#12: The Devil's Hour

6.1K 119 25
                                    

Hello!! sorry sa matagal na ud!!!!

__________________________

Tik.tak.tik.tak

Alas-tres na...

Parating na sila...

Wag kang mumulat pag may narinig ka..

Dahil..Hindi mo magugustuhan pagnakita mo sila..

Dahil pagpatak ng alas-tres ng madaling araw..

Lalabas sila at maghahasik ng lagim..

Dahil ang oras na ito ay ang..

"THE DEVIL'S HOUR"

____________________________

Gabi na, ngunit hindi parin makatulog si Felice.. Bagong lipat kasi siya sa bahay na pinagawa ng magulang niya bago ang mga ito ay magsipanaw.. Mag-isa nalamang sa buhay si Felice.. 26 taong gulang na siya, ngunit hindi pa siya nag-aasawa.. Masaya daw kasing maging single, yan ang pananaw niya sa buhay..Palibhasa solong anak, kaya sanay na siyang mag-isa..

''Sheet!!!" Bulalas niya, dahil hindi talaga siya makatulog..

Bumaba siya upang magtimpla ng gatas..

Napasulyap siya sa orasan, alas-tres na pala ng madaling araw..

Napamura muli siya, dahil maaga pa siya bukas, dahil may trabaho pa siya..

Pagkatapos niyang uminum ng gatas ay sumilip siya sa labas ng bahay niya dahil narinig niyang nag-aalulong ang aso ng kapitbahay niya..

May naaninag siyang lalaki sa tapat ng gate ng bahay niya..

"Sino kaya yung gag*ng yun?" sabi niya sa kanyang sarili.

Kung magnanakaw man yun, wala siyang pakealam, dahil sigurado siyang bago paman makatapak ang magnanakaw sa pintuan ng bahay niya, siguradong magkakalasog-lasog ang katawan nito dahil pagsumasapit ang gabi ino-on niya ang mga laser sa kaniyang garden.

Bumuntong hininga nalamang siya at umalis, paakyat na sana siya papunta sa kwarto niya ng, nakarinig siya ng babaeng umiiyak sa kusina. Muli siyang bumalik sa baba at doon ay nakita niya ang isang babae na nasa may lababo.. nakatilikod ito. Namuo ang takot ni Felice, nagsimulang manginig ang buo niyang katawan.

"Si-sino ka?"  tanong niya.. "..pa-pano ka nakapasok di-dito?" sabi nito..

Narinig niya ang mahina ngunit nakakatakot na tawa ng babae..

Biglang namatay ang ilaw.. Namuo ang pawis sa noo niya..

Gusto niyang sumigaw, ngunit hindi niya magawa..Gusto niyang tumakbo pero, nanghihina ang mga tuhod niya..

Nakarinig siya ng mga bulong..maraming bulong..

"suscipiat in gehennam"  

"suscipiat in gehennam"  

"suscipiat in gehennam"  

paulit-paulit, napatakip siya ng tenga..

"a-ayoko na!! Maawa kayo!!!!" sigaw niya kasabay ng pagpatak ng luha niya..

tumigil ang pagbulong at muling nagkaroon ng ilaw..

"lalala...elsa..wanna play?"  napatingin siya sa may hagdanan at nakita niya roon ang talking doll na pagma-may-ari niya noong bata pa siya..

Nangi-nginig parin siya.. nagsitaasan muli ang balahibo niya lalo ng makarinig siya ng mga yabag pababa ng hagdanan..Hindi na niya hinintay makababa kung ano mang klaseng nilalang iyon..

Dali-dali siyang pumunta sa pinto at binuksan iyon tumakbo siya palabas ng gate, upang humingi ng tulong..

Ngunit bago paman niya magawa iyon..

Naramdaman niya na-unti-unting humihiwalay ang bawat parte ng katawan niya..

at bago paman siya mawalan ng malay, nakita niya ang mama at papa niya..

"Maligayang pagdating sa lugar natin anak..magkakasama na muli tayo.. halika sumama ka sa amin sa..

IMPIYERNO.."

*******************************

Helo sorry sa panget kong story..har..har.. nga pla di po totoo yang pangyayareng yan ha.. trip ko lang po gumawa ng horror hehe.. panget no?! hayaan nyo po ang #13 ay true story po ulit ^^ salamat po sa mga wlaang sawang naghihintay ng ud ko kahit may katagalan, sa mga nagvovote po, thank you! o guyzz voice out your opinions! 

thank you ule~

mwah~~

@Le_anne14zzz

"suscipiat in gehennam" a latin word of "welcome in hell" o "maligayang pagdating sa impiyerno".

salamat sa google translator haha~ kung mali man yan pasensya, people lang XD

Tagalog Horror Stories(The Forbidden Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon