VR: #7 - A (Last Chapter)

532 17 1
                                    

VR #7

~

<Hayley's POV>

llang buwan narin ang lumipas. Madalas na kaming magkasama na dalawa ni Ranz. Palagi niyang sinasabi na mahal niya ako. Palagi niyang pinaparamdam na totoo iyon. Naniniwala ako sa kanya. Ganoon din naman ako sa kanya e. Pero madalas ay nagtataka ako. Madalas siyang nanghihingi ng excuse sa akin. Palaging late. Ewan pero naghihinala ako sa di malamang dahilan.

"Saan ka na naman galing?" tanong ko.

"Naku! Tampo ka? Yiiee." sabi niya.

"Tigilan mo ako! Naiinis ako sa iyo!" sabi ko pero sa huli ay nahuli niya na naman ang kiliti ko. Kinikilig ako sa kanya kahit na may kasalanan siya. Ganito ba talaga kapag inlove? Tapos kapag yung taong mahal mo, mahal ka rin? Kinikilig ako.

Nakarinig naman ako ng mahinang palakpak.

"Wow. What a very nice scene but wait for tomorrow. Your smile on your faces will be forever gone." sabi niya saka ngumiti. Si Angela. Ewan pero kinabahan ako dahil sa sinabi niya.

Anong balak niya?

"I love you." hindi ko alam kung pang-ilang beses na niyang sinabi iyon ngayong araw pero kinikilig ako. 

"I love you more." sabi ko. 

"I love you." sabi niya. Hinampas ko nalang siya. Ang kulit kasi e! Pinapakilig niya ako. Naku! Kinikilig talaga ako.

Masaya ako ngayong araw. Sana hindi na matapos ito. Ayokong matapos ang mga araw na kasama ko siya.

Kinabukasan...

"Mahal na prinsesa. Nababahala po ang kaharian. Madilim ang kalangitan." lumingon ako sa labas at napansin ko nga iyon. Batay sa libro ng kaalaman, masamang pangitain daw para sa kaharian ang makulimlim na kalangitan. Ipinapahiwatig nito na maaaring may mamatay na dugong bughaw.

"Nasaan si Dad at Mom?" tanong ko. Sumagot naman ito na nasa kwarto ng dasalan. Pumunta naman ako doon. Papalabas na sila nang dumating ako.

"Natatakot ako anak." 

"Walang mangyayaring masama Mom." pagpapasaya ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Masama ang dalang balita ng mga ulap na iyan." sabi ko sa kanya.

"Nandito lang ako. Walang mangyayaring masama sa iyo." pagcocomfort ni Ranz.

"Wow Ranz! Is that your tactics? Making the princess smile bago siya patayin?" nagulat ako sa sinabi ni Angela. Napatingin ako kay Ranz na nakatingin lang kay Angela.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Ranz.

Nagulat ako nang may maghiwalay sa aming dalawa. Parang may humihila sa akin mula sa kanya. Natatakot ako. Gusto ko sa tabi lang ni ako.

"Ranz. Gusto kong mameet mo si Hayley, ang taong matagal na nating pinagpa-planuhang patayin." sabi niya.

"What?!"

"Do it Ranz. Or else ako mismo ang papatay sa kanya." sabi ni Angela. Isang punyal ang lumabas sa kamay ni Ranz. Pilit ko namang ginagamit ang kapangyarihan ko pero wala. May itim namahika na nakabalot sa akin. 

"Ranz!" sigaw ko. Humahagulgol na ako. 

"Do it!" sabat naman ni Angela.

<Ranz's POV>

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Ayoko. Ayokong patayin siya pero halos di ako makahinga nang may nakita akong punyal na natarak sa dibdib niya. 

"No..."

"Ang tagal mo! Walang kwenta!" 

Sunod sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit makita ang taong mahal mo na namamatay mismo sa harap mo. Wala akong magawa. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Napakawala kong kwenta. 

Hinigpitan ko ang paghawak sa punyal. Tiningnan ko si Angela na paalis na. Parang wala lang sa kanya. 

"I love being me. Thanks to that stupid clouds. It made me stronger and made them weaker. Poor them." rinig kong sabi niya paalis. Gusto ko siyang patayin pero hindi ako makukuntento. Ang sakit sakit. Kung patay na rin lang ang taong mahal ko. Mas gugustuhin ko na mamatay nalang rin. 

Dahil mahal na mahal ko siya.

Kaya kong gawin lahat makasama lang siya.

Kahit na ang mamatay ang paraan para lang doon.

~

Mhim's Corner: Pardon me! Ang panget panget  po. Sensya na ho ha. Minadali po e. Ala Romeo and Juliet po ang peg ko at ala Lancelot. Evil grin, ako ang antagonist dito! Haha. Walang happy ending pero dahil datapwat sapagkat spoiler ako. May isa pang version ng ending! Party party! Maikli lang naman po ang babaguhin. Yun lang. Thanks! :D

-Mhim-

To God Be The Glory!

Paranormal CHICSER Love Stories. (Chicser FF) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon