"This is your captain speaking." Napatingin ako sa paligid nang makaramdam ako ng kakaibang kilabot.
"Cyra. Iba ang pakiramdam ko." Sabi ko sa kaibigan ko saka muling luminga linga. May kakaiba sa eroplanong ito na hindi ko maintindihan.
"Malamang iba ang mararamdaman mo kasi palipad na." Mukhang siyang excited. Sana lahat.
"Hindi eh."
"First time diba?" Tumango ako sakanya. "Kaya ang OA mo kasi first time mo." Napataas ang kilay ko sa kanya. Ano connect?
Magtatanong pa ulit sana ako sa kanya kaso baka magalit na kaya tumahimik nalang ako. Akala ko pagkalipad ng eroplano ay mawawala na yung kakaibang pakiramdam pero nagkamali ako.
Napatingin ako sa paligid ko. Mga kalmado ang mga kasamahan ko maging ang ibang mga pasahero at crew. Parang ako lang ang kinukutuban.
Noong bata kasi ako ay sa probinsya ako nakatira. Doon pa naman sa probinsiya ng lola ko ay liblib puro puno. Naalala ko noon madalas akong makakita ng mga kakaibang bagay. Noong paalis na kami noon sa probinsya ay may nagpakita sa akin. Malala ang iyak ko noon.
Kakaiba ang itsura niya. Kinausap pa nga niya ko eh. At yung boses niya ay.. Kaboses nung piloto.
Napatingin ako sa mga speakers na nakakabit aa eroplano. Doon nanggaling ang tunog. Hindi naman ako mangyan dahil nakapapanood naman na ako ng mga movie na nasa eroplano kaso ang karamihan sa mga napanood ko ay....nakakatakot.
Hindi ako matatakutin. Kahit pa may mang gulat sa akin ay wala akong reaksyon. Pero kapag kakaiba na ang nakikita at napapanood ko ay.....nagiiba din ako.
Nagiging praning ako. Tingin ng tingin sa paligid tapos kung ano ano na ang maiisip o maiimagine. Minsan nga ay sumisigaw na alng ako mag isa kahit walang nanggugulat.
Ang lolo ko ay isang albolaryo. Pero pinatigil na rin iyon ni papa. Minsan kasi ay kung ano ano ang sinasabi niya. Maging ako ay natatakot. Malawak pa naman ang isip ko.
Nasa syudad na kami nakatira at tuwing bibisita kami sa probinsya ay kung ano ano ang nakikita at naririnig ko. Tinanong ko noon ang lolo ko at ang sabi niya ay bukas din daw ang third eye ko. Namana ko raw iyon sa kanya na hindi nakuha ni Papa.
Pero hindi ako naniniwala. Si Papa. Minsan ko na siyang nakitang napa-praning. At yun ay nung nagpaalam kami ng mga kaibigan ko. Masydong protective ang mga magulang ko. Ako lang kasi ang babae kaya kahit na 24 nako ay binebaby pa rin nila ako. Hindi ko naman sila masisi eh. Wala pang asawa ang kuya ko. Girlfriend lang. Gusto na kasi nila Mama na mag ka apo para naman daw maging masaya at maingay ulit yung bahay namin. Lagi na kasing tahimik.
Gustuhin ko mang magingay doon sa amin ay hindi ko magawa. Para kasing may nagpapatahimik doon. Sa akin. Minsan nga ay feeling ko may nakatingin sa akin. Pero kapag naman ako lumilingon wala. Kakaiba.
"Woy pede kang matykog kung gusto mo. Mahaba haba ang biyahe." Napatingin ako kay Jasper.
"H-ha?"
"Napapraning ka nanaman ba?" Mahina itong natawa saka inilagay sa may ulo ko yung head phone niya. "Pwede kang matulog kung gusto mo kako."
"A-ah o-oo."
Ngumiti na lang siya sa akin. Napatingin naman ako sa harapan ko. Maigi nga sigurong matulog muna.
Pinikit ko ang mga mata ko pero agad ding napamulat. Kakaiba kasi yung nakita ko. Isang lalaki. Nakatayo doon sa may gitna ng eroplano. Wala sa sarili akong napatingin sa may gitna ng eroplano. Mga flight attendant ang mga naroon. Naghahatid ng pagkain.
"Ilang oras ulit ang biyahe?" Tanong ko kay Jasper kaya napatingin siya sa akin.
"6 hours." Tumango ako sa kanya saka tumungo. 5 hours and 30 minutes pa.
Muli akong pumikit saka nagisip ng kung ano ano. Pag kasi wala akong iniisip tuwing nakapikit ay kung ano ano ang nakikita ko.
Sinubukan kong pumukit at matulog. Nakatulog naman ako pero nang magising ako ay mga nakangiti na ang mga kaibigan ko. P-puta ano na naman 'to?
"C-cyra." Tawag ko.
"H-hoy! Zan! Gising bilis." Gising? Gising nako---
H-hindi.
Sinubukan kong imulat ang mata at ng magawa ko ay nagulat ako dahil ang daming tao sa paligid ko.
"Nakuu kami ang malalagot kila tito kapag hindi ka gumising."
"Buti na lang gumising ka." Napatingin ako kay Jasper.
"H-ha? Anong nangyayari?" Tanong ko habang inaayos ang upo. Nakasandal kasi ako kay Jasper.
"Nagsasalita ka habang tulog," Napatingin ako kay Ken, nakakunot ang noo. "Kung ano ano ang sinasabi mo."
K-kung ano ano?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Normal na yon sa kaniya." Napatingin kami kay Shai. Normal na nga 'to sa akin. Matagal ko nang kaibigan si shai kaya alam na niya ang mga nangyayari sa akin. Maging kung saan ako takot at alergy. Alam niya lahat.
"Paanong normal?"
"Zan. Ano yung nakita mo?" Tanong niya. Sigurado akong nawiwirdohan na ang iba naming mga kasama.
"Katulad parin noong nakaraan." Totoo iyon. Nakakakot. Nasa eroplano rin kami noon at halos araw araw ko yon napapanaginipan ilang araw bago ang flight namin. Noong una ay sinabi ko iyon sa kanila pero hindi sila naniwala. Napa-praning lang daw ako.
Sana nga.
"Aysh. Bahala na kayo jan. Matulog na muna kayo. Mapapagalitan tayo oh." Tinuro pa niya yung mga crew at ibang pasahero. Tangon na lang ang sinagot namin. Wala na rin naman kaming magagawa.
Tiningnan pa ulit ako ni Shai kaya naman tumango na lang ako para sabhing ayos nako. Balak ko sanang matulog ulit pero natatakot na ako sa mga maaari kong makita.
Tumingin ako sa may bintana. Maganda naman ang langit pero kinakabahan ako. Ngayon lang 'to.
Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mag salita yung piloto.
"We have an announcement." Napatingin ako doon sa may speaker. Kinakabahan lalo ako. "We are glad that you chose this flight. And we are also glad to announce that this is your last flight."
Napalunok ako. Last flight. Napatingin ako sa paligid ko. Ang mga kaibigan ko ay natapatingin sa akin. Makikita mo ang takot sa kanilang mga mata.
Ito na ga siguro...
___________________
(A/n)
Hi there! This is my first story so i need your support. Follow me on this acc also. Thank you!❣️
