Kakatapos ko lang magpalit ng uniporme, tumingin ako sa salamin sa comfort room at ini-ayos na ang aking buhok, at nag-polbo ng kaunti, pagkatapos ay dumiretso na ako sa canteen. Habang umo-order ng pagkain ay hindi pa rin matanggal-tanggal ang kakaibang saya na aking nararamdaman.

Tiningnan ko ang cellphone ko para makita ang mensahe ni Chelsea na hindi ko nabuksan kanina dahil nagbabayad ako sa aking binili.

According to her message she's already at the campus, nilagay niya lamang daw ang kaniyang bag sa classroom.

I was drinking when my phone's message tone rang again, and it was a message from Chelsea, pupunta na raw siya dito sa canteen, nag-reply naman ako.

Natapos na ako sa pagkain, tinext ko siya na sa classroom na lamang ako hintayin. I'm already done eating my lunch, pagkatapos kong magpunta sa restroom para magsipilyo ay dumiretso na rin ako kaagad sa classroom namin.

I was at the entrance door of the classroom when I heard some of my classmates' guffaws, and when I continued walking in, I saw Chelsea chasing Jranillo.

"Yung sa akin na epic lang iyong buburahin ko!" sigaw ni Chelsea.

"Promise! Iyong-iyo na iyong epic ng iba riyan," dagdag ni Chelsea habang tumatawa. Mukhang may pagka-epic collector talaga itong si Jranillo.

"Sa ganyan nagkatuluyan iyong lolo at lola namin!" Mukhang kanina pa sila tinutukso ng aming mga kaklase.

"Hindi naman sila bagay!" entra naman ni Eileen.

"Selos ka lang Eileen." Nanatili akong hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan. Halos mapatalon naman ako ng biglang may nagsalita sa aking bandang likod. It was Patrick Rul.

"Why you're still here?" Pa-simple ko pa nilingon kung may katabi pa ba ako rito, sadyang nakakagulat lamang talaga, lalo na at ito ang unang beses na kinausap niya ako. Hindi ako naka-sagot kaagad, hanggang sa marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Enjoying the show?" muling tanong niya.

"I know you remember me, I just want to say sorry about what the kid told you that time." Napalingon ako sa kaniya, he's also taller than me, he has this mysterious aura.

Halos magkapareho lamang sila ng hubog ng katawan ni Jranillo. He has this angelic face, with his monolid almond eyes,ngunit kung ikukumpara kay Jranillo, ay parang may nakaharang na pader sa kaniya, but maybe I'm wrong since we're not close, I can't be sure what kind of person he is.

"No, it's okay. At saka bata iyon." At hindi nagsisinungaling ang bata, sabi nga nila.

"So, bakit nga hindi ka pa gumagalaw dito sa kinatatayuan mo?" tanong niya sa akin, nagsimulang lumikot ang aking mga mata.

"I-I just want to..." I don't know how to answer him, bakit nga ba kasi tila na estatwa na ako sa aking kinatatayuan?

Napalingon akong muli ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya, naiilang naman akong ngumiti, habang siya ay itinagilid ang kaniyang ulo.

"I want us to be comfortable with each other." He smiled at me. Agad akong nagsalita, natatakot na maisip niyang may kung anong galit ako sa kaniya.

"Komportable naman ako. I'm not really good at socializing, just so you know, pero halata naman ah..."

"Hmm, that's not a problem. I still want you to be a friend of mine." He extend his right hand, napatitig ako roon, bago iyon tinanggap.

"Friends," tugon ko.

"Sadyang lalanggamin pala tayo mga classmate!" Napalingon ako kay Elisa na halos tumili na habang nakalingon sa amin, naging dahilan iyon ng bahagyang paglayo ko kay Paul.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now