21

4.5K 268 225
                                    





Nice Game

Nanatiling nakaawang ang bibig ko habang nakikipagtitigan sa kan'ya. Iyong mga sinabi n'ya kanina ay ngayon lang nagproseso sa utak ko.

Trust me when I told you I like you...

I bit my lips and shook my head. Ilang beses ko 'yong ginawa bago magkaroon ng lakas na loob itulak s'ya.

"Can you please stop your fucking tricks on me, Caplan?" that was the phrase I only uttered.

Totoo naman! Mukhang pinaglalaruan n'ya lang ako. He likes me? Why? Why did he like me? Anong meron sa 'kin na nagustuhan n'ya?

I know it's given na 'yong maganda ako and no one can resist about how beautiful I am... pero bakit? Hindi sapat na dahilan 'yung maganda lang ako kaya nagustuhan n'ya 'ko. That's too shallow!

"I ain't playing tricks on you, Fenella. Kahit itanong mo pa sa mga magulang mo. I'm serious about this," he murmured.

Hindi ko naman mapigilan ang mabibilis na tibok ng puso ko. Bukod sa makipot ang loob ng elevator na ito, he's too close! I can't fucking breathe! Oh, Saint!

Tumikhim ako, "Ano namang kinalaman dito nina Mommy?" I groaned.

May alam ba silang hindi ko alam? Palagi na lang!

"I already have their permission,"

Kumunot ang noo ko. "Permission in what?"

"To court you..."

Natigilan ako sa sinabi n'ya, hindi makapaniwala. To court me? Hello? Hindi ko s'ya type! Hindi talaga s'ya 'yung tipo ko!

Nilakasan ko ang aking loob, "Declined." tinaasan ko s'ya ng kilay.

Bumakas naman ang gulat sa mukha nito pero agad din iyong naglaho. He gave me a sweet smile instead.

"Then, I'll try again." he paused and he fight my gaze. "Liligawan kita ng paulit-ulit... disregarding how much you declined me."

What on earth is he saying? Dapat na ba akong maniwala?

"I don't trust you!" Sakto namang pagkasigaw ko noon ay muling bumukas ang pinto.

I used that opportunity to run away from him. Nagawa ko naman 'yon at lakad-takbo akong lumabas ng BYD Company.

Buti na lamang at sa ground floor kami tumigil. Hindi ko inaasahan na ganoon katagal ang ititigil namin sa loob ng elevator na 'yon.

What the fuck, Caplan... Don't do this to me. I haven't fall in love yet and I don't know what that real love will affect me.

I don't want to fall in love with him! Ayokong kainin ang sinabi ko! Nakakainis!

Pagkarating ko sa loob ng sasakyan, malakas kong isinandal ang sarili sa backrest nito.

Napatingin ako sa aking dibdib na kanina pa akong binubwisit. Ilang beses ko iyong tinapik.

"Can you please stop that! Umayos ka, makisama ka sa utak ko, please lang!" utos ko sa puso kong kanina pang mabibilis ang tibok.

I heaved a sigh and closed my eyes.

There's no way I'll fall in love with him.

Kailangan ko na talagang umiwas sa kan'ya para hindi na lumala itong nararamdaman ko... kung meron man.

Meron nga ba?

No, wala. Walang space si Caplan dito sa puso 'ko.

Saktong alas tres, nakita ko si kuya Vogart na papunta rito. Ilang minuto lang ang lumipas simula 'yong nangyari kanina. Hindi pa rin ako tumatagal dito sa sasakyan pero buti naman at bumaba na rin s'ya.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now