°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Papalabas na siya ng mall ng may biglang humawak sa kamay niya.Nilingon niya ito at nakita ang pag-aalala sa mukha ng taong ito.

"Arthur?" Nagulat pa siya.Sinundan talaga siya? Kinikilig tuloy siya. Gustung-gusto niyang yakapin ang lalaki.Pero baka may makapansin dito at makuhanan pa sila ng picture.

Mabuti na lang dahil di nito naabutan na magkasama sila ni Benjamin.Sana gulo na naman ito. Di pa naman sila bati.

"I'm sorry sweetheart." Bumulong ito sa tainga niya.Kaya bahagya siyang lumayo.

" 'Wag dito Arthur. Maraming tao." Saway niya rito. Ang hirap pala ng ganito.Di nila magagawa sa ganitong lugar ang makapag-usap o kung anuman man ang nanaisin nilang gawin dahil maraming mata.Ang hirap pala kapag sikat na artista ang boyfriend mo. Para kayong magnanakaw na nagtatago para h'wag mahuli.

"So what kung maraming tao?I don't care Catherine. Come,let's talk.I miss you." Hinawakan pa nito ulit ang kamay niya. Kaya magka-holding hands na sila.Ngunit mabilis niya itong inalis. Ayaw niya lang kasi na magkakaroon ng intriga ang nobyo.

Tiningnan siya ni Arthur ng makahulugan at malungkot na napapailing.Iniisip kasi nito na galit pa rin si Catherine.

Nasa parking na sila ngayon.Laking pasalamat na lang ni Arthur dahil sumama sa kanya ang babae.

Binuksan niya ito ng pintuan ng kotse at pinapasok.Pagkatapos ay pumasok din siya.

Pagkapasok niya,agad niya itong niyakap ng mahigpit.Na-miss niya kasi ng sobra ang babaing nagpapatibok ng puso niya ngayon.At sigurado siyang,magpakailanman na ito.

"Patawarin mo ako sweetheart. Di ko kasi mapigilan ang sarili ko.Sobrang mahal lang kasi kita. Kaya kung di mo ako mapapatawad ngayon.Hinding-hindi ako magsasawa na suyuin ka araw-araw o segu-segundo man hanggang sa mawala ang galit mo sa akin.Mahal kita Catherine. Mahal na mahal kita." Emosyonal na saad niya.Oo,nakakabakla ang mga sinasabi niya,pero kahit nakakabakla man,wala na siyang pakialam.Basta wag lang magagalit ito sa kanya at iiwanan siya. Di niya kakayanin yun. Mamatay ang isang bahagi ng pagkatao niya kapag mangyari yun.

Dahil sa bawat pagdaan ng mga araw, lalo niya itong minamahal.

Napansin niyang di umiimik si Catherine.Tahimik lang ito. Ibig ba sabihin ay galit pa rin ito sa kanya?

Iniharap niya si Catherine sa kanya. Lalo siyang kinabahan ng makita niyang tumutulo ang mga luha nito. Pinunasan niya ito ng mga kamay niya at niyakap agad. Ayaw niyang makikita ito na umiiyak.Parang hinihiwa kasi ang puso niya.

"Sweetheart please, don't cry.Sige, parusahan mo ako kung yan ang makakagaan sa pakiramdam mo." Alo niya sa nobya.

Kumalas si Catherine sa pagyayakap ng nobyo at ipinantay ang mukha rito.

"Wala ka naman dapat na ipaliwanag Arthur eh.Napapaiyak lang ako,kasi ramdam kong mahal na mahal mo ako.Umiiyak ako kasi,sobrang saya ko dahil may isang Arthur Romero na nagmamahal sa akin ng labis. Mahal na mahal din kita mahal ko.Sorry din,kasi inaway pa kita. Sorry,dahil di kita naiintindihan." Sisingok-singok pa niyang sabi.

"Oh sweetheart. I love you so much." Abot tainga pa ang ngiti nito.

Sana,ganito lang sila palagi.Mabilis naiaayos ang problema.

Marahan niyang hinalikan ang kasintahan sa mga labi. Sobrang miss niya ito. Kaya matagal at halos kakapusin pa sila sa paghinga sa ginawa nilang halikan.

"Let's go home sweetheart.Baka di pa ako makapagpigil dito.Sobrang miss kita eh.Nasa parking pa naman tayo." Ngumiti ito ng pilyo at kumindat pa.

Nakuha naman agad ni Catherine ang ibig sabihin nito. Kaya inirapan niya ito.

"Di mo ba ako namimiss?"May himig tampong tanong ni Arthur sa kanya habang ini-start ang kotse.

"Di ba pagod ka sa shooting?" Pagdadahilan niya rito.

"Walang pagod sa taong gustong makaisa o makadalawa." At tumawa pa ito. Kaya kinurot niya ito sa hita. Kung anu-anong idea kasi ang naiisip nito. Which is,idea na gustung-gusto niya rin.

Nakarating sila ng condo kaagad at alam na ang mga sumunod na pangyayari.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sa office ni Jacob.....

"Ano ba naman yan Jacob? Ang bagal mo namang gumalaw.Kung di mo makakaya,ako na ang kusang gagawa.Gusto ko ng mailayo ang alalay na Catherine na iyon kay Arthur. Alam mo namang, matagal ko ng gusto si Arthur di ba? Pero hinayaan mo siya na mabaliw sa alalay na iyon." Inis na wika ni Sierra.

"Sierra,ano ba? Unti-unti ko na ngang ginagawa di ba? Di mo ba napapansin na halos lahat ng projects ni Arthur ay naroon ka.Wag mo namang biglain.Dahil balang araw, makukuha mo rin ang nararapat na sa iyo at makukuha ko rin yung sa akin.Si Catherine. So be patient." Ngumisi pa si Jacob.

Napahalakhak naman si Sierra.

"Talagang nababaliw ka na Jacob. Mahal mo talaga ang alalay na iyon?Damn!Bakit ba lahat kayo ay naaakit sa isang hamak na alalay?You're ridiculous Jacob."

Ibinagsak naman ni Jacob ang kamay nito sa mesa.Bagay na muntikan ng mapatalon si Sierra.

"Wag mong lait-laitin si Catherine, Sierra. Dahil sa totoo lang,mas lamang ang kagandahan niya kaysa sayo.At mahal ko siya. Kaya umayos ka.Dahil baka di kita tutulungan." Galit niyang sabi.

"Aba't gago ka pala Jacob eh." Akma niya itong sasampalin ngunit mabilis na nahawakan ni Jacob ang kamay niya.

"Now,out Sierra!" Sigaw ni Jacob habang tinuturo ang pintuan. "And don't worry,tuloy pa rin ang plano natin." Dugtong pa niya.

At lumabas na nga si Sierra.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now