Ang bawat bitaw ng salita, may ibig sabihin. Ang bawat tingin, may nais ipahiwatig. Ang bawat galaw, may nais gawin. Ang bawat tula at kanta, may nais patamaan. Ngunit kung hindi ito naiintindihan ng tao, sa tingin ko ay dapat mo na itong lapitan. Saka mo lang din makikita ang patutunguhan ng lahat ng imahinasyon mo sa una pa lang, kung sasabihin mo sa kanya ang mga katagang sa panaginip mo lang naipapahayag.
Sa kabila naman ng lahat, kahit na kay tamis at kay bulaklak pa ng bawat palasak kung ang iyong paksa ay hindi gusto ng makikinig, sa unang pahiwatig dapat ay alam mo na. Lumisan ka. Sapagkat may halaga ang oras at ang iyong pagkatao.
"Wala na ba talaga?"
Ngumiti ako sa kanya, "Nandito pa, pero kailangan nang mawala."
Hinawakan niya ang aking kamay at ipinatong yun sa kaniyang kanang dibdib. Sa ilalim ng aking palad, dama ko ang suntok ng kaniyang puso. Nakatitig pa ang mga mata nito sa akin, namumuo ang luha at nagpupuyos ang pagmamahal, na ni minsan ay hindi ko naramdaman. Gusto ko mang sabihin na sa pangalawang pagkakataon magiging ayos ang lahat. Ngunit pareho naman naming hindi alam ang mangyayar, kung bukas ba ay meron pa o baka pagmulat ng aming mga mata kasabay noon ay ang pagtantong wala na pala talaga at ang tanong na 'ano ang ginagawa ko dito?'.
Kahit hindi niya tinanong, sumagot ako, "Alam ko. Pero..."
"Pero?"
"Hindi ngayon."
YOU ARE READING
Sapagkat
Teen FictionAng kwento ng pag-ibig na hindi na dapat pa sinimulang banggitin ng tadhanang hindi para sa atin.
