1. Owy

4.7K 73 23
                                    

CHAPTER ONE: Owy

~

OWY

"Alam mo, duwag ka lang!" sabi ni Kuya habang pinagyayabang sa akin na nakapasok na daw siya doon sa haunted house sa kabilang street.

"Ako? DUWAG? Wala sa bukabularyo ko yan no!"

Napakayabang talaga ni Kuya! Porket nakapasok na siya doon, matapang na siya? Sus! Kaya ko rin ‘yun noh! Baka magsitakbuhan pa mga multo dun papalapit sakin dahil sa ka-cute-tan ko! Pero wag naman sana...

Paauwi na ako galing school, madilim na pala ang kalangitan. Magagabi narin pala. Bad thing, kasi madilim na sa kalye. Good thing, kasi hindi ako dudumugin masyado. Sikat ako diba? Diba? DIBA?

Napatigil ako nang bigla akong nakarinig ng tunog ng gitara. Parang inaakit ako noon at hinahanap ko na ngayon kung nasaan na galing yung tugtog na iyon. Di ko namalayan, nasa pintuan na pala ako ng isang bahay. At ‘yung bahay na iyon ay ‘yung haunted house na sinasabi nila, hindi naman ako natatakot habang nakatayo sa pintuan ng bahay na ito. Pero? Galing sa loob yung tugtog. HALA! Baka ‘yung multo na iyon! Pero naalala ko bigla ‘yung sinabi ni Kuya. Tsk! Kaya ko ring pumasok dito!

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok ng bahay na iyon. Nang wala naman akong naramdaman na nakakatakot, dire-diretso na ako sa loob. Di naman pala nakakatakot dito eh! Multo daw ha? Multo nila mukha nila! Akala nila matatakot nila ako! Tsk.

Narinig ko na naman ‘yung gitara na tumutugtog, mukhang galing sa second floor ‘yung tugtog. Kaya ako naman si MATAPANG! Umakyat ako, ngayon ko lang napansin na ang hitsura ng bahay, hindi naman siya makaluma pero hindi din naman kasing modern ngayon, simple lang. Pumasok ako sa isang kwarto doon, malakas kasi ang pagkakarinig ko ng gitara doon!

Tapos may nakita akong babaeng nakaupo doon, nakaputi siyang dress, may hawak na gitara at nakatingin sa gitarang hawak niya. Nang lumingon siya sa akin at nagsisigaw siya.

"WAAAAAAAH!" sabay naming sigaw dahil sa gulat ko narin sa kanya ay napasigaw ako. Nagtago naman siya doon sa likod ng gitara pero halata naman at nakikita siya, mas malaki kaya siya sa gitara. Tsk.

"Uhm... Hello?" bati ko sa kanya. Mukha naman kasi siyang harmless. Di ko ma-explain yung itsura niya, halo halo eh! Parang takot, tapos gulat, tapos malungkot na nakanganga, tapos naglalaway dahil sa kagwapuhan ko pero siyempre joke lang iyon!

At dahil hindi siya nagsasalita, ako nalang ang nagpakilala.

"Ako nga pala si Owy."

 

"A-aahh. A-ako naman s-si A-a-Irish, Irish," pautal-utal na sabi niya. Gaano ba ako kagwapo at mukhang manghang-mangha siya sakin? Tsk.

Nang time na iyon nakaupo na ulit siya sa kama tapos mukhang mag-gigitara na ulit siya na parang walang nangyaring gulatan at sigawan kanina. Cool na cool na siya e.

Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon