Chapter 1

1 3 0
                                    


Expect typo and some wrong grammars! <3

Move

The perfect definition of love can't be found---choss!

Bakit ba kasi napunta ako sa love-love na yan?!

Umagang-umaga love na naman!

Wala dapat bitter no! This is the day that I've been looking forward —naks english!...

Ngayon ang araw ng paglipat ko sa bagong eskwelahan. Bilang isang transferee kailangan kong makisama, madali lang naman sa akin iyon! I'm friendly ya know!

"Goodbye La Union!" sigaw ng dalagang si Calla bago sumakay sa tricycle papuntang istasyon ng bus.

Magiging maganda kaya ang unang araw niya sa isang lugar na hindi niya kinalakhan?

Subaybayan ang kwento ng isang simpleng probinsyanang may pagka-anga. Choss! na lumipat sa siyudad!

P.S: Please appreciate <3 I'm not a good novel writer (cauz I'm a feature writer) ps! Lab ya all!

|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|

Calla's Point Of View

Good morning mga single! Charot kapwa nga pala ako hehe.

Maaga ako ngayong nagising, mas maaga pa kesa kila Tatay at Nanay. Pakiramdam ko kasi excited ako na hindi. Magulo ba? Edi wow.

Last day ko na ito sa aming bahay at probinsiya. Susulitin ko na ang araw na ito!

Anong ginagawa ko? Niyayakap ko lang naman ang mga muwebles hehe. Sigurado akong mami-miss ko ang bawat gamit at sulok ng bahay na ito. Dito na ako ipinanganak, lumaki, nagka-ngipin at unang pagka-bungi.

"I love you pintuan" sabi ko sa pintuan sabay yakap at halik ko dito "... Sorry kung lagi kitang nasisipa ha! Tapos kapag nauutot ako lagi akong pumupwesto sa pintuan kaya ikaw ang nakakasagap ng masamang hangin..." nag-puppy eyes pa ako sa pintuan. Di ko talaga sinasadyang ututan siya no! Kesa naman dito sa loob? Edi hinambalos na ako ni Lolo ng tungkod niya!

"Nagsapam nga nagriingen anakko? " napalingon ako sa bandang kusina at nakita ko si Nanay na nag-uunat pa. Itim ng kili-kili ni Nanay heheh...

*Translation : Ang aga mo namang nagising anak ko*

Nag-ilokano na naman si Nanay. Well yessss, Ilokano talaga ang salita namin dito sa La Union. Certified Ilocana kaya ako!

"Good morning Nay!" masyang bati ko at nagpatuloy sa pagyakap sa pintuan.

"Anong ginagawa mo diyan anak?" tanong ni Nay

"Mami-miss ko ang bawat bagay na nakikita ko dito sa bahay kaya yayakapin ko na Nay"

Umiling-iling pa ito bago pumasok sa kusina at nagluto. Papunta na sana ako sa banyo para yakapin ang inidoro nang naalala ko na hindi pa ako nakakapag-impake!

Shutanginers!

Kaya naman dali-dali akong tumakbo papunta sa aking silid at nag-umpisang mag-impake. Buti na lang maaga pa.

A/N: Hindi ka pa nagpapakilala babaita!

Ay oo nga pala hehe... Sorry naman author!

Before I forget!

Nagmula sa probinsiya ng La Union, Ilocos Norte, My name is Calla Avery Dimaculangan! Ako ay labing-pitong taong gulang! Ipinanganak noon Setyembre 18, 2003!

Ayos na ba author?

A/N: Oo, ituloy mo na yang kabulastugan mo....

Ipapahanap ko na talaga tong si Author tapos papaupakan ko sa mga sigang tambay na barkada ko...

Promdi In The City (On-Going|Fast Updates) Where stories live. Discover now