Chapter 1

45 3 0
                                    


"Papa! Gusto Kong maging pulis paglaki ko haha!"

"Bakit naman Pulis Princess hmm?"

"I don't know Papa. Parang gusto ko Lang para ako yung mag po-protekta sayo"

" Hay Nako!. Ang baby ko malaki na pero Princess. I'm the one that should protect you because I'm your only very handsome Papa and your my little princess and my job is to protect you and love you okay? But if you really want to be a police i will support you alam kong darating ang araw na Hindi mo na kailangan ang proteksyon ko kase ikaw na ang mag tatanggol sayo pag wala ako"

"Pa naman parang sinasabi mo naman na mawawala ako sayo. I'm still your little princess papa pero gusto ko rin matuto nang ibang bagay at gusto ko ako naman ang mag tatanggol sayo!"

"I know baby, I know just always remember I will support you okay? Kahit Ano pa yan nandito Lang ako"

"I love you papa"

" I love you too. Princess"

Nag uunahang tumulo yung mga luha ko habang inaalala ang mga magandang memory namin ni papa.

It's been a years simula nung namatay si papa ngayong ang 3rd anniversary nang pagkamatay nya naalala ko pa ang mga nangyari nung araw na yun.

Sabi nang mga pulis pagnanakaw daw ang nangyari sa bahay namin tapos nanlaban daw si papa kaya pero Hindi rin ako naniniwala na pagnanakaw iyon dahil wala naman nawalang mahahalagang gamit sa bahay namin.

Kaya iniisip ko na sinadya talagang patayin si papa hindi talaga pag nanakaw ang gusto nila naaalala ko pa ang mga sinabi sakin nang pulis Halata naman na wala Silang pakialam sa kaso nang papa ko.

" Sir, Ano na pong nanyari sa case ni papa? May lead na po ba?"

"I'm sorry Ms.Sy pero wala pa po kaming lead pasensya na po"

"Walang lead o wala Lang talaga kayong pakialam sa kaso nang papa ko?"

"Alam mo po Ms. Sy dalawang buwan na po namin tinatrabaho ang kaso nang papa mo talagang wala Lang po kaming makuhang lead tungkol sa mag nanakaw"

"Yun na nga po. dalawang buwan na po ang kaso ni papa pero wala pa ring lead kahit isa and sinabi ko na po na Hindi pagnanakaw ang nangyari kaya walang mangyayari kung magnanakaw ang hahanapin nyo"

" At pano nyo naman pong nasabi na Hindi iyon pag nananakaw ms. sy? We're doing our best here ms. sy para makakuha ng evidence sadyang walang lead talagang lumabas pero sigurado kami na pagnanakaw ang nangyari sa bahay ninyo mawalang galang na iha! Marami pa akong gagawing mas mahalaga kaysa sa kaso nang papa mo pasensya na"

Every time na maaalala ko yung sinabi sakin nang pulis naiinis ako sa kanila at sa sarili ko dagli pare pareho lang kaming walang lead. Sila huminto na pagkatapos nang isang taon pero ako patuloy parin sa pag hahanap nang hustisya sa papa ko.

Nandito ako ngayon sa sementeryo sa harapan nang lapida ni papa.

Tumingala ako sa langit. Masaya na kaya sya ngayon sa langit?. Naaalala nya kaya ako?. Namimiss nya rin kaya ako? Kase ako namimiss ko na sya miss na Miss.

"Pa! Tatlong taon na ang nakalipas nung iniwan moko" naluluhang sabi ko.

"Madaya ka pa eh sabi mo gusto mokong makitang nakasuot nang uniform ko pang pulis. Sabi mo aattend ka pa nang graduation ko. Pero bakit umalis ka na agad?" Hindi ko na napigilang umiyak pag naaalala ko yung mga sinabi nya sakin.

"Sabi mo ihahatid mo pa ako sa altar pag kinasal na ako pero paano ako mag kaka boyfriend Kung tinatakot mo yung mga manliligaw ko. Pa ang unfair mo ikaw namamahinga na wala nang iniisip pero ako itong anak mo nahihirapan akala ko ba Ayaw mong umiiyak ako? Ayaw mong nakikitang natatakot ako? Sabi mo ikaw mag tatanggol sakin bakit ngayon ikaw na nag paiyak sakin, inawan mo pa ako kaya Hindi mo na ako maipag tatanggol"

"Pero Pa! ipapangako ko na hahanapin ko yung pumatay sayo. I will make sure na mabubulok Sila sa kulungan"

Hintayin mo Lang pa hahanpin ko Sila. Ipaparamdam ko sa kanila Kung ano ang Pinaramdam nila sakin nung kinuha ka nila sakin hintayin mo Lang papa.

***

Lithuania: Athena's Secret Daugther Where stories live. Discover now