TR4

21 2 0
                                    

TR4: THE RIGHT HAND


LUSI'S POV.


Owemjii hindi pa rin ako makapaniwalang ako ang nanalo. Waaaah! hangin please! kailangan kong makahinga.

"Hi! ako si Lusi ang bagong Ruler ng 1-E2." Nakipag shake hands ako sa mga pretty and handsome students na nadadaanan ko sa lobby ng building namin. Ang saya-saya ko maygawdd!

Maygawdd cazzie! ganito pala ang pakiramdam na makilala ng buong mundo na ako ang bagong pinuno ng claasroom namin, hihihi!

Ikaw po ay masyadong nahihibang mahal na sanggre..

"Tayo na at ipagdiwang ang pagkapanalo ng ating TR!!" masiglang sigaw ni Earlyseven.

TR? Anong TR?

"What's tr? short for turon?" tanong ni Mitch.

"Gutom lang iyan mahal na sanggre'ng peke." ni-pat pa ni Nerdy ang balikat ni Mitch sabay tango-tango.

"TR. Short for The Ruler. Haler! hindi niyo ba alam iyon? duh!" umismid si Earlyseven.

Gagang bakla ito ah? Medyo naninibago lang ako ng kaunti kay Earlyseven ngayon dahil hindi ko alam na laladlad pala talaga siya hihihi.

"TR! tama, iyan ang itatawag niyo sa akin simula sa araw na ito. TR..TR..waaaaw.. lezgow mga hangal. Dahil ako ang pinili nyo ay ililibri ko kayo."

"Uhm excuse me, I didn't chose you kaya." natigil kami sa paglalakad—este ako lang pala.

"Hindi mo ako pinili Btchy Mitchy?" nakapamewang kong tanong. Ang bad nito ah?

"No. Why would I? I will always choose my make ups rather than you TR. Psh. Pero sayang ang libre no, iisipin ko nalang na para sa food itong ginagawa ko hihihi." sabi niya at niyakap ang braso ko.

"Ako rin mahal na sanggre." niyakap din ni Nerdy ang braso ko. Mga hangal talaga.

Hmp! ang pa-plastic ng mga 'to!

"Ano ba sinulat mo?" tanong ko kay nerdy.

"Ano lang ahh...flames,hihihi." hagikhig niya.

"F–flames?! kanino ba? loko ka ah?"

"Hihihi. Pakiramdam ko kasi ay tama ang hula ko ngayong taon na ito."

"Ano ka Philosopher? lakas ng guts mo."

"Eh kasi nararamdaman ko yung awra niyo ni Colin eh, ang lakas maka pula hihihi." tumawa pa siya nang napaka bebe. Lul.

At mas lul ang sinabi niyang ang lakas makapula ng awra namin ni Uling. Baka black okay pa.

"Kung ganoon ay si Earlyseven lang pala ang ililibre ko." ngising-ngisi naman si bakla. Hayuk sa libre eh.

"Oh, e sakin pala budget niyo bwahahahah!!" humalakhak siya na parang bruha ang dating.

"Oy huwag! matakaw kang bakla ka." natawa ako sa reaksyon ni btchy Mitchy. Para kasing bata na takot maagawan ng kendi.

"Akala mo naman mahal na sanggre binoto ka niyan eh nabigla lang naman iyan noong sumigaw ka." nilingon ko si Earlyseven pagkasabi nun ni nerdy. 

Oo nga noh? ba't di ko iyon naisip kanina? ang bobo ko ah? charr hindi ako bobo noh.. huwag niyo lang itabi sakin si uling hihihi! 

" Oy atleast nanalo ka parin dahil sakin. "

Ang gaga ng vaklang twu ah! 

"O sya sya! tayo na, ililibre ko nalang kayo kahit mga hangal kayo."


The RulerWhere stories live. Discover now