Nandito kami sa may auditorium, sa bandang kaliwa ay ang section namin at sa kabila naman ang iba.

"Bagay na bagay iyong dalawa, si Dora si Ma'am tapos si Boots naman si Sir." Tinakpan ko ng panyo ang aking bibig para ikubli ang aking pagtawa dahil sa sinasabi ni Chelsea. Ang tinutukoy kasi niya ay ang bagong gupit na teacher namin sa Math, at ang teacher ng kaliwang section na may pagka-pandak.

"Kukuhanan ko nga sana ng picture na magkatabi sila, kaya lang wala pa pala akong naso-solve na kahit ano dito sa Math problem." Kinagat ko na lamang ang aking labi para pigilan ang aking pagtawa.

I admire how active and beautiful they are, iyong kahit anong gawin nila ay wala silang inaalala na may masasabing negatibo sa kanila ang ibang tao.

"Hey, ano yan?" Nakasakay na kami sa jeep, nasa biyahe na pauwi. Tumawa si Jen, si Chelsea naman ay kinakausap na ang mga lalaki na nasa katapat na upuan namin sa jeep.

"Tiningnan ko lang iyong oras," sagot ng isang lalaki na may hawak na cellphone.

"Nag-flash nga, palusot pa!" Tumawa si Chelsea ganoon din si Jen, habang ako ay nakangiti lamang.

Chelsea's really pretty, she's like a magnet, it's too easy for her to attract boys, kahit wala siyang ginagawa. Parehas sila ni Jen na maraming manliligaw kahit na itong si Jen, ay mayroon ng nobyo.

"Wala ka pa ba nagiging boyfriend Chelsea?" tanong ko rito, one hour vacant namin at narito kami sa pinaka-dulo ng grandstand ngayon.

"Wala pa!" Tumawa siya.

"Huwag ka naniniwala riyan Hulya, meron na iyan," sabi naman ni Jen.

"Meron na, kaso laro-laro lang."

"Ah," tanging naging tugon ko.

I can't understand why there are people who put themselves into a relationship just to make it like a trip or play. Why it's not bad if it's going to be an experience first, kung bakit ayos lang na kung pumasok ka sa isang relasyon ay hindi mo muna seseryosohin?

"Ikaw ba Hulya, meron na?" Kaagad akong umiling.

"Bakit naman wala pa? Nako, meron na siguro, huwag mo ng itanggi!"

"Wala nga talaga."

"Bakit nga wala?" pag-ulit na tanong ni Jen.

"Hindi ko alam," kasagutan na halos lagi kong tugon tuwing may nagtatanong sa akin, kahit na ang totoo ay alam ko naman ang rason.

Kailanman ay hindi ako nagkaroon ng manliligaw and I can't state the exact reason why, dahil ang totoo ay maraming dahilan, or I can answer them by the words, it's because of my physical appearance, my shyness that made them avoid to court me.

I can't blame them though, boys in this day and age are attracted to someone who has a nice body figure, the jolly one, someone who has a pretty face, iyong babae na hindi ka pagtatawanan ng iba kapag kasama mo.

Mayroon lang iniwan na seat-work
ang aming Propesor dahil may faculty meeting. Kanina pa ako tapos kaya naman nanunuod na lamang ako ngayon ng movie.

I felt sad for the girl here, she keep on chasing the boy that doesn't like her, especially in the scene where she made a love letter for the boy but she got rejected. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-isip ang pinsan ko na si Xeilyn.

Nang matapos ako ay binuklat ko na lamang muli ang aking libro at binasa muli kung tama ba ang aking mga sagot.

"Bilis mo naman matapos Hulya, may isang oras pa tayo riyan." Tumawa si Jen, kanina pa sila nakikipag-kwentuhan ni Chelsea, at mukhang mamaya pa nga nila balak gumawa ng seatwork.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon