"Ang tanda ko ay iba ang course ni Clark kaya siguro hindi siya kasama." saad niya, napatango na lamang si Allen at nag patuloy kumain.


Nang matapos kumain ay napag pasyahan muna ng dalawa na mag libot libot sa mall. Si Allen ay nag titingin ng kung ano-ano samantalang naka sunod lang si Michael bitbit ang pinamili sa NBS. Tila walang kapaguran sa pag lakad si Allen samantalang si Michael ay hingal na.

"I will buy this one" sambit ni Allen pertaining to the shoes. Tiningan naman ni Michael ang presyo at napalunok ng makita ito.

"Grabe 2,200 pesos" sambit ni Michael. Hindi siya pinansin ni Allen at tinawag ang saleslady.

"Give me two pairs of this." Sambit ni Allen. Napatingin naman si Michael sa binata. Bakit naman dalawa? Ayon gusto niyang itanong.

"On what size po sir?" Malumanay na sabi ng saleslady.

"The one is size 10...the other is.." Napalingon si Allen sa kanya. "What is your size?" Tanong ng binata sa kanya. Agad siyang umiling.

"Hala Kian. Ayoko..." agad na pag tanggi ni Michael.

"Its okay, just tell me." sambit ni Allen. Muling umiling si Michael. Ayaw niyang tanggapin iyon. Bukod sa napaka mahal ay ano na lamang ang sasabihin sa kanya ng mga kapatid ni Allen pati ng ibang nasa mansion.


"Ayoko Kian." seryosong sambit niya.

"Psh"iritadong sambit ni Allen at lumabas ng shop. Naiwan si Michael at Saleslady na halatang nag tataka sa nangyayari.

Ngumiti na lamang ng alanganin si Michael sa babae at sinundan ang papalayong si Allen. Napaka bilis ng lakad ni Allen kaya napatakbo na si Michael. Inabot niya ang kamay ng binata upang mapahinto ito sa pag lalakad.


Napatingin si Allen sa kamay ni Michael na nakahawak sa kamay niya. Si Michael naman ay habol hiningang naka hawak sa tuhod ang isang kamay.

"What?" iwas tingin na sambit ni Allen.

"Akala ko gusto mo yun? Bakit hindi mo binili?" sambit ni Michael. Hinila niya muna papunta sa gilid si Allen. Dahil maraming dumadaan at para na rin makapag usap sila ng maayos.

"I won't buy it unless you allow me to buy for you too" sambit ni Allen. Hinigpitan ni Michael ang hawak sa kamay ng lalaki at tinitigan ito.

"Hindi ko kayang tumanggap ng kahit ano sayo, gamit ang pera ng parents mo. Tiyaka baka sabihin nila inaabuso kita" sambit ni Michael.

"So you mean, you will allow me if its my own money?" tanong ni Allen.

"Hindi naman sa ganun. Mas maganda kasi kung parehas ng pinag hirapan natin. Ang ibig kong sabihin, pwede natin bilhin ang sapatos. Kung ako ang gagastos nung sakin."ngiting sambit ni Michael.

"Its my gift for you"sambit ni Allen.

"Para saan? Hindi ko naman birthday at malayo pa naman ang pasko" sambit niya. Allen just shooked his head.

"Psh fine. I'll never win over your reasoning tsk." Sambit ni Allen. Natuwa naman si Michael na sa wakas ay naintindihan na rin ito ni Allen.

"Umuwi na tayo?"Tanong ni Michael at tumango si Allen. Binitawan na niya ang kamay ng binata.





NAPAHILATA agad si Michael sa kama pag karating nila sa Mansion. He was very exhausted. Ilang oras ba naman mag palakad lakad sa Mall. Kinuha ni Michael ang phone mula sa bulsa niya upang tingnan ang oras. Mag aalas-singko na ng hapon.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now