please, I just need to talk to him. Kahit saglit lang. Gusto ko lang malaman kung bakit—" hindi ko naituloy ang sasabihin dahil bigla akong napahawak sa tiyan at nakaramdaman ng sakit. "Ahh!" I groaned, napisil ko ang aking tiyan.

"Kitten!"

"Fen!"

Muntik pa akong matumbay dahil halos mawalan ako ng balanse.

Patuloy ang pag-iyak ko dahil sa sakit.

"C-cess! Ahh!" impit kong sigaw. "Cess, ang baby ko!" napapahagulhol na ako habang patuloy ang pamimilipit sanhi ng sakit.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon